"Oh my gosh, Klaz! Are you okay?" Naiiyak na tanong niya ng maabutan niya itong kalalabas lang ng selda.May sugat ang gilid ng labi nito at sa pisngi, may black eye pa. Awang-awa siya sa pinsan niya.
"Venice will kill me." Kinakabahang saad niya.
Nang lumingon si Klaz sa kanyang likuran ay namutla ito ng makita si Heilan.
"Chill! He won't hurt you." Pagpapakalma niya rito.
"Yeah. After he stop his motorbike in front of my car and just dragged me out and punched me eleven times!" Pagdadrama ni Klaz.
Napatikhim si Heilan bago pa man siya makapagsalita.
"My apologies for that. I mistook you as her kidnapper. I'll pay for the damage---"
"Huwag na. Baka may sama ng loob ang ipambayad mo, lumala ang pa ang pasa sa mukha ko." Bulong nito.
"What?" Kunot-noong tanong ni Heilan.
"Sabi niya salamat at tatanggapin niya." Agad na saklolo niya kay Klaz.
Tumango naman si Heilan.
"Klaz! Am I late?" Tanong ni Claudia na kararating lang.
Napalingon siya sa direksyon nito at nagulat siya ng makita si Atty. Frigus na nakasunod kay Claudia. Pati si Claudia ay nagulat ng makita siya.
"Ckim," gulat na bati nito at mas lalo pa itomg nawindang ng makita si Heilan sa tabi niya.
"Heilan?" Hindi siguradong tanong ni Claudia, marahil ay nagtataka kung bakit narito ang binata.
"What are you doing here, Heilan?" Nagtatakang tanong ng ama nito sa binata habang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanya at ng anak nito.
Napalunok tuloy siya sa kaba. Para bang isang iglap lang ay kaya siyang ipakulong ni Attorney Frigus dahil lang sa pagsama niya sa anak nito.
"I'm with Ckim. What are you doing here, Dad?" Balik na tanong ni Heilan sa ama.
"Claudia needs an Attorney to bail out his cousin named Klaz. I'm going to ask you again, what are you doing here?" Muling tanong nito ngunit sa mas seryosong paraan.
Parang siya pa itong mas kinabahan kumpara kay Heilan na parang chill lang. Hindi ba ito takot sa Daddy nito?
"I'm the one who put Klaz behind the bars." Kaswal na sagot ni Heilan.
"What?" Gulat na anas ng ama nito.
Napakagat labi siya sa kahihiyan. Parang siya talaga ang may puno't dulo ng lahat ng 'to, eh. If she just only wait for him to wake up.
Ang nakakatawa pa, ang anak ni Atty. Frigus ang nagpakulong kay Klaz ang ito naman ang magpapalabas sa ipapakulong nito.
Heilan explained what happened. Si Claudia ay may dala-dalang gamot at medicine kit kaya ginagamot nito ang kawawang pinsan niya. Si Heilan ay kasama ng ama nito na may hinahandang papeles para linisin ang pangalan ni Klaz para makalabas ito.
Sabay silang lumabas lima. Akay ni Claudia si Klaz habang siya ay katabi ni Heilan kahit pilit niyang bigyan ng distansya sa pagitan nilang dalawa ay sumisiksik pa rin ang binata. Hindi man lang nahiya sa ama nito.
"Your mother's looking for you, Heilan. Umuwi ka muna." Seryosong sabi nito sa anak.
"I'll just drive Ckim home---"
"H-huwag na! Sasama na lang ako kina Claudia. Si...ano, si Klaz kailangan niya ng assistance." Agad na palusot niya para hindi na ito magpumilit pa.
"But---"
BINABASA MO ANG
Innocent's Seductress (4th Gen #17)
RomanceCkim. Seducing Innocent Seductress called Innocent's Seductress.