#HIPChapter27
Lorgan POV's
Napabalikwas ako ng lumabas ang Doctor pati narin ang mag-ama ay napaayos din ng pagkakatayo.
"Doc kamusta..ayos na ba si Arani?." tanong ko dito.
Tumingin pa ito sa likod ko kung nasaan ang dalawa."Pasensiya na hindi namin tinuloy ang pag inject sa kanya ng pampakalma..."
"Bakit! Ang tagal niyo doon tapos yan ang sasabihin niyo?" nauubusan ako ng pasensiya sa doctor na ito.
"Manahimik ka muna, Lorgan"
Napabaling ako sa batang nagsabi nun.Anak ng ...magkapatid nga sila ni Arani.
"Three weeks pregnant na ang pasyente..nangangamba kami na makaapekto ang gamot sa munting buhay na nabubuhay dito. Higit sa lahat mahina ang katawan ni Mommy at hopefully ay makayanan ng dalawa..."
Nayanig yata ang mundo ko sa narinig. Kung ang pag announce nito ay maihahambing nung nalaman kong buntis si Shariel kay Lufie na masaya at alam kong bleassing ay iba ito nung nalaman ko ngayon na buntis si Arani. Nakakatakot at nakakasabik.
"What?! Buntis si Ate!"
Napabalikwas ako ng isigaw niya iyon malapit sa tainga ko."Oo, buntis ang ate mo..hindi mo na kailangan ipagsigawan." inis ko itong tinaboy.
"Lorgan may boyfriend ba ang anak ko?" malamang.
"Oo, sa kasamaang palad ay wala ito at nasa hospital din ngayon nagpapagaling." walang gana kong sabi.
Ang walang hiyang iyon nag iwan pa ng souvenir!.
"Excuse me...maiiwan ko muna kayo. Gagawin namin ang alam naming makakatulong sa mag ina. Sana maging handa kayo sa mangyayare." napatunganga ako sa sinabi ng Doctor. Umalis na ito.
Ano ba ang gusto niyang sabihin? Tinatakot niya kami.
"Anong ibig mong sabihin...nasa hospital din ang boyfriend ni Ate?"
Naguguluhan tanong nito. Ako na pinoproseso pa ang lahat.Nang malaman ang nangyare kay Raus at sa ginawa niya bago iyon ay hindi ko lubos maisip na magagawa niya iyon kay Arani.
Higit sa lahat ako ang nagtiwala kay Raus para kay Arani.
Pero sa huli ay nagkakamali parin ako.
Akala ko iyon na, akala siya na, akala ko lang pala. Akala ko siya na ang para kay Arani. Hindi pala.Mas nagagalit ako ng malaman minaltrato ng masama ang babaeng pinakilala saken ni Zeya na si Rica. Hindi ko malilimutan iyon dahil nakilala ko ang ama nito na naka share sa kompanya ko, dahil hindi ko magawang manakit ng babae. Dinaan ko sa business ang ganti ko. Tinanggal ko ang share ng ama nito sa kompanya. Hindi na ako nagpatumpik pa ay ginawa ko iyon, nasa isip ko lang ang namumulang mukha ni Arani sa sampal ng babaeng iyon.
Wala pa sa kalingkingan ng babaeng iyon ang nararamdaman ni Arani halos buong pagkatao nito tapos masasaktan lang siya sa kamay niya.
Wala silang karapatang saktan ito. Kundi ako ang makakabangga ng mga ito.
Pero ang mas kinainit ng ulo ko ang malamang pinagsisigawan ni Roahna si Arani.
Inuulit ko anong karapatan nila kung sa umpisa palang ay si Raus ang nagloko, bakit hindi niya muna inalam iyon.
Pinuntahan ko sila nung araw na nalaman ko ang nangyare.
Nasa hospital sila at hinihintay ang paggising ni Raus.
"Roahna..bakit mo pinagsisigawan si Arani ha. Alam mo ba ang nangyare? Kahit isa walang kasalanan si Arani...umalis siya dahil nakita niyang may kahalikan si Raus na iba at...look who's here..ito ang babaeng to ang kahalikan ng anak mo!
Ginawa ni Arani ang nararapat para sa sarili niya..kilala ko iyon hindi siya yung taong susugod, aalis yun para hindi na masaktan pa. Para lang sa ikakasiya ng anak mo. Pero iba ang nakita mo, ang anak mo lang nakita mong nasaktan at hindi si Arani. Hindi ako makapaniwala na pinagkaisahan niyo si Arani.
Matagal ko na kayong kilala pero sa ngayon ay hindi na.
Sana alam mo..niyo kung sino ang kakantiin niyo."
Iniwan ko silang tulala doon at may umiiyak.

YOU ARE READING
Hope in pain
RomanceArani should be over with her childhood past but she living to it. Hoping her mother back and get her. However, she live with those memories continuing the miserable life and her disease. Contrary Lorgan Mendaro give her shelter and love even though...