Chapter 26

87 8 13
                                    


#HIPChapter26


"Sinasabi kona dito kalang matatagpuan eh..."
Inis akong bumaling dito.

Ano na naman ba kailangan nito palage na lang akong sinusundan...

"Bakit ka ba lageng gustong buwesitin ako? Mukha bang gusto kitang kasama..."
Lumayo ako sa kanya ng umusog siya saken.

"Ikaw nag sabi yan...tanungin mo kung gusto rin kitang kasama...malay mo we're the same page." napapikit ako sa siraulong ito.

Hindi ko na siya nilingon at pinagmasdan na lang ang dagat.

"Ano ba ang iniisip mo?"

"Wag mo akong tanungin...hindi kita masasagot"

"Ah talaga..Ano ba pangalan mo...matagal na tayong naguusap pero hindi ko alam ang tatawag sayo"

Sa tagal kung nanatili rito ay hindi ko siya nakilala sa pangalan.

"Hindi mo na kailangan alamin at wala rin akong balak alamin ang sayo...kase hindi ako interasado.. Umalis kana nga!"

"Sege, kung yan ang gusto mo"
Nagulat pa ako ng umalis nga ito.

Nilingon ko pa ito.
Bakit ba ako nalulungkot sa pag alis niya?
Pakiramdam ko mag isa na uli ako na totoo namang mag isa ako kahit noon pa.

Tumungo ako at naramdaman may pumatak na luha.

Tiningnan ko ang Cellphone ko na matagal ko nang hindi nabubuksan.

Binuksan ko iyon at dinagsa ng mga text ang mga iyon.

Zeya: Saan ka pupunta, Arani? Bumalik kana dito...

Waquin:
Wag mo tong gawin Arani...please...kailangan ka ni Raus..

Tito:

Arani..Nasan ka!

Weeks ago...

Tito:

Arani please open your fvcking goddamn phone!

Hindi ko na natuloy ang pagbabasa ng mensahe ng may tumawag doon. Hindi kona sana sasagotin ng makitang si Tito iyon.

Magpaalam ka lang Arani...para hindi na sila mag alala.

Sinagot ko iyon at hinanda ang sarili.

"WHERE THE HELL ARE YOU, ARANI?!" nabingi ako sa paunang pagbati nito.
"HINDI KA MAN LANG NAG SABI! KUNG HINDI PA AKO TINAWAGAN NG MGA KAIBIGAN MO NA NAKABALIK KANA GALING SA PROBINSIYA!" hinayaan ko lang siya mag salita at madinig ang galit niya saken.. Kasalanan ko naman kaya hahayaan ko siya.
"A-ako...A-arani...kakampi mo ako kaya parang awa mona bumalik kana...wag mong gawin saken to...a-alam ko na ang nangyare...lahat Arani...p-lease nag aalala na ako sayo...ayos ka lang ba?...hindi ko na alam ang iisipin sa bawat oras na wala ka habang alam ko ang kondisyon mo...wag na wag kang gagawa ng pagsisihan mo, Arani...Paano ako Arani pag nawala ka s-aken..si Tatay at Nanay malulungkot sila dahil hindi kita naalagaan ng maayos...n-angako ako sakanila, Arani. Hangga't nabubuhay ako pro-protektahan kita..pero paano ko gagawin iyon kung hindi ko alam kung nasaan ka sa gantong s-itwasyon.." hindi naman dapat ako umiiyak pero umiyak ako sa sinabi ni Tito.
Pinipigilan lang nito ang pag iyak pero alam kong nasasaktan siya.

Napaka makasarili ko dahil hindi ko man lang siya naisip sa ginawa ko.

"T-ito...I-m sorry.." humagulgol ako sa sakit na nararamdaman.

Hope in painWhere stories live. Discover now