Juday Point Of View
Warning: SPG.
Halos tumalon ang puso ko nang mabilis na humiwalay ang katawan ni Salde sa akin, malakas rin itong bumagsak sa sahig nang suntokin ito ni Rey.
"R-Rey. . ." Tawag ko sa kanya. May ibang napatigil dahil nakita nila ang nangyari, ang iba naman ay parang hindi napansin ang gulo sa pwesto namin dahil patuloy lang silang nagsasaya.
"Fuck!" Pinigilan ko si Rey nang akmang aatakihin niya ulit si Salde. Mabilis ring lumapit sila Marisol sa amin at tinulungang tumayo ang lalaki na ngayon ay wala ng malay.
"Mauna na kami Marisol," paalam ko sa kanila. Naunang maglakad paalis si Rey kaya halos takbohin ko ang pagitan naming dalawa. Narating niya ang kotse at mabilis akong pinagbuksan ng pinto.
Pilit kong hinuhuli ang tingin niya ngunit palagi rin siyang umiiwas.
"Rey, 'yung nakita mo-"
"Get in," malamig niyang putol sa akin. Kinakabahan akong pumasok sa loob ng sasakyan. Siya ang nagsuot ng seatbelt sa akin at sumakay na rin sa driver seat.
Madilim pa rin ang mukha niya nang makauwi kami. Dumiretso siya sa kusina at uminom ng tubig. Nakatingin lang ako at hinihintay na matapos siya. Nang makitang naglakad siya palabas ng kusina ay sinalubong ko siya, ngunit nilagpasan niya ako.
Sinundan ko ulit siya, tumigil siya sa may sofa at frustrated na umupo doon.
"Malalim na ang gabi, matulog ka na," sambit niya, hindi ako tinatapunan ng tingin. Mas lalo akong lumapit sa kanya.
"Hindi ko alam kung bakit niya 'yon ginawa. Lasing siya at bigla niya akong hinila, tapos ayon na ang ginawa niya. . . Nagulat rin ako, tinulak ko siya, pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko, kaya hindi ako nakagalaw." Paliwanag ko.
Mabigat pa rin ang pag-hinga niya at ang mga kamay ay nasa kanyang ulo.
"Okay, go up stairs, matulog ka na." Hindi ako sumunod. Nanatili akong nakatayo sa harapan niya. "Juday. . ." Malamlam niyang tawag sa akin.
"Ayoko, hindi rin naman ako makakatulog kung sakaling pumunta ako sa taas. At mas lalong hindi ako makakatulog gayong alam kong hindi tayo okay." Nanaig sa boses ko ang pagtutol.
"I'm okay. . ."
"Galit ka?" Sinuri ko ang mukha niya. Yumuko ako at tinignan pa lalo ang mukha niya, hinaplos ko rin ang pisnge niya.
"Damn. . . Why so stubborn?" He muttered. Bigla niya akong hinila, namalayan ko na lang na nakaupo ako sa isang hita niya. Nakapulupot rin ang braso niya sa t'yan ko at bahagyang hinahalikan ang batok ko.
"Rey. . ."
"Wash your lips later. . ." Bulong niya sa akin at muli akong hinalikan sa batok.
"Galit ka?"
"Yeah, very mad." Pinaglaruan ko mga daliri niyang nasa t'yan ko. Nakaupo pa rin ako sa hita niya, at aminin ko man o hindi, I can feel his huge thing in there! Mas lalo atang namula ang pisnge ko.
"I'm sorry If you had to see that, hindi ko rin talaga inaasahan ang nangyari, Rey. . ."
"Hmm. . . Sa kwarto ka matulog." Bulong niya ulit sa akin.
"K-Kwarto mo?" Tumango siya at mabilis akong binuhat. "Rey!" Igtad ko dahil sa biglaan niyang ginawa.
"Sa kwarto ko." Pag-uulit niya at nagsimulang humakbang. Pinulupot ko na lang ang kamay sa kanyang leeg dahil mukhang wala siyang balak ibaba ako.
BINABASA MO ANG
Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)
RandomAng sabi nila, umiikot raw ang buhay ng isang tao, minsan masaya, minsan malungkot, at minsan naman, miserable. Ngunit bakit tila pinaglalaruan ang buhay ni Juday? Bakit parang hindi naman umiikot ang buhay niya? Palagi siyang nasa bingit nang kalun...
