Kabanata 7

372 25 4
                                    

Juday Point Of View

Matagal akong nakatitig sa kanya, nagkaroon ako bigla nang lakas ng loob para titigan siya. Humiwalay na rin siya mula sa paghalik sa aking noo at mataman rin akong tinignan.

Sa totoo lang. . . Sino ba talaga siya? Bakit marami siyang alam tungkol sa akin? Childhood friend ko ba siya? Pero tanging si Berto at Burnok lang ang kilala kong lalaking kaibigan. . . Kahit may saltik ang mga 'yon itinuturing ko pa ring kaibigan.

"Rey. . . Magkakilala na ba tayo dati?" Tanong ko rito at diretso siyang tinignan sa kanyang mata. Hindi siya kaagad sumagot, hinawi niya lang ang iilang hibla ng aking buhok kaya mas lalo kaming nagkatitigan.

"It's for you to find out, Juday." Makahulugan niyang sagot. Binagsak ko ang tingin sa dalampasigan at pinanliitan siya ng mata.

So, may posibilidad na kilala ko nga siya o kilala niya ako, noon pa man? Kasi hindi naman niya tinanggi.

"Alam mong birthday ko. . ."

"Yes, and I'm curious, you should now preparing for your birthday but it's look like you're not grateful about it." Tumango ako at ngumiti. Tama siya, hindi na talaga ako nagiging grateful tuwing birthday ko.

"Sa araw rin kasi ng kaarawan ko ay ang araw nang pagkawala ng dalawang taong mahalaga sa akin. . . Kaya imbes na magsaya ako dahil kaarawan ko, nalulungkot lang ako dahil death anniversary naman ng papa at kapatid ko." I can't believe this! Nag kwento ako sa kanya!

Kusa na lang lumabas iyon sa bibig ko, at kung kelan ako natapos magsalita, tsaka ko lang na-realize ang mga sinabi ko.

Hindi nakasagot si Rey, umiigting lamang ang kanyang panga at masuyo akong tinignan. Parang may gusto siyang sabihin ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili. Siguro naawa siya sa akin. . . At isa sa mga ayaw ko, ay ang kaawaan ako.

"Huwag kang maawa sa akin, ilang taon na ang nakalipas simula n'on. Ilang kaarawan ko na rin ang naganap at wala na akong pakialam," mahinang sambit ko sapat lamang para marinig niya.

"I'm not Juday, hindi ako naawa. For me, you're a brave woman, as same as before. That's why I am proud of you. I get it that you're hurting inside because of your father and brother, but I don't understand why you hate yourself."

"Kasi ako ang dahilan kung bakit sila nawala, kung hindi dahil sa akin sana buhay pa sila ngayon. Kung hindi dahil sa akin, sana nandito sila ngayon, malayang nasisilayan ang mundo, at masayang kasama ko. Ang daming sana. . . Kasi hanggang doon na lang ako e. Kung maibabalik ko lang. . ." Bumaba ang tingin ko nang bigla niyang i-abot sa akin ang isang pack ng tissue.

Why is this so familiar? Parang pakiramdam ko nangyari na 'to. Hindi ko lang maalala. Simula ata nang mabagok ang ulo ko, ang dami ng insidente na hindi ko maalala!

"I want to ask you, Juday," umangat muli ang tingin ko sa kanya. Naghihintay sa tanong niya. "Ginusto mo bang mawala sila? Hiniling mo ba? Did you kill them with your own hands?"

"H-Hindi. . ."

"Then you shouldn't hate yourself because of it, what happened is not your intention, you didn't kill them by your own. Sadyang, minsan mailap lang talaga ang mundo Juday, why are you blaming yourself when you were also hurt because of what happened? Hindi mo kasalanan. . . Wala kang kasalanan. Don't stop yourself from the happiness you deserve."

Wala akong naisagot. Tanging nagawa ko lang ay ang humagulhol, iwan ko kung bakit ganito ang reaksyon ko. Subrang bigat sa pakiramdam, at hindi ko inaasahan na siya patalaga ang magsasabi n'on.

Tinatak ko sa sarili ko na kasalanan ko kung anong nangyari kina Papa, pero nasaktan rin ako! Hindi ko 'yon sinadya, kasi kung alam kong ganoon ang mangyayari sana hindi ko na lang siya tinawagan nang araw na 'yon.

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon