Chapter 62

22.4K 692 68
                                    

Kinabukasan, hindi pa nga sila nagbubukas o kahit nagluto man lang ng ulam ay nandoon na sa labas ang binata nakatayo. Fresh na fresh ito sa puting t-shirt at faded na maong. Pwede sana ito gawing boy kaso sa sobrang pogi baka paghinalaang may-ari.

Umagang-umaga ay parehas nilang sinimangutan ang isa't-isa. Kung ma-attitude siya ay ma-attitude rin ito and vice versa!

"Good morning, tisoy! Ang aga-aga mo naman." Hagikhik ni Pampam sabay hawak sa balikat ni Heilan pero umigkas agad ang kamay niya para tapikin ang ang kamay nito.

"May asawa na 'yan." Mataray na sabi niya.

Madramang napasinghap naman ito at napatakip ng bibig saka sinagod si Heilan ng tingin.

"Ay, ang swerte naman pala ng asawa mo. Pero bakit ka nandito, tisoy? Nag-away kayo ni misis?" Usisa ng chismosang si Pampam.

Hindi sumagot si Heilan at nanatili lang na nakatitig sa kanya.

"Naku, baka siguro masama ang ugali ng asawa mo 'mo?" Dagdag pa ni Pampam.

Tila may pumantig sa kanyang tenga. Parang...parang gusto niyang manambunot ng bakla ngayon.

"Yeah." Sang-ayon ni Heilan habang nakatingin sa kanya.

Agad niya itong pinandilatan ng mata. Aba naman! Alam niyang masama ang ugali niya but he doesn't have to rub it on her face!

"O baka naman masama rin ang ugali mo." Ingos niya dito.

"Gwapo naman tsaka mukhang mapera." Hagikhik ni Pampam.

Napapikit siya sa inis. Nakikita niya ang sarili niya dito dati, eh! Basta gwapo at may pera, in short, basta Benjamin gora.

"Pero anong ginagawa mo dito, tisoy?" Usisa ni Pampam.

"Do you need another hand? I'm available." Heilan said.

Kumunot ang noo niya. Mag-aapply ito ng trabaho? Sa karenderya? Ni wala nga siguro itong alam sa pagluluto at paghuhugas.

"Hindi na tumatanggap si Pampam---"

"Ano ka ba, Ckim! Para na rin mas dadami pa ang costumer. Hindi na puro lalaki pati na rin mga dalaga!" Tili ni Pampam.

Her lips form into grim line, so was Heilan. Hindi niya nagustuhan na maraming dudumog na babae dito pero ano bang pake niya? Marami rin namang dudumog na lalaki sa kanya. Patas lang.

The thing she likes on this wet market is that they don't know her, nor Heilan too. At first hindi siya makapaniwala, dahil baka binayaran lang ito ng mga Benjamin para patahimikin pero hindi. She noticed how they're so busy and dedicated with their work. Maaga itong gigising at uuwi na tuwing gabi, manonood minsan ng balita or telebabad. They probably heard about the Benjamins but they care less about them.

Nagsimula na silang magtrabaho. Heilan surprisely know how to chop ingredients correctly. Siya naman ang nagluluto. Mainit sa kusina. Para rin silang niluluto. Dahil kahoy lang ang gamit ay mausok talaga.

Nasanay naman na siya. Kaso si Heilan, hindi. She keep on looking at him. Panay ang pahid nito sa noo, namumula ang pisngi nito sa init.

Napailing na lang siya at hinayaan ito. Nang matapos na sila sa pagluluto ng putahe para agahan ay dinisplay na nila iyon at saktong nagsidatingan na ang mga suki na costumer.

Kadalasan talaga mga mangingisda, may mga delivery boy din na napadpad sa karenderya nila at ngayon mukhang nasinghot ng mga babae na may gwapong chupapi kaya nagkukumpulan na ang mga ito sa labas.

"Hala, Nikki, parang may kamukha si Kuya." Narinig niyang sabi ng isang babae.

"Parang kamuka ni Hakob!" Sabi naman n'ong isa.

Innocent's Seductress (4th Gen #17)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon