Kabanata 31

46 1 0
                                    

Juday Point Of View

Tahimik ang naging byahe namin ni Salde. I can feel his gaze on me, tila gusto niya akong kausapin but instead I just lay my head sa may bintana.

I don't know what to feel. Alam ni Salde ang totoo! Alam nila ni mommy, but neither of them told me the truth, wala sa kanila ang nagsabi.

Totoong galit ako kay mommy, at hindi ko ito palalampasin. After this project ay babalik ako sa US, I want to talk to her!

May bumabagabag lang sa akin. If he was alive after all, bakit... bakit parang hindi naman niya ako hinanap? I know it's just so dumb to ask this question! Pero gustong-gusto kong malaman kung bakit parang wala lang ako sa kanya?

Did he realize that he doesn't like me? Or love me? Kaya ba wala siyang ginawa? Kasi ako, kung nalaman ko lang na buhay pala siya, I wouldn't think twice! Hahanapin ko siya.

But I guess, it's different on him. Does he care about me?

I can't even feel his emotion kanina. Parang wala lang talaga ako sa kanya. Just a pure stranger, habang ako ay nangangatog ang tuhod.

"Heather..." I was bring back to reality when I heard Salde's voice. Nakarating na pala kami sa building ng condo. Peke akong ngumiti at lumabas ng kotse.

He was about to help me na pagbuksan ng pinto ng kotse, pero inunahan ko na siya. Nauna akong maglakad habang ramdam ko ang presensya niya sa likuran ko.

"Heather, can we talk?" he whispered. Nakasakay kami sa elevator.

"I'm tired Salde... Wala pa ako sa mood makipag-usap," diretso kong sabi.

Sakto namang bumukas ang elevator kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Dumiretso ako sa kwarto ko at hinayaan ang sariling humiga sa kama.

This is so much for me to take.

Seconds later... naramdaman ko na lang ang paglandas ng luha ko.

I missed him so much. God know's how eager I am to go for him and just hug him! Ngunit hindi ko magawa. Everything is different from before, ni hindi ako sigurado kung siya pa rin ang Rey na kilala ko.

He changed a lot.

Isa lang din ang pinapasalamat ko... at 'yon ay buhay siya. Kasi sa mga nakaraang taon, ang paniniwala koy wala na talaga siya.

That's why I am happy, even if I can't reached him again just like before, I am so happy still because he's alive, and he's well.

Rey... Geoffrey... Does he think of me too? 'O ako lang din ang nag-iisip sa kanya?

***

"Mr. Agenta, magandang umaga po," sinalubong ko ito nang malawak na ngiti, he did the same to me.

"Good Morning, Ms. Lagroza, hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa 'yo! Thank you for doing your best." Mahina akong tumawa at umiling.

"No, Mr. Agenta, I should thank you for choosing me for this project, I'm not a professional architect but still here I am holding this big project."

Totoo rin naman, noong una talaga ay hindi ako makapaniwala. This is my first big project after all.

Isa ring pinapasalamat ko ay dahil... sa project na 'to nakita ko siya ulit.

Speaking of him, nandito ako ngayon sa opisina niya together with Mr. Agenta, hinihintay namin siyang dumating.

Sinabi rin ni Mr. Agenta na kasama nitong dadating ang mga engineers na kinuha rin nila. We're starting this project for real!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon