Kabanata 20

352 22 1
                                    

Juday Point Of View

Matagal akong nakatitig sa kanya at hindi ko man lang magawang kumurap, hindi rin ako makapaniwalang nandito siya ngayon sa harapan ko. Nang magtama ang tingin namin ay unti-unting rumehistro ang ngiti sa kanyang labi.

"H-Heather?" Pag-tawag niya sa akin gamit ang aking unang pangalan.

Wala akong naging sagot, pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Mahaba ang kanyang buhok at ang dulo nito ay umaalon, maputi siya at payat, makinis ang mukha, may matangos na ilong at magandang mga mata.

Manipis ang kanyang mga labi at may katangkaran ito.

Para siyang isang modelo dahil sa kanyang ayos. Halatang galante, kung titingnan ang kanyang damit na suot ay masasabi ko talagang mamahalin ang mga ito.

Siya ba talaga ang tunay kong Ina? Ang layo-layo ko kumpara sa kanya.

"Heather. . . It's look like you knew me?" May malambot rin siyang boses.

"Anong ginagawa niyo rito?" Walang emosyon kong tanong dahilan kung bakit siya nagulat.

"Heather. . . I am Fiona Brie Serirel, I'm your mother," kumawala ang sarkastikong ngisi sa aking labi.

Mother?

"Can I talk to you? Please," may pagsusumamo nitong ani.

Hindi ako sumagot at binuksan ang pinto ng bahay, mukhang sumunod naman siya sa akin dahil narinig ko ang tunog ng suot niyang heels.

"Nagmamadali kasi ako, anong kailangan nating pag-usapan?" Umupo ako sa sofa at ganoon rin ang ginawa niya.

Saglit pa niyang tinitigan ang mukha ko kasabay n'on ang pamumuo ng luha sa kanyang mata.

"I know that I was a coward. Alam ko ring galit ka sa akin," panimula niya. Kumunot ang noo ko.

"Diretsohin niyo na lang ako. Anong kailangan niyo at nagpakita kayo rito? Alam niyo bang patay na si Papa? Matagal na, pati na rin ang nakababatang kapatid ko, tapos ang Ate ko, si Tita Irene naman nasa Mental Hospital." Umarko ang gulat sa kanyang mga mata.

"I-Irene was in a Mental Hospital?" Hindi niya makapaniwalang sabi.

"Oo. Kaya ano pa bang kailangan niyo rito? Bakit pa kayo nagpakita? Kilala po kita, alam ko kung sino ka. Pero ano naman 'di ba?" Bumaba ang kanyang tingin sa sahig at pinahid ang luhang tumulo galing sa kanyang mata.

"Heather, p-please come with me, gusto kong bumawi--"

"Umalis ka na po. Nagmamadali kasi ako," putol ko sa kanya at mabilis na tumayo para sana umakyat papunta sa kwarto ko. Kaso mabilis niya akong pinigilan.

Hinila niya ang kamay ko, at nang lumingon ako ay nakaluhod na siya sa harapan ko.

"Heather, alam kong galit ka. Siguro alam mo na kung anong kwento namin noon, kaya naiintindihan ko kung bakit galit ka. I was a coward, sunod-sunoran ako sa pamilya ko, natatakot ako sa kanila at sa mga bagay na makakaya nilang gawin. Mahal ko ang Papa mo. . . Mahal ko si Josef, pero wala akong lakas ng loob para ipaglaban siya noon, kaya umalis ako at pumunta sa ibang bansa."

Huminga ako nang malalim.

"Natakot rin ako dahil nagbanta ang lolo at lola mo na si Josef ang mananagot pag hindi ako humiwalay sa kanya. That's why I choosed to be a coward, at halos mawasak ang puso ko nang marinig ang tungkol sa kasala nila ni Irene. Alam kong kasalanan ko dahil ako 'yung umalis, pero masakit pa rin. Hindi ko nakayanan kaya bumalik ako ng pilipinas." Saglit siyang tumigil.

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon