Chapter 6

178 15 21
                                    


Arani

"Ah talaga ba Raus, baka ikaw pa ang nahihiya at hindi si Arani" kantyaw pa ni Ate Hera sa kapatid.

Lumingon si Raus saken, dahil dun inarapan ko siya.

Ayaw ko man sabihin pero may Gusto ba saken to?
Sa lahat ng feelingera sa mundo baka isa na ako dun.

Dahil hindi saken mag kakagusto ang isang Raus Glen Hidalgo!.

"Naku, masyado na tayong na libang sa paguusap bakit hindi natin ito ituloy sa hapag kainan?" Nagpasalamat ako kay Nanay sa sinabi niya. Bukod sa nahihiya ako, ay ayaw ko naman na ma-link sa taong nasa harap.

"Magandang nga po iyan tara na sa labas naghihintay na din po ang ibang bisita, doon na po tayo pumunta para makakain na" sumang ayon ang lahat sa sinabi ni Tito Lorgan.

Nagsi kilos naman ang pamilya Hidalgo sa paanyaya ng aking pamilya. Maliban lang sa taong kaharap ko ngayon.

"Ano?" maangas kong sabi.Dahil nakatingin pa to saken. He sighed.
Nilahad ko sa kanya ang kamay ko.
Nagulat ako ng kamay niya ang nilagay sa kamay ko. Inis ko iyung winasiwas.

"Yung paper bag!" dabog naman niya yun iniabaot saaken.

"Bakit kase hindi naimik akala ko gusto mong hawakan ang kamay ko" bulong bulong pa. Kahit rinig ko naman.

"Ano felengero ka! Ikaw dyan nanghahawak ng kamay kanina pa!" sigaw ko sa kanya.

"Wag ka ngang sumigaw" naiinis na sa pag sigaw ko dahil mas doble ang lakas nito sapagkat nasa loob kami ng bahay kumpara kanina na nasa labas.

"Ampangit mo!" mabilis akong tumakbo papunta sa hagdan pataas sa kwarto ko dala-dala ang paper bag na regalo niya kasama ang regalo ni Tita Roahna at Yuki. Wala na kase akong masabi kaya yun na lang nasabi ko.

"A-no?! H-hoy, sinong pangit, Bulag kaba! Andaming nagkakandarapa saken tapos Ikaw?! Sasabihan ako ng pangit!!!" Habol niya saking sigaw pero hindi na naman siya sumunod.

Natawa ako sa reaksyon niya.
Ambilis naman niyang mabwesit. Bwahahahaha

Nilagay ko lang ang mga regalo sa taas. Bumaba rin naman ako agad. Wala naman talaga akong balak pumunta sa kwarto ko pero para makatakas kay Raus ay ginawa kona ayun na lang kase naisip kong paraan.

Mamali pa sana ako ng tapak sa hagdan ng makitang naghihintay saken si Raus sa dulo ng hagdanan.
Naka sandal ito sa hagdanan at naka cross arm pa.
Nakatalikod siya saken mukang malalim ang iniisip nito dahil hindi niya ako napansin papalapit...

Kaya mabagal akong naglakad papunta sa kanya.
Ng makalapit ay ginulat ko siya..
"Booooo!!!" sa lakas ng sigaw ko ay maririnig na yata sa labas ang boses ko.
Ako ang nagulat ng masama ang tingin nitong nilingon ako.
Hindi man lang kase ito nagulat sa panggugulat ko.

"Funny" maikli niyang sabi.
"Sorry ,Ha Ha Ha" awkward kong tawa dahil seryoso siya.

I was about to walk when he catched my hand to face him.

Ginawa ko naman.

"Bakit?" tanong ko.
Pupunta na sana ako sa labas para kumain ulit.

"Bakit mo sinabihan  akong pangit? Bawiin mo ang sinabi mo, Arani" muntik na ako matawa ng yun ang sinabi niya.
Talagang seneryoso niya yun?.

"Pangit mo, Raus!" nakangisi kong sabi. Nakakatuwa siyang asarin mukha na kase siyang paiyak.
"Pangit, pangit, pangit pangit, pangit" I chanted.

Nagdilim ang pagtingin niya saken tapos bumaba ang tingin niya sa labi ko. Napalunok naman ako dahil sa intensidad ng pagtingin niya dito. Binalik niya sa mga mata ko ang tingin niya.

Hope in painWhere stories live. Discover now