Chapter 16

124 8 0
                                    


                Dedicating this chapter for shizi💛

Arani

Nagising ako ng mainit parin ang pakiramdam.

Bumangon ako kahit nanghihina ang aking katawan.

Gusto kong maligo para maalis ang init ng alingasaw na nagmumula sak'n

Naliliyo akong nagbihis ng bagong damit.
Inayos ko ang ang aking sarili bago bumaba.

"Arani gising ka na pala, may pagkain sa baba kumain kana. Hindi ka pa kumakain simula ng dumating tayo kahapon. Pag pupuntahan ka sa kwarto kundi na ka lock ay tulog ka naman"
Ngumiti ako ng tipid kay Ate Shariel.

"Kakain na ako Ate" sabi ko bakas ang pagkamalat sa boses ko.

Nilampasan ko na si Ate at pumunta sa kusina.

"Maam kain na po kayo, paghahanda ko po kayo ng pagkain." umiling ako sa kasambahay na nag aalok na pagsilbihan ako pero ayaw ko. Hindi ako sanay.

"Okay na po ako, salamat po" sabi ko at tumango naman siya.

Pumunta ako sa counter ng makitang may kape doon.

Nag timpla lang ako at umupo.

Nahihilo kase ako pakiramdam ko babagsak ako pag hindi pa ako umupo.

"Bakit ka nagkakape Arani?.." nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko.

"Bakit ka nandito?" walang lingon ko siyang tinanong hinihilot ko ang ulo ko.

Naramdaman ko ang paghakbang niya sa likod ko.
Hinawakan niya ang ulo ko, pero inalis niya din agad.

"Fuck!, you have fever Arani! Tumaas pa ito tapos nagkakape ka?" galit na bulyaw nito.

Wala akong lakas para sagutin siya, talagang masakit ang ulo ko at nanghihina pa.

Akala ko ba nakauwi na ito.
Kung mapagalitan ako daig pang tatay ko.

May binaba siyang plastic sa lamesa.
Hindi alam kung ano yun kaya pinagsawalang bahala ko yun

Inilabas niya ang laman ng plastic at sinalin ang laman nun sa isang bowl.

"Eat this Arani, you fucking stubborn" inis nito. Kinuha niya yung kape ko at tinapon sa lababo.

"Yah! That's my coffee!" inis ko siyang sinigawan ng nagpakirot sa aking ulo.

Napahilot uli ako sa ulo, naluluha ako sa nararamdamang frustration sa lalaking nasaharapan ko.

Just leave...I dont want people who can just leave me if they want to.

Sabi ko sa utak ko, dahil hindi ko kayang magsalita, anomang oras ay iiyak ako sa harap niya.

He took the chair beside me.
At pinaharap sa kanya.

"Tangina Arani, wag kang matigas ang ulo. Kumain ka aalis rin ako mamaya, kung yun ang gusto mo.... Ayan na naman kase tayo bumabalik ako sa umpisa. Tinataboy mo na naman ako, Arani." pinunasan niya ang luhang pumatak sa pisngi ko.
"Ayaw kong iwan ka with knowing na may sakit ka, at nagkukulong sa kwarto. Tinawagan ako ni Lorgan kahapon dahil masama ang pakiramdam mo. Dumating lang ako kagabi at mataas na ang lagnat mo. Im sorry kung nahuli ako...Kaya ako nasa kwarto ng pagising mo, pero pagising ko ay wala ka. You dont know how I feel that time knowing you left with fucking fever. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin.
Pasensiya na rin dahil hindi ako tumupad sa pangako mong hintayin na lang ang tawag mo dahil alam kong hindi ka naman tatawag... Napaka mo Arani, handa naman akong alagaan ka pero pinapaalis mo ako... Tapos dadatnan kitang nagkakape? Napaka imposible mo pero mahal kita alam mo ba yun...Mahal kita kaya iintindihin kita." nakataklob lang ako ng mga kamay ko sa aking mukha at umiiyak sa mga hinaing ni Raus.

Hope in painWhere stories live. Discover now