Chapter 12

122 12 0
                                    

Arani

Matagal na pero hindi mo naman napapansin. Gago ka.

Umalis ka pang walangya ka.

Matalino ka naman pero hindi mo nalaman.

Naiinis ako sa sarili ko dahil pinipigilan ko ang sarili kong mahalin siya.

I love him already but he left..

"Pwede ka bang...manatili ka na lang sa tabi ko Raus, wag ka nang aalis." na pa hinto ang kotse at gulat na binalingan niya ako..

"A-rani..." ngumiti ako sakanya.

Matagal na Raus, mahal kita..

"Y-ou said it right?!"
Kinalas niya ang seatbelt niya at humarap saken habang sinabi niya mga salitang yun.

Kinalas ko rin ang seatbelt ko at lumapit sa kanya na kinaalarma niya..

"A-Ano ..ang gagawin mo?" nagkakandautal na sabi niya.
Pero lumapit din naman siya saken.

Yumakap ako sa kanya at umiyak doon hindi dahil malungkot ako..kundi dahil masaya akong tinanggap ko sa sarili kong mahal ko siya.

Natigilan siya sa ginawa ko..

Sino ba kasing hindi, ea hindi mo naman kase ito ginawa sa kanya ngayon palang.

Naramdaman kong niyakap niya ako at tinapiktapik ang likod ko na kinahahulgol ko..

"Arani, Bakit ka ba umiiyak..hindi naman ito dahil sa na miss mo ako diba ..kase hindi mo naman talaga ako namiss"

"Raus wag kang umalis ulit..kung ayaw mong sakalin kita."

"Ano!? Napaka walang kwenta mo talagang kausap, umalis ka nga sa pagkakayakap..kahit gusto ko ang pagyakap mo ay kapangit naman ng lumalabas sa bibig mo" Gago talaga...

"Wag ka ng umimik hayaan mo na akong yakapin ka...kase bukas hindi ko na to gagawen"
Niyakap naman niya ako ng mahigpit at walang imik akong tinatapik..

Narinig ko pa itong bumubulong pero hindi ko ito marinig ng ayos dahil sa pagsinghot ko sa pag iyak.

Kabango naman nito..

Kahit naiiyak ako ayaw parang bumabalik ito sa aking mata ng maamoy ang bango niya..

"Sarap na sarap tayo sa yakap ah" Bigla niyang sabi..pero siya naman talaga ang mahigpit kung makayakap..

"Bakit ayaw mo ba?..Gusto mo naman ako kaya wala kang magagawa"bumuntong hininga ito.

"Oo na, Gusto kita kaya hindi kita bibitawan ngayon....Langya nakakakilig pala..  dapat kanina mo pa to ginawa..edi sana hindi tayo nagsisigawa" inis akong umalpas sa pagkakayap niya.

"Ano wag kang umalis pambihira.." wala na siyang nagawa ng makaalis na ako sa yakap niya at umayos ako ng ulo at nilagay uli ang seatbelt ayon din naman ang ginawa niya pero bumubulong..

"Ampangit mo Raus" inis niya akong binalingan..kaya natawa ako..

"Umalis na tayo, gabi na baka hinahanap na ako sa bahay"
Pimaandar niya ang kotse pero naalarma ako ng hindi sa bahay ang tinatahak namin..

"Saan mo ako dadalhin huh?" nakita ko itong ngumisi kaya alam ko kung ano ang binabalak niya...
"Raus! San mo ako dadalhin?"

"Sa bahay...ko"
Nakangisi parin nitong sabi..

Bakit lalo pa itong gumagawapo bwesit naman oh

"Anong bahay? Saang bahay? Hindi ako natutuwa iuwe muna ako" lumingon siya saken at ngumiti ng nakakaloko.

Hope in painWhere stories live. Discover now