Taas noo siyang naglakad papunta sa cubicle niya. Napasunod naman ang mga mata ng katrabaho niya na mukhang may milagromg dumaan sa harap ng mga ito.
They're so OA, ha! Ano naman kung tatlo hanggang sampung beses lang siyang pumasok sa loob ng isang buwan? Himala pa ngang kaya niyang pumasok ng walang absent sa loob ng isang buwan.
"Wow, anong himalang nakain mo for today?" Narinig niya ang boses ng baklang tiyuhin niya sa kanyang likuran.
Napairap siya at napabuga ng hangin bago humarap dito.
"I feel like working, Tito---"
"I feel like working, Tito." Panggagaya nito.
Tito Kaz, Klaz' father is gay. Dito niya rin namana ang pagiging walang filter sa bibig.
"Gaga kang bata ka, ngayon ka pa talaga pumasok kasi may sweldo na bukas!" Sermon nito at kinurot-kurot siya sa bewang.
"Ouch! Aww! Don't there, Tito!" Ngiwu niya sabay iwas.
"Gaga, anong don't there?"
"Huwag doon!" Sagot niya sabay irap.
Pinaypayan niya ang sarili. At minasahe mula sa labas ang kinurot nito.
"Hindi pa nga nakarecover 'yan sa mga kurot ni Mommy kagabi, eh!" Reklamo niya.
"Deserve mong gaga ka. Nagsumbong lang naman sa 'kin 'yang Nanay mo at pinagalitan pa ako dahil nahawa ka sa kaharutan ko." Irap nito.
"Masama ba kung una 'yong honeymoon kaysa sa kasal?" Ngiwi niya.
Sinimulan na namn siyang kurutin nito kaya panay ang iwas niya.
"Kaya ka na-ti-trending, eh! 'Ckim tinawag ni Heilan na Mommy.' Pak! Ikaw lang ang sugar Mommy na walang pera. 'Yong sugar baby mo pa ang gumagastos sa 'yo."
Ouch, ha!
"May masaba ba d'on?" Irap niya.
"Gaga ka talaga! Nauubusan ako ng dugo sa 'yo. Magtrabaho ka na nga at huwag na huwag kang lalabas hangga't hindi pa alas diyes ng gabi. Overtime ka ngayon." Sermon nito.
"Grabe naman 'yan, Sir. Baka hindi na pumasok si Miss Ckim bukas." Komento ng katrabaho niya.
Nilingon niya ito and she saw Gerald. She smiled and wave at him. Tho, she didn't treat him as one of her friends---does she have one, tho?--nevermind, ay gusto niya ito dahil mabait ito sa kanya. Even before n'ong college pa sila. They could be potential friend but she choose not to stick with other men back then, baka mas lalo kasing maturn off ang mga Benjamin.
"Makinig ka kay Gerald, Tito---"
"Shut up! Both of you will have overtime." Asik ng Tito niya na vice president ng kompanya.
Napairap na lang siya at umupo sa upuan at sinimulan ang kanyang trabaho.
When she's at work, she's really focus and professional. Panay rin ang tanong niya kay Gerald dahil mag-iisang buwan rin siyang wala dito. Ang gladly, he answered politely.
"Lunch?" Aya ni Gerald.
Umiling siya at nanatili ang mata sa screen.
"Busog pa naman ako." Sagot niya.
Tumango ito at nagpaalam.
Bumalik siya sa trabaho. She wanted to text and call Heilan but when she's really at work, it's just pure work. Nagpaalam naman siya nito at nag-usap naman sila buong gabi kaya alam nitong hindi siya makakpag-text dito.
Naglunch na ang ibang katrabaho niya. Bumukas ang elevator at napalingon siya doon. Tumikwas ang kilay niya ng makitang si Gerald iyon na may dalang tray.
BINABASA MO ANG
Innocent's Seductress (4th Gen #17)
Storie d'amoreCkim. Seducing Innocent Seductress called Innocent's Seductress.