Kabanata 23

287 18 0
                                    

Juday Point Of View

Matagal akong natigilan dahil sa mga sinabi niya. Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang mga binitawan niyang salita. Ni hindi ko namalayang wala na pala siya sa harapan ko.

Naglalakad ito papunta sa ikalawang palapag ng Mansyon, kahit nahihirapan akong i-hakbang ang mga paa ko'y pinilit ko ang sarili para masundan siya.

Muntik pa akong matalisod sa hagdan dahil masyadong mabilis ang hakbang ni Rey, kung kaya't hindi madali sa akin na maabutan siya. Hinihingal ako nang marating ang tuktok ng hagdan, habang si Rey ay pumasok sa kanyang kwarto.

Muli akong naglakad at akmang isasarado niya ang pinto nang mabilis ko itong pigilan. Umangat ang tingin niya sa akin nang pumasok ako sa kwarto niya.

"Judie." Mariin niyang banggit sa pangalan ko.

"Ano? Ganoon na lang ba kadali sa 'yo na bitawan ako!?" Tumaas ang boses ko.

"It's not easy for me too. But I need to let you go! I don't want to be a burden to you. Subrang dami mo nang pinagdaanan Jud, ayoko nang dumagdag pa. It's for your own good, listen to me." Umiling ako.

"My own good!? Paano naging good 'yon!? Dito lang ako! Hindi ako makikipag-hiwalay! At mas lalong hindi kita iiwan. I'm your girlfriend, problema mo, problema ko, if you cry, then I will, if you're miserable, then so I am. Para saan pa't naging girlfriend mo ako 'di ba?" Bumagsak ang kanyang tingin sa sahig.

He looks frustrated. Maya-maya pa'y hinilot niya ang kanyang sintido. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya, nagsimulang mamula ang kanyang mukha, kasabay n'on ang sunod-sunod na pagtulo ng kanyang luha.

"I'm sorry. . . I should be the one to bring the better for you, but I made it worst. I didn't meant it. . . I'm sorry, please don't leave me. . ." Nakasandal siya sa balikat ko, ramdam ko ang mainit na likido mula doon. Patuloy pa rin siyang umiiyak.

"I won't. Dito lang ako. . . Nandito lang ako, Rey." Mahina kong hinagod ang kanyang likuran.

"I'm afraid Jud, mommy is sick. She's terrified, she's afraid, hindi niya makakayanang makulong. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari, I can't endure the pain."

Patuloy ko lang siyang inaalo. Pinaupo ko rin siya sa dulo ng kama niya at muling pinunasan ang kanyang pisnge. Hanggang ngayon ay nagulat pa rin ako sa mga nalaman ko.

Tita Jenfer is the one who killed Rey's father. Pero inako ni Rey ang kasalanan at pinalabas sa mga tao na siya ang pumatay, para pagtakpan ang Ina. Ganoon ang pagkaka-intindi ko sa mga nangyari.

"Rey. . ."

"He's a monster Jud. My father is a monster. Buong buhay ko nagtiis kami ni Mommy sa kanya, he's a powerful and well-known man. Walang nagtatangkang kalabanin siya dahil sa kapangyarihan niya, he's a rich man, but he's a monster."

Nakatingin siya ngayon sa kawalan. Nanatili naman ang kamay ko sa kanyang pisnge.

"Bata pa lang ako, alam ko ng niloloko niya si Mommy. Ilang babae na ang dinala niya sa bahay, at nakikita ko 'yon. Nag-tangka kaming umalis noon at iwanan siya, kaya kami napadpad dito sa lugar niyo. Binili ni Mommy ang lupa at Mansyon na 'to. We tried to start here again, but he found us."

Napaisip ako. Siguro noong una ko siyang makita sa dalampasigan, 'yon 'yung time na tumira sila dito upang takasan ang kanyang ama.

"Lumuhod siya sa harapan ni Mommy at nagmakaawa na bumalik kami sa kanya, he said he's willing to change and he's willing to be a good father and husband to us. Mahal siya ni Mommy, alam ko 'yon dahil ramdam ko at nakikita ko. Kaya naman pumayag si Mommy. . . Sumama ulit kami sa kanya, umalis kami dito at bumalik sa Manila."

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon