Chapter 25

103 7 6
                                    


#HIPChapter25

Arani

"Ninang! Gusto niyo po ba...ang sarap po!"

"Ninang ko wag na kayo umalis..."

Napabuntong hininga ako sa dalawang bata na to.

Kakapasok palang namin ay nagsiiyakan na.
Bakit daw ngayon lang, walang paalam tapos ngayon lang ako nakabalik.

Sinabi ko naman sa kanila na babalik ako. Kailangan na namin umalis kase gabi na.
Mahigit maghapon na kaming nandito.

"Cidel at Adcey, wag na makulit...babalik naman ang ninang niyo. Kailangan din nilang magpahinga dahil ang kukulit niyo" si Hilary ngumiti ako dito dahil tinutulungan niya ako. Kanina pa kase akong nagoapaalam ay hindi na baga ako pakalwan.

"Tama, ang mama niyo...makita niyo naman si Ninang. Halika na nga kayo..." binuhat ni Paul ang dalawang bata sa kwarto ng mga ito.

"Pasensiya na kayo, Arani na miss ka lang ng mga bata..kailan ba balik niyo sa Manila. Kami na lang pupunta sa inyo. Bukas..pwede ba yun? Sigurado akong paggising nila ay hahanapin ka nila at magpupumilit." tumango ako.
"Sege, bukas punta kayo sa bahay...na miss ko din ang dalawa, ko lang pa ang maghapon eh." nagtawanan ang mga ito.

"Waquin kailan mo ba ako bibigyan ng baby huh? Gusto ko ng mag ka-baby...ngayon ko lang na-realize na ang bagal mo!."

"Mag tigil ka nga, Zeya...baka ayawan mo lang din pag sa tagal...tsaka ikaw pa nga lang hirap na ako lalo pag madami kayong kaseng ugali mo!" napasapo ako sa noo dahil kahit dito ay nagtato sila.

"Eh Bakit gusto ko na...pero sege...aral aral muna. Pangako mong ako lang kundi....mamahalin parin kita. Kase siraulo ka!" napailing kami ni Hilary sa dalawa.

Nagusap na ang mga ito na parang wala kami sa paligid nila.

"Haist, ang hirap kaya mag alaga ng bata lalo pa't dalawa agad para samin ni Paul na nagsisimula palang...pero mababawi yun pag nakita mong masaya ang mga bata.."
Tumango ako dahil kahit hindi ko ranas ay naiintindihan ko sila.

Umalis rin naman din kami agad at pagod na nakatulog agad pag kauwi.

"Nay..Tay..kamusta na po kayo. Okay lang po ako ngayon...pati ang pamilya ni Tito...lumalaking malulusog at matatalino ang mga apo niyo...di'ko po alam kung kailan sila kayo madadalaw rito pero hindi kayo nila nawawala sa kanilang mga alala na bahagi kayo. Masaya po akong nakilala kayo kahit sa maikling panahon. Wag niyo na po akong alalahanin. Nakakaahon po ako...S-lamat po...Nasasaktan parin ako dahil wala ako sa huling araw niyo dito sa mundo...h-indi niyo ako hinayaan na makapagpaalam at mag pasalamat." Humihikbi akong hinawakan ang puntod nilang dalawa.

Ako lang mag isang pumunta para makapagpahinga sina Waquin at Zeya.

Pinakalma ko ang sarili dahil sa pag iyak..
Nagpaalam na ako sakanila at umalis.

Napadaan ako sa bayan, kaya nung nakitang may avocado ay agad akong pumara sakay kong jeep.

"Naku buti umabot ka...meron kasing nag order nito, balak ko sanang iuwe na lang sa'min ang matitira." masaya niyang inabot saken ang dalawang kilong avocado...

"Salamat naman po kung ganun....masaya po akong nakita ko ang tindihan niyo.." tinanggap ko ang supot.

"Mukhang gustong-gusto mo ang avocado na yan...yung iba kase ay ayaw...alam mo na.." natawa ako sa sinabi niya.

Kakaiba nga ito kumpara sa ibang ptutas...kulay green at madilaw ito na parang poop.
Pero gusto ko ang lasa nito.

"Maraming salamat po dito" umalis na ako ng makapagpaalam sa tindera.

Hope in painWhere stories live. Discover now