Chapter 10

144 15 2
                                    


Arani

"Arani may susundo ba sayo, sabay kana sa'min" sabi ni Red ng matapos ang klase namin papalabas na ako ng sinabi niya yun..

Ngumiti ako at umiling

"Okay lang ako Red salamat"
Sabi ko agad naman, sumunod sila saken.

"Kung ganon sabay na lang tayo papalabas ng gate" Masayang sabi ni Orange na sinang ayonan naman ng dalwa..
Tumango na lang ako sa sinabi nila.

"Uyy diba si Rica yun at si Raus" agad ko naman nakita ang tinuro ni Yellom saamin.

Nakalabas na kami kaya kitang kita namin ang naguusap na si Rica at Raus.

Halatang napipilitan lang si Raus na kausapin si Rica base sa mukha nitong naiirita.

"Anong pinag-uusapan nila?"
Nilingon ako ni red kaya nag angat balikad ako bilang sagot.

Ako mismo ay hindi ko alam ang pinaguusapan nila..

Nakaramdam ako ng inis ng makitang hinawakan ni Rica ang braso ni Raus..

"Ala hinahawakan ang braso,Arani. Pwede naman mag usap pero bakit may pahawak pa"

"Kung ako yun ay kukuhanin ko ang akin bago maagaw ng iba"

"Naku, naku iba ang nararamdaman ko"

Kahit naiinis ay natatawa ako sa sinasabi ng tatlo.

Nag paalam na ang tatlo ng makitang nandyan na ang mga sundo nila.

"Arani una na kami, ingat ka" nagulat ako ng pinaghahalikan nila ako sa pisngi bilang paalam..

"Sege, ingat din kayo"
Tumango sila at kumaway saken.
Nakangiti ko silang tiningnan habang papasakay sa mga kotse. Masyado akong tahimik kaya nagulat ako ng may tumawag saaken.

"Arani" Nabigla ako ng marinig ang boses na yun.

"Ay putek! Ano ba bakit ka nanggugulat?!" natatawa siya sa reaksyon ko kaya tumaas ang kilay ko sa kanya..

Nakalapit na pala hindi ko man lang naramdaman.

"Tara na hatid na kita" sabi ni Raus..

"Arani uuwe kana?" may sumulpot pa, nakita ko yun si Rica..

"Oo ikaw ba?" tanong ko pa balik sa kanya.

"Oo nag aantay lang ako ng jeep. Sasabay ka uli sa akin"
May bahid na kasiyahan sa boses niya.

"Wag na ihahatid ko siya"
Natahimik naman si Rica sa sinabi ni Raus, kita ko ang pagbabago ng emosyon ng mata niya. Pero bumalik ang pagngiti nito..

"Ganun ba, sege una na ako. Bye Arani" sabi niya ng may tumigil na jeep sa harap namin..

Bakit ganyan ka Rica...

"Hoy nakatulala ka dyan, Tara na"

"Sinong may sabi sayo na sasama ako?" baling ko sa kanya.

"Bakit na naman Arani?"
Mukhang problemado na naman ito dahil sa akin.

Tinuro ko ang sinakyang jeep ni Rica at lumingon naman siya doon ng pagtataka.

"Bakit hindi siya ang hinatid mo?" tanong ko na nag palingon niya saken..

Tiningnan ko siya sa mata.

"Bakit ko naman ihahatid yun ea hindi ko naman yun kilala? C'mon Arani. Let's go, uwi na tayo" hahawakan niya sana ako pero iniwas ko yun sa kanya.

"Kung di mo napapansin gusto ka niya, kaya dun ka. Wag mo na akong sunduin o ihatid kaya ko ang sarili ko." nagdilim ang pagkakatingin niya saken.

"Ihatid daw kita sabi ng Tito mo sa inyo ngayong hapon. Akala mo ba hahayaan kitang mag jeep o mamasahe matapos ng nangyare kanina? Bakit kita hahayaang mag isa pa uwi kung kaya ko naman? Ganun lang din naman, Arani"

Hope in painWhere stories live. Discover now