Chapter 20

110 10 0
                                    


Arani

Binusog ko ang mga mata ko sa interior ng bahay ni Raus dito sa Manila.

Hindi kagaya ng bahay nila sa probinsiya na puro halaman pag pasok palang ng pinto.

Mahihiya ang salitang 'simple' sa bongga ng loob. May malaking kurtina ang nakasarado ngayon kaya hindi sumisilip ang liwanag galing sa labas. Pag pasok mo kase sa pinto ay makikita ang lawak sa loob, kunting lakad mo lang ay makakarating kana sa hagdan na paikot.

Sa kaliwa naman ang papuntang kusina. Nilibot ko pa ang paningin ng may makitang asul na asul na tubig pagkalabas mo sa salaming pinto. Binuksan ko iyon at nakita ang limang recliner sa gilid ng pool.

Malawak ito, pagtitingin ka naman sa may unahan may mahabang lamesa at upuan.
Katabi noon ang isang maliit na space para sa Work-out place.

May umakbay saken kaya natigil ang pagkamangha ko sa bahay nila. Bumaling ako sa kanya habang hawak ang kamay niya na nakaakbay saken.

"What do you think? This is not nice than your home, But Im sure your not get bored here. There's a lot activities you need to try like swimming, movie marathon, Baking and the like." Ano? Nagbibiro ba siya? His house his way nicer than Tito's home. I cant believe he said that, sorry Tito but Raus house is good to be true.

Nasa first floor palang ako ha. Paano pa kaya sa second floor and third floor.

Baka mahimatay ako pag nalaman kong magkano ang pag bubuo dito.

"Hindi ka naman siguro nagbibiro no. Nakakamangha ang bahay niyo!." I exclaimed to him. There's a inthusiasm in my voice.

"Buti naman nagustuhan mo. Tara sa loob, nasabi ko kay Mommy at Daddy na nandito ka sa bahay." sabi niya at pinagbuksan ako ng pintong salamin.

"Nasaan pala sila ngayon? Nakabalik naba sila sa probinsiya?.." tanong ko kay Raus paakyat na kami sa hagdanan.

Maganda ang pagkakagawa at detalyado bawat hakbang.

"Oh about that..they in the company, next week pa ang uwe nila...kaya pinayagan nila akong mag rest ng ilang araw kase nandito sila." tumango ako sa sinabi niya.

Nakarating kami sa second floor ng bahay, may apat na kwarto dito at bukod sa baba may waiting area din dito.

Sa palagay ko ay ginagamit ito sa formal na meeting or I say a mini living room.

"Sa kwarto tayo." sumunod naman ako sa kanya papunta sa third floor.

Okay, his room is probably above here.

Hindi simpleng hagdanan lang ang nandito, bawat barindilya kase nito ay may mga larawan ng pamilya Hidalgo.

It's fascinating in one glance and elegant.

Sa huling baitang paitaas ay bumungad sakin ang family picture nila.

Napakalaki nito.
Nakikita kong masaya sila sa larawan sinadya nilang nagtatawanan sa litrato kaya mas naging kaaki-akit itong tingnan.

Mag asawang Hidalgo, Si Raus at Ate Hera ang nasa larawan.

"That day is my birthday..."
Napalingon ako kay Raus na nakatingin saaken malayo ang distansiya namin. Hindi ko na malayan na tumigil pala ako sa pagsunod sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya at lumapit.

"You look young on that. Anong taon mo diyan?"
Tanong ko. Bata pa ito kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti ibang iba kase ito ngayon kaysa sa nung kabataan niya. Hinila niya ako palapit sa kanya at hinalkan niya muna ako sa noo bago parehas na tumingin sa larawan.

Hope in painWhere stories live. Discover now