Arani"R-raus..." tinuran nito ng makita ang anak bago bumaling saken. "...A-arani..nagbalik ka.."
Malaki na ang tinanda nito kumpara nung huli ko siyang nakita.
"Tita Arani." nawala ang tingin ko kay Tita Roahna at hinanap ang boses na iyon.
Walang iba kundi si Yuki.
Katulad ni Criel ay malaki na ito. Ang mahabang kulot na buhok ay naka haft tie na nakapagpaangat ng ganda nito."Criel is right...you already here..." Tumango ako sa kanya.
"Yuki go upstair. Mag uusap lang kami. Ate, may alam ka ba dito? Kung meron ay maiwan ka. Lahat ng nakakaalam ay maiwan...inuulit ko ang may alam ay maiwan." mariin nitong sinabi sa pamangkin niya.
Hinigpit ko ang kamay kay Raus na kinalingon niya sa akin.Kalamado man ang boses nito pero ramdam doon ang diin at galit.
"It's okay for me, Raus. You don't need to be mad like this." hindi ko alam kung nakatulong iyon pero mukhang nadagdagan ko pa.
Umiling ito at bagkos ay tiningnan ang pamilya niya.
Si Tito Fred, Tita Roahna, Ate Hera, at Kuya Aki. Ang naiwan. Samantalang si Yuki ay nasa taas na dahil kinausap pa ito ng Ina.
"May alam kayo pero wala man nagsabi kahit isa sa inyo...How all of you did this to me?! Ginawa niyo akong tanga....Mom..nagtanong ako diba? Hindi ba...nagtanong ako kung nasaan si Arani pero sabi niyo wala kayong alam...pero nalaman kung nadun siya ng gabing iyon! Binalikan niya ako...pero wala kayang ginawa para malaman ko iyon. Nanatili kayang naging pipe habang kami ay nagdurasa!"
Nakita ko ang pagsabog ni Raus. Isinigaw niya lahat ng iyon na parang iba lang ang kaharap niya.
Dahil sa galit ay nabitawan niya pa ang kamay ko. Napapadaing ako sa lakas ng impact sa buong bahay ang tindi ng galit nito na sinabayan pa ng pagiyak ni Ate Hera at Tita Roahna.
"Akala ko...kakampi ko kayo. Hindi niyo alam ang pagiging miserable ng buhay ko ng mawalay ako kay Arani. Buhay ko si Arani, Mom. Paano niyo pinagkait saken ang buhay ko?
Ni minsan ba naisip niyo ako? Halos mabaliw ako sa nangyare pero kayo pala ang dahilan......Pagbibigyan ko kayo ng pangalawang pagkakataon basta sabihin niyo ang nangyare ngayon din! Ano pa ang hindi ko nalalaman?!"
Nagulat ako ng dinampot niya ang silya at binato iyon.Nanginig akong lumapit sa kanya. Umiiyak na ang kanyang pamilya. Ayaw kong magalit ito ng lubusan sa pamilya niya.
"Raus!...Enough...Pakiusap tama na. Utang na loob." niyakap ko ito ng akmang ibabato pa ang silya.
"Raus! Ano ba! Para kang sira. Pamilya mo yan! Kahit baliktarin mo pa ang mundo ay hindi magbabago na pamilya kayo. Kaya umayos ka. Wala kang galang! Iiwan kita dito pag pinag patuloy mo pa"
Hindi agad ito kumalma pero mayamaya pa ay yumakap din ito pabalik saken.
Narinig ko ang mga iyak nito sa leeg ko dahil nakasobsob ito doon."I-im sorry...Im sorry, Arani...." naluluha ko itong tinapik ng mahina.
Nagpapasalamat akong likod ko ang nakaharap sa pamilya ni Raus. Ayaw kong makita nila ang tunay na ako. Mahina pagdating sa minamahal.
"Hmmm...okay na Raus. Sanay na ako kaya wag ka ng magalit sa kanila. Mawala man ako, pamilya mo parin sila. Lahat ay hindi perpekto nagkakamali rin naman sila dahil tao tayo. Kaya kung malaman mo na ay sana lawakan mo ang isip mo para maunawaan mo ng mabuti."
Hindi lang iyon para kay Raus ko iyon sinabi. Naiugnay ko rin iyon sa aking sarili.
Sa oras na malaman ni Raus na may anak kami sana maunawaan niyang tao din lang ako. Karapatan kung nasa maayos ang anak ko bago ang iba. Kung ang desisyon ko ay itago si Reury ay dahil iyon ang nakikita kung paraan para maprotektahan ito. Dahil iyon ang ginagawa ng isang magulang.

YOU ARE READING
Hope in pain
RomanceArani should be over with her childhood past but she living to it. Hoping her mother back and get her. However, she live with those memories continuing the miserable life and her disease. Contrary Lorgan Mendaro give her shelter and love even though...