Chapter 39

101 7 16
                                    


#HIPChapter39

Arani

“I know it’s a little late but congratulations on your wedding” It was Lhuine.

Humabol sila ng kakambal niyang si Lanie at ngayon lang sila nakarating.

"Thank you, sayang at hindi kayo umabot. Pero mag stay kami dito ng isang linggo pwede kayong manatili dahil may mga water activities ang maari niyong gawin dito. Sagot na ni Daddy lahat...pahinga na rin itong maituturing. Sana mag enjoy kayo." nakangiti kong sabi sakanilang dalawa.

"Pasensiya na ha Ma'am Arani, itong si kuya eh...nilagaw kami. Ikaw kase ehh di'ka kase nakikinig saken,"

"Sino ba ang natulog lang sa byahe ha?! Malay ko bang mali na ang nadaanan natin.."

"Nagising rin naman ako, kase naramdaman kong naliligaw na tayo...kaka cellphone mo yan!"
Nagsisihan na nga.

"Hoy, mag away pa kayo. Okay na atleast nandito na kayo. No need to blame each other,"
Agad naman silang nahiya sa sinabi ko at natahimik pero may iringan parin sa isa't isa.

"Pasens'ya na, Arani. Babawe kami..."

"Hindi na kailangan bumawe, Lhuine. Hindi na naman sakop ng pagkakataon ang nangyare. Mahalaga'y ligtas kayong dalawa na nakarating dito. Tsaka Arani na lang ang itawag mo saken, Lanie wala naman tayo sa trabaho.."
Sasagot na sana si Lanie ng meron siyang nilingon sa likod ko kaya sinundan ko ang linya ng mata niya at nakita ko ang asawa kong papalapit.

"Sege, Arani." narinig ko pang sang ayon ni Lanie kaya binalik ko tingin sa kanila.

Nakita ko na naman nag sisikuhan, hindi pa pala tapos sa pagsisihan.

Looking at them as a loving siblings I suddenly minding Andrie. Wala pa kasi kaming proper na bonding as a brother and sister. Baka ngayon nanatili kami rito ay gawin ko ang lahat ng mga bagay na ginagawa ng magkapatid.

Muntik ko ng makalimutan na isa rin ito sa mga nakaranas ng hindi maganda sa pagkabata nito. Kagaya ko ay nawalan din s'ya ng isang Ina kasabay ng pagkawala ng Ate niya.

Pero nasaan na ba kase ang lalaking iyon. Natapos na kami ng umagahan pero di'ko parin siya nakikita.

"So you two here? Thank you for acknowledge our invitation even you didn't make it on time..." Siniko ko si Raus sa sinabi n'ya. Nakalapit na pala ito at ngayon ay kinausap ang dalawa.

Okay na eh....pero lalo pa niyang pina-guilty ang dalawang ito. Baka magaway na talaga lalo ang dalawa.

"Ano ka ba naman, Raus? Hayae na..."

Hindi ako pinansin nito at binalingan na lang ang dalawang bisita.

"You are the lucky guy. Take care of her, Raus. She is a good heart. Kung sasaktan mo lang" napasingahap ako sa uri na pagsasalita ni Lhuine.

Nawala na ang magaan na aura nito nung nakaharap si Raus.

Sa pag kakaalam ko ito ang una nilang pagkikita.

"Kuya! Ano ba pinagsasabi mo?
Sira ka ba..."

"Hindi ka na dapat mag alala. Asawa ko na nga eh..." hinapit ako ni Raus sa bewang.
"...She is safe with me. Kahit wala ang pagalala mo,"
Lumayo ako kay Raus pero di niya ako hinayaan at hinawakan ang kamay ko at pinagsiklop ang mga palad namin.

Nakita ko naman napatingin si Lhuine sa magkahulagpos na kamay namin.

Nangunot ang noo ko dito.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata nito. O nagmamalikmata lang ako dahil nagbago iyon ng makitang nakatingin ako.

Hope in painWhere stories live. Discover now