Chapter 61

20.4K 601 116
                                    

It's already evening yet he's still here. Hindi pa rin ito gumagalaw sa pwesto nito. At parang binabagalan ang pagkain. He's here the whole afternoon, after eating, he's fidgeting his phone then bought snacks ng mag-alas tres at ngayong gabi ay kumain na rin ito ng panhapunan.

Kumakain na rin siya ngayon sa kusina habang panay ang silip niya sa labas. Minsan ay nagkatinginan sila nito pero agad rin siyang umiwas ng tingin.

Bakit ba ito nandito? Anong ginagawa dito ng binata kung masakit siyang mahalin? Masokista ba 'to?

He should have hide himself better tutal doon naman ito magaling. Inunahan pa siya! Akala pa naman niya feel na feel niya ang pagtago sa abroad at malalaman niyang buntis siya tapos ito pala ang tatago?

Ang pangit mong ka-bonding, Heilan.

"Ano 'yang titigan niyo, ha? Kilala mo si tisoy?" Usisa ni Pampam at ninguso si Heilan.

"Hindi, ah! Baka nagandahan lang sa 'kin kaya ayaw umalis." Irap niya.

"Naku, magdahan-dahan talaga tayo kahit saksakan sila ng gwapo baka inabangan ka lang niyan para saksakin."

Saksakin ng ano? Talong?

Napailing siya at winaglit iyon sa kanyang isipan. Ang lantod-lantod mo talaga, Ckim.

Pagkatapos niyang kumain ay tumayo na siya para lapitan ang binata. Ito na lang ang naiiwan kaya dapat na niyang paalisin.

"Magsasara na kami, Sir." Imporma niya dito.

Tumayo na rin ito at hinarap siya. Hindi niya mapigilan na titigan ang binata. Isang buwan lang pero labis na siyang nangungulila. Nabasawan rin ng timbang ang binata pero masarap pa rin naman tingnan.

"Let's go." He said in a low voice.

Kinunutan niya ito ng noo at inilingan.

"Pasensya na, Sir pero hindi po ako kaladkarin para sumama sa kahit saan---"

"Where do you live? I'll take you home." Nakasimangot na putol ng binata sa kung anong kagagahan na pinagsasabi niya.

"Dito. Dito ako nakatira." Sabi niya sabay turo sa maliit na kwarto.

She saw him obviously grimaced. Wala man lang kaplastikan sa mukha nito. Pasensya na, Heilan, ha? N'ong nagtago ka may pera ka pa rin habang ako kahit singkong duling wala akong daka.

"You're kidding me." He spat in disbelief and even scan her from head to toe. Kumunot ang noo nito sa damit niya. Ano bang problema? Hindi naman siya ina-ano ng damit niyang galing ukay.

Pero hindi siya nakaramdam ng hiya o panliliit. She bought it with her own money. Even it's not branded she still wore it with pride because she bought it using her money.

Iba pala ang pakiramdam na gamitin mo ang pinaghirapan mong pera kaysa gamitin ang pera ng iba. It makes her more wise to spend correctly. Kasi ang hirap pala talaga maghanap ng pera ngayon. It takes blood, sweat and tears. That's why she's never ashamed on what she is and where she is now, nagtatrabaho siya ng tama at wala siyang tinatapakang tao. And ever since she left, wala ng umaway sa kanya. The peace she had right now is priceless.

"Anong tinitingin-tingin mo, Sir? Do I look unfuckable now because I'm not the high maintenance woman you used to spoil before? Bakit, nasusuka ka na?" Mapanuyang tanong niya.

Tumiim ang panga ng binata at umiwas ng tingin. Pinagkrus niya ang braso sa dibdib niya habang nakatitig sa binata. Nang muli itong lumingin sa kanya ay muntikan ng umurong ang tapang niya.

"I could fuck you here right now to stop you from talking nonsense." He spat angrily.

Namula ang pisngi niya sa inis. How dare he talk to her like that! Akala ba nito na natatakot siya? She's not the marupok Ckim anymore! Hindi na si Clittycat ang pinapairal niya, utak dapat ang pinapairal.

"Sorry, Sir pero n'ong oras na tinaguan mo 'ko, hindi ka na welcome sa vajayjay ko. Banned ka na! Persona non grata!" Singhal niya dito.

"Stop calling me, Sir. I'm your husband." Iritableng saad nito.

Nag-init ang ulo niya sa inis. Husband? Pala-desisyon kasi! Wala naman siyang kaalam-alam ba ikinasal siya dito tapos nais pa nitong kilalanin niya ito bilang asawa?

"Are you? Because the time you turn your back at me, you failed as my husband." She spat angrily.

"I was hurt---"

"And so do I! Pero ang sabi mo you wanna fix us together. We will both heal as long as we're on each other's side pero pinaasa mo 'ko, Heilan." She burst out in frustration.

Parang bumalik na naman ang nangyari buwan na ng nakalipas. It just feel like yesterday, presko pa ang sakit, at bawat salita, bawat hininga, saulong-saulo pa niya.

Upon hearing his sentiments, a part of her melted and wanted to listen his side. She wanted to know his story, because the revelation isn't enough to describe Heilan, it was just a part of him. She wanted to fix them, too because she love him as much as he loves her but he left already.

"And now you're back. Why? Because you were disappointed that your  wife didn't come to find you? That I didn't chase? Masakit akong mahalin, 'di ba?  Bakit mo 'ko binalikan?"

"Kumain lang ako dito, Ckim. Are you assuming that I was here para balikan kita?" He asked.

Para siyang sinabuyan ng malamig na tubig sa hiya. What did he say?! How dare he! Urgh! Ang sarap mong suntukin!

Her chest is going up in down in too much emotion. Nangangati ang kanyang palad na gusting humalik sa pisngi nito. Sa sobrang hiya niya gusto na lang niyang lumubog sa kinatatayuan.

"Papansin ka! Sa lahat ba naman ng pwede mong pagkainan dito pa? Papansin!" Singhal niya.

Kumunot ang noo ni Heilan at inosenting lumingon sa may labas.

"I didn't see any poster that I wasn't allowed to eat here." Depensa nito.

Mas lalo lang siyang nainis. Parang bumabalik sa dati na maaga siyang tatanda dahil dito! Nangungunot ang pubic hair niya sa stress. Only this kid can make her feel that! Ang sarap tirisin!

"Alam mo, Sir. Kung wala kang sasabihing maganda, umalis ka na lang." Sabi niya at pinagtulakan ito palabas.

Emote na emote na siya, eh tapos gumana na naman ang pagiging---urgh!

"I will sleep on your bed." Giit pa rin nito kahit naitulak na niya ito palabas ng karenderya.

Mabuti na lang at sila na lang ang naiwang bukas kaya kahit magsigawan sila ni Heilan ay walang makakarinig maliban siguro kay Pampam pero mukhang nakikipaglandian na ito kay Jair sa likod.

"Ayokong may makatabi na pangit. Umalis ka na at huwag kang babalik!" Bulyaw niya dito at pilit nainaabot ang bakal na sara para ibaba iyon para mag-close na talaga sila.

"Akala ko ba gusto mong balikan kita?"

Namula ng matindi ang kanyang pisngi. Ang tanging naramdaman biya ngayon sa binata ay inis. Sobrang inis na kahit siguro sa panaginip niya ay naiinis siya dito.

"Pwe! Baliw lang ang makipagbalikan sa 'yo!" Sigaw niya at tuluyan ng isinara ang karenderya nila.

Nang tuluyan nang magsara ay natigilan siya at inalala ang huling binitawang salita.

Gaga ka talaga, Ckim Verly. Baliw ka pa naman.

Innocent's Seductress (4th Gen #17)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon