Juday Point Of View
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Puting kisame ang bumungad sa akin at iilang mga aparatos sa iba't-ibang parte ng aking katawan. Nanghihina rin ako, lalo nang maalala kung anong mga nangyari.
R-Rey. . . Nasaan siya? Maayos ba siya? Sumunod ba siya? Ang baby namin? Okay lang ba?
Gusto kong haplosin ang akin t'yan ngunit ang mga kamay ko'y namamanhid rin, kung kaya't hindi ko ito magawang i-galaw. Nagsimulang tumulo ang luha galing sa mata ko.
Nasaan ako? Nasaan ang lugar na 'to?
"H-Heather!? Doc! She's awake!" Sunod-sunod na sigaw ang aking narinig. Gustohin ko mang lumingon para tignan kung sino ito, ngunit hindi ko talaga kayang i-galaw ang katawan ko. Wala akong maramdaman kundi ang pagdaos-dos nang sunod-sunod na luha sa pisnge ko.
Biglang humarap sa akin ang isang doctor, wala pa rin akong naging aksyon.
"Miss Heather? Can you see this?" Hinarap niya sa akin ang kanyang palad. "Nod if you can see this." Dahan-dahan akong tumango.
"Heather. . ." Narinig kong muli ang nanginginig na boses ng kung sino.
"Her conscious is back, we just need to take some test and ready her medicine that she needed to take. We'll leave you for a moment Ms. Serirel." Rinig kong paalam nito.
S-Serirel? Si Fiona!?
"Heather. . . Anak. . ." Malambot niyang boses ang pumukaw sa buong sistema ko. Kumunot ang akin noo lalo na nang tuloyan kong makumpirma na siya si Fiona, ang totoong Ina ko.
Bumuka ang aking labi ngunit walang salitang lumalabas mula sa aking bibig. Gusto kong mag tanong kung nasaan ako at kung bakit ko siya kasama. Ngunit tanging pagbuka lang ng aking bibig ang aking nagagawa.
"Don't force your self Heather, it's not good for you. Take it slowly, o-okay?" Hinaplos niya ang aking noo at hinalikan ako doon. Gusto ko pa sanang iwasan ang haplos niya sa akin ngunit wala naman akong lakas.
Maya-maya ay narinig kong bumukas ang pinto. Nakikita ko sa gilid ng aking mata ang pag-pasok ng dalawang nurse. May dala-dala itong tray na puno ng gamot.
Kinausap nila si Fiona bago bumaling sa akin at nagsimulang mag-enject ng mga gamot.
Makalipas ang ilang minuto ay parang ramdam ko na ulit na nabuhayan ang katawan ko.
"R-Rey. . ." Ang pangalan niya ang una kong nabigkas.
"Heather. . ." Lumipat ang akin tingin kay Fiona. Bakas sa kanyang mga mata ang gulat at awa.
"Rey. . . N-Nasaan si Rey. . ." Paulit-ulit na tanong ko. Pero wala akong nakukuhang sagot mula sa kanya, tanaw ko lang ang pagtulo ng luha galing sa kanyang mga mata.
Hinaplos niyang muli ang aking noo. "Get well soon, Heather. Simula ngayon, hindi na ulit kita pababayaan. Nandito na si Mommy, I promised, not to leave you again." Kumunot ang aking noo. Kasabay n'on ang unti-unting pag-dilim ng paningin ko.
Nang mag mulat ulit ako ng aking tingin ay puting kisame pa rin ang unang bumungad sa akin. Sa pagkakataong 'to ay nararamdaman ko na ang katawan ko. Ginalaw ko nang kaunti ang kamay ko at tagumpay ko 'yung nagaw.
Tinagilid ko ang aking ulo para makita kung may kasama ba ako sa, umaas ako na makikita ng mga mata ko ang taong kanina ko pa hinahanap.
Pero wala. Nailibot ko na ang aking tingin ngunit hindi ko siya makita! Nasaan si Rey? Ang sabi niya susunod siya, susundan niya kami. Bakit wala siya dito? May nangyari bang masama sa kanya!? Paano kung. . . Paano kung meron nga!?
BINABASA MO ANG
Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)
RandomAng sabi nila, umiikot raw ang buhay ng isang tao, minsan masaya, minsan malungkot, at minsan naman, miserable. Ngunit bakit tila pinaglalaruan ang buhay ni Juday? Bakit parang hindi naman umiikot ang buhay niya? Palagi siyang nasa bingit nang kalun...