"Akala ko ba may night out kayo ng mga pinsan niyo?" Takang tanong niya.
Akala niya nakaalis na ito, pero paglabas niya ng banyo naroon pa rin ang asawa nakaupo sa kama hinihintay siya. Nakapag-paalam naman ang mga pinsan nito sa kanya.
Umiling ito at inangat ang braso na para bang gusto siyang abutin kaya lumapit siya dito. Agad naman siyang niyakap nito.
"I'm working the whole day then I'm going out tonight, ain't that unfair for you?" Masuyong tanong nito.
Umiling naman siya. After their month honeymoon abroad, Heilan is back to work habang siya ay balik online selling, those big companies of clothing line contacted her to supply her items. He's busy, yes but he won't forget to call her from time to time, kahit nga naka-live siya ay sumasagot siya sa tawag nito. Todo kilig naman ang viewers.
"I understand, baby. Tsaka hindi naman palagi, ngayon lang naman kayo lalabas since we got married, ah?"
She's possessive, yes but she understand the night hang outs of Heilan his cousins, she trust him naman.
"Sama ka na lang sa 'kin." Paglalambing nito. He even use his precious innocent puppy eyes!
Urgh! Heilan knew what he is playing, I can't resist those eyes.
Kaya naman magkasama silang pumunta. Mabuti at isinama rin ng iba ang mga asawa nito. They're on different table kaya humiwalay siya kay Heilan, akmang hahabulin siya nito ng samaan niya ito ng tingin kaya bahagyang napanguso na lang ito at pumunta sa table ng mga pinsan nito.
"Ano nangyari kay bebe boy? Bakit nakabusangot?" Takang tanong ni Clea.
"Ayaw humiwalay sa 'kin. Parang gusto pang pumasok sa bulsa ko, hindi naman siya kasya."
Clea chuckled and shook her head.
"Hayaan mo na, Heilan just can't be away from even for a minute."
Panaka-naka ang sulyap niya kay Heilan, ganoon rin naman ito. Mukhang pinagtitripan pa ng mga pinsan nito dahil ito ang nilalasing, panay ang abot ng mga ito ng mga inumin. Mukhang tinatamaan na ata si Heilan, mapungay na ang mga mata nito.
Nagkwentuhan na lang sila, may mga buntis kaya tubig lang ang ininom nila. They're having fun when her eyes caught someone familiar.
Lee.
Nakangiting kumaway siya kay Zilen na kakatingin lang sa kanya. Ngumiti ito pabalik at lumapit sa kinaroroonan niya. Dahil nasa pinakagilid naman siya at may espasyo pa ay tumabi ito sa kanya.
"I heard about your wedding. Congratulations!" Malakas na bati nito para magkarinigan sila.
"Thank you! Napadpad pala sa 'yo ang balita?" Nakangising tukso niya.
"Ckim, halos lahat siguro ang may alam. Naka-live kayo sa TV tapos may inimbita ka pa sa Arena, who wouldn't get notified about the grandest wedding of the year?"
She chucked a bit. Of course she wants everyone to know kasi papansin siya!
"Eh, ikaw ba? Kailan ka ikakasal?" Tanong niya rito.
"Saka na kapag nakamove on na ako sa 'yo." Biro nito.
She was about to laugh when Zilen suddenly stood up--no, he was forced to stood up when Heilan grabbed Zilen by his collar.
"How dare you talk to my wife." Heilan spat angrily and at the same time tipsy.
Napasinghap siya ng suntukin ni Heilan si Zilen. Agad naman siyang pumagitna sa dalawa.
"Heilan! What are you doing?!" She gasped and tried to stop him.
Masama pa rin ang titig nito kay Zilen na nakangisi.
BINABASA MO ANG
Innocent's Seductress (4th Gen #17)
RomanceCkim. Seducing Innocent Seductress called Innocent's Seductress.