Chapter 48

19.6K 601 189
                                    


"Ay, ka-vouge! Ganyan ba talaga kapag after break-up?" Pang-aasar ni Tito Kaz niya na sumalubong sa kanya paglapag niya sa department nila.

Inirapan niya lang ito at pumasok na sa cubicle niya pero napatigil ng makita ng bouquet. But instead of red roses, it's black.

She was amazed seeing black roses in a bunch. Agad niyang kinuha iyon at hinawakan.

"Ano yan?---bakit mo hinawakan agad? Baka may kung ano diyan!" Histerya ni Tito Kaz sa kanyang likuran.

"It's beautiful..." She muttered.

"It's hideous!"

Ang OA, ha!

Napatingin siya sa nakatuping card na nakadikit. Kinuha niya iyon at binuklat. Agad na lumukob ang kaba dahil tila may mapula sa card and it seems like blood.

Hideous.

You're mine. Only mine.

Nabitawan niya agad iyon sa takot. Agad namang lumapit si Gerald para ilayo siya doon at pinulot nito ang bouquet. Nabasa pa nito ang nasa card.

"Heilan?" Tanong nito sa kanya.

Agad siyang umiling ng mariin. Hindi. Heilan won't do that. May pinaghihinalaan na siya pero wala siyang ebidensya.

"Sinong naglagay ng bulaklak sa mesa ni Ckim?" Tanong ni Tito Kaz sa lahat.

Nagtaas naman ng kamay si Nick.

"Ako ang naunang dumating. Nandiyan na ang bulaklak." Sagot nito.

Shit.

Tito Kaz call the security for that. Kahit kinakabahan ay pinili na lang niyang magtrabaho para mawaglit 'yon sa kanyang isipan.

Panaka-naka siyang tumitingin kay Nick na pokus rin sa trabaho pero napansin siguro nito ang paninitit niya kaya kinindatan siya nito saka ngumisi.

Kumuyom ang kamao niya. This brute. Kaya nang mag lunch na ay agad niya itong nilapitan at kinompronta.

"Tell me. Are you the one who give me that flowers?" Prankang tanong niya dito.

Humalakhak ito ng malakas dahilan para mas lalo siyang nainis. May gana pa talaga itong tumawa halos siya ay mamamatay-matay na sa kaba!

"Black roses are expensive, Ckim. Red rose lang kaya ko." Nick smirked.

She clenched his jaw and stomped her feet in annoyance. Iniwan niya ito muling bumalik sa cubicle niya.

"Clue, Miss Ferrera." Pahabol ni Nick.

Napatigil siya at napalingon dito.

"What?" Mataray na tanong niya.

"May bayag." Nick smirked.

Inis niyang binato ito ng ballpen.

"Damn you!"

Humalakhak naman ito.

"Kidding aside. He's just around you, Ckim. He's always around." Nick smirked meaningfully.

It was seven in the evening and Gerald and Nick was left together with her at work. Masama pa rin ang kutob niya kay Nick kaya kay Gerald siya lumalapit.

"Ihahatid kita." Gerald offered as the three of them get inside the elevator.

"Masyadong malayo sa bahay mo, Gerald. Ako na lang tutal madadaanan ko naman ang condo ni Ckim." Nick said.

"Nah, okay lang basta safe si Ckim." Gerald said and smiled at her.

"She'll be safe with me." Giit ni Nick.

Innocent's Seductress (4th Gen #17)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon