Juday Point Of View
Katahimikam ang nanaig sa pagitan naming dalawa. Walang nag tangkang gumalaw o magsalita. Kalaunan, unti-unting lumuwag ang pagkakayakap ni Rey sa akin. Kinabahan ako dahil sa biglaang ginawa niya.
Dahan-dahan akong tumayo at nilingon ang pwesto niya. Ngayon ay nakaharap na ako sa kanya habang nakaupo pa rin siya sa kanyang swivel chair. Inabot niya rin ang PT na hawak ko.
Tumagal ang titig niya doon. Hindi ko rin siya makitaan ng kahit anong emosyon sa kanyang mukha.
Kanina ko lang din nalaman ang tungkol sa ipinagbubuntis ko. Sa dalawang buwan na nakalipas, wala akong ibang naramdaman kundi ang pananakit ng ulo ko, pandidilim ng paningin ko, at biglaan kong pagsusuka.
Wala akong ibang maisip na dahilan, kung kaya't pumunta ako sa pharmacy kanina para bumili ng PT, at hindi nga ako nagkamali! Puno nang gulat ang buong sistema ko nang makitang positive ang Pregnancy Test.
At ngayon ay natatakot ako sa magiging reaksyon ni Rey. Marami na siyang problema, marami na siyang iniisip, tapos dinagdagan ko pa 'yon. Ayoko naman kasing mag lihim sa kanya o 'di kaya'y i-tago ang katotohanan.
Pero mukhang pagsisisihan ko ang ginawa ko. Wala pa ring emosyon si Rey habang nakatingin sa PT. Mas lalo akong kinabahan. Galit ba siya? Hindi niya ba tanggap ang katotohanan na buntis ako? Hindi ba siya handa rito?
"R-Rey, I'm sorry, sana nag take ako ng pills--"
"Heather Judie, what the heck are you saying?" Seryoso ang boses niya ngunit ang kanyang mga mata ay malambot na nakatingin sa akin. Nabigla pa ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko.
"Rey? Anong ginagawa mo!?" Ilang beses akong napalunok nang unti-unti niyang halikan ang t'yan ko. Nakaluhod pa rin siya at mainam na sinubsob ang kanyang mukha sa t'yan ko.
"You're pregnant. . . I'm a father now. . ." Bulong niya sa gitna nang pagsiksik ng kanyang mukha. "Fuck, I'm a father now. . ."
"Rey," pag-tawag ko. Nang tumingal siya sa akin ay nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata, maging ang tungki ng ilong niya, at ang kanyang magkabilaang tenga. Secods later, tumulo ang iilang butil ng luha galing sa kanyang mata.
"I love you. . . Mas mamadaliin ko ang kasal natin Jud," unti-unti akong yumuko at hinawakan ang braso niya para alalayan siyang tumayo.
"Tumayo ka na, Rey. . ."
"No, I want to hug you, and our baby," mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin.
Ang kaba at takot na naramdaman ko kanina lang ay biglang naglaho. Nakahinga ako nang maluwag, akala ko'y hindi niya matatanggap ang pagbubuntis ko, lalo na ngayong marami siyang problema sa kompanya nila.
"H-Hindi ka galit?" Tinaasan niya ako ng kilay at mabilis na tumango.
"Why would I? That's our baby, bakit ako magagalit, huh? I want to fucking shout right now Jud because of happiness. . ." Hindi ko na rin maiwasang maiyak. "Baby? F-Fuck, w-why are you crying?"
Tumayo siya at mabilis akong inalo. Pinunasan niya ang luha sa aking pisnge at pinaunalan ako ng halik sa noo.
"May masakit ba? Let's see a doctor, magpapacheck-up ka." Mahina akong natawa dahil sa pagiging taranta niya. "Don't laugh at me woman, tell me, may masakit sa 'yo? Nagugutom ka ba? I'll cook!"
"Eh, hindi ako gutom! Masaya lang ako para sa atin Rey. . ." Lumabi siya at muling hinalikan ang noo ko.
"As I am Juday, I have two babies now, huh?" Tinampal ko ang kanyang braso at hinayaan siyang buhatin ako papunta sa kama. Maingat niya akong hiniga. "Judie, lumipat tayo sa rest house namin sa Pangasinan."
BINABASA MO ANG
Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)
RandomAng sabi nila, umiikot raw ang buhay ng isang tao, minsan masaya, minsan malungkot, at minsan naman, miserable. Ngunit bakit tila pinaglalaruan ang buhay ni Juday? Bakit parang hindi naman umiikot ang buhay niya? Palagi siyang nasa bingit nang kalun...
