Arani"Tito Lorgan bilisan niyo po!" Malakas kung sigaw dahil ang bagal niya.
Nag bike kami sa kahabaan ng kalsada.
Nung una ay hindi ko alam nama'y bike siya. Kaya sobrang saya ko ng may kasabay ako sa pag biseklitaSabado ngayon dahil sa promise ni Tatay saken kahapon, nandito kami papunta sa tabing bundok na sinasabi niya. At totoo nga ito napaka sarap sa pakiramdam ng hangin.
Sina Nanay at Tatay ay nasa sasakyan ni Tito nandun ang mga pagkain at iba pang gamit namin sa piknik.
Si tatay ang nagmamaneho nun nagulat pa ako ng malaman na marunong ito mag drive ng sasakyan dahil may kaedaran na rin ito."Porket mabilis kana mag bike kaysa saken!" Balik niya rin sigaw saken...
Tumawa ako sa sinabi niya..
Nasa unahan namin ang sasakyan para alam namin ang daan.
Nang makarating nasa lugar na yun ay sabay kami tumigil ni tito at namangha sa ganda ng lugar, puro berde ang makikita mo at masasayang nag sisiawitan ang mga ibon sa magandang umaga maririnig.
Kung ang papunta ay maganda, mas gumanda pa ito ng nakarating na sa paanan ng bundok.
Nagagalak akong bumaba sa bike at tumakbo sa mababang damo na nakataas ang mga kamay para salubungin ang sariwang hangin.
Tumigil ako at tumingala sa katamtaman init ng sinag ng araw pumikit ako dinadama ang kalikasan.
Somehow,this place give me hope. Nasasaktan, nalulungkot, natatakot, at nangangamba man. Isang lugar lang kailangan natin para magkaroon ng pag-asa o isang tao lang...
You need place to breath..
You need a person willing to beside you no matter what..
And a God is enough for you to heal and move on..."Nagustuhan mo ba, Arani" nasatabi ko na ngayon si Tito Lorgan humarap ako sa kanya ng may malawak na ngiti at sinabing..
"You didn't know how much I love this place in first saw, Tito" sabay kami napalingon ng tinawag kami ni Nanay at Tatay.
"Kayong dalawa mamaya niyo na tingnan ang buong lugar tulungan niyo muna kami sa pagbaba ng mga pagkain" si Tatay...
"Ano ka ba naman Roman, hayaan muna ang mga bata ikaw ang tumulong saken" si nanay na iinis na kay Tatay
Sabay kaming natawa ni Tito ng marinig ang bangayan ng dalwang mag-asawa.
"Opo!" sigaw namin ni Tito...
Pinuntahan namin sila at tinulungan nilatag ang carpet floor at sinapinan ng kumot.Nilagay na namin ang nasa tupper ware na mga ginayat na iba't ibang prutas.
Kanin at ulam at kung ano ano pang masusustansyang pagkain.
Ako ang mag suggest na masustansya na pagkain lang ang dalhin at ilagay ito sa mga tupper ware ayaw ko kase makapag iwan ng kalat sa napakagandang lugar na ito.Natuwa naman sila sa sinabi ko nung oras ng naghahanda kami ng pagkain.
May dala din kaming isang water jog lalagyan ng tubig na nilagay namin sa likod na naka bukas na kotse upang sasahod na lang kami, nandun din ang mga basong dala rin namin.
Na ma settle na ang lahat naglibot kami ni Tito sa mga tanawin dito.
Patag talaga ang damo dito hindi sobrang taas kaya nag hahabulan lang kami ni Tito.
Nang nakaramdam ng gutom ay nagpa unahan kami kung nasaan si Nanay at Tatay..."Una ako!" natatawa akong humiga sa kumot dahil sa pagod habang si Tito ay naka upo at nakalagay ang dalawang kamay sa likod niya upang ipag suporta, nilingon niya ako at inabot niya ako upang punasan ang pawis kung nasa noo ko. Napagod ako kakatakbo
na parang wala akong sakit sa puso...
YOU ARE READING
Hope in pain
RomanceArani should be over with her childhood past but she living to it. Hoping her mother back and get her. However, she live with those memories continuing the miserable life and her disease. Contrary Lorgan Mendaro give her shelter and love even though...