Kabanata 16

313 13 1
                                        

Juday Point Of View

2 days ago before Cibby died.

"Cibby, sino ang totoong tatay ng anak mo? Alam ba niyang buntis ka?" Tanong ko sa kanya at nilapag ang kanin sa ibabaw ng mesa. Nakayuko rin ang kapatid ko at mabilis na umiling.

"Hindi, Juday. Hindi niya pa alam ang tungkol sa pinagbubuntis ko, pero parang sigurado na ako na hindi niya ako pananagutan pag nalaman niya ang tungkol rito," pilit siyang ngumiti at ginalaw ang plato niyang may lamang pagkain.

"At bakit naman hindi? Wala siyang konsensya kung ganoon, dapat sabihin mo pa rin sa kanya Cibby, baka mali ang iniisip mong hindi ka niya pananagutan." Suhestiyon ko at umupo sa katabing upuan.

Nandito kami ngayon sa bahay. Kakagising ko lang at dumiretso na ako sa kusina para magluto ng kakainin. Sakto namang nandito rin si Cibby, akala ko kasi'y maaga nanaman siyang umalis. Dalawang araw na rin pala simula nang mag-usap kami.

"Oo Juday, sasabihin ko rin sa kanya, ngunit hindi ko na tataasan ang ekspektasyon ko. Ang kinakatakot ko lang ay baka malaman ni Mama na nagsinungaling ako," malalim akong bumontong-hininga.

"Huwag mo munang isipin si Tita sa ngayon, hindi rin naman ako magsasalita patungkol sa nangyari, unahin mo ang tatay nang dinadala mo, dahil kailangan niyang malaman ang totoo. Tanggapin man niya o hindi, pwes hayaan mo siya, ang mahalaga masabi mo sa kanya ang tungkol r'yan. Nandito lang ako Cibby. . . Kung sakaling hindi ka niya panagutan, pwes nandito lang ako, tutulongan kita." Sinalinan ko na rin ng tubig ang baso niya habang diretso lang siyang nakatingin sa akin.

"Bakit ang bait mo pa rin, pagkatapos ng mga nangyari? Bakit iniisip mo pa rin ang kapakanan ko gayong sinaktan kita at nagsinungaling ako?"

Nasaktan man ako sa mga nangyari, ayoko pa ring dalhin ako ng aking galit sa kung saan. Kung hahayaan ko ang sarili kong malamon nang galit, ibig-sabihin wala akong maipagkakaiba kay Cibby.

Ayokong maging katulad niya na lubusang nagpadala sa galit kung kaya't marami siyang mga masasamang bagay na nagawa. Ngunit hindi rin ibig-sabihin n'on ay ayos na sa akin ang lahat, malungkot pa rin ako at nasasaktan sa mga nangyari.

Higit sa lahat, kapatid ko si Cibby. Kahit anong mangyari, kapatid ko siya.

"Palagi ko lang tinatatak sa utak ko na kapatid kita, Cibby. At nagmamalasakit rin ako sa magiging pamangkin ko, kaya sana gawin mo rin ang alam mong makabubuti hindi lamang para sa 'yo, kundi para na rin sa magiging anak mo." Marahan siyang tumango at malawak na ngumiti.

"Salamat Juday. Aayusin ko ang sarili ko, para sa magiging anak ko. G-Gusto kong maging mabuting Ina para sa kanya, alam kong napaka-halimaw ko sa 'yo bilang kapatid mo, ngunit ayokong maging isang halimaw na Ina. Salamat at patawad."

Hindi ako kumibo at nagpatuloy lamang sa pag-kain. Sa halos ilang taon na magkasama kami ni Cibby, ngayon lang kami nakapag-usap nang ganito.

Guminhawa rin ang pakiramdam ko dahil unti-unti kaming nagiging maayos.

Kaya naman hindi ko lubos maipasok sa utak ko ang mga narinig ko galing kay Burnok.

"Si Cibby, ang kapatid mo!" Kumunot ang noo ko. "Juday wala na siya! Tumalon siya mula sa malaking building sa may munisipyo!" Para akong nabunutan nang tinik. "Patay na siya, Juday!"

Kumaripas ako nang takbo habang nakakuyom ang aking kamao. Nasa malayo pa lang ako ay tanaw na tanaw ko na ang mga taong nagkukumpulan habang nag-sidatingan naman ang pulis at ambulansiya.

Nangangatog ang aking tuhod habang papalapit ako sa direksyon nang maraming tao. Para akong mauubusan nang hininga nang tuloyan kong matanaw ang nagkalat na dugo sa kalsada, at ang pamilyar na katawan na ngayo'y binubuhat ng mga tao pasakay sa ambulansiya.

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon