Chapter VIII

114 20 9
                                    

Normal na tinapos ni Thiago ang araw na iyon at pagkatapos ay agad siyang bumalik sa dorm. Tatlong subjects ang hindi niya pinasukan, at tinulugan lang niya ang isa. Hindi na rin niya nakita si Paisley buong maghapon at ipinagpapasalamat niya iyon. Naiinis pa rin siya sa dalaga lalo na sa eksenang naganap kanina sa tapat ng registrar's office. Sigurado kasing magiging usap-usapan na naman iyon lalo na kapag nakarating sa mga ka-department nila. Ngunit hindi niya maalis sa isipan niya ang sinabi nito tungkol sa pagmamahal niya sa musika. At hindi mabura sa isipan niya ang seryosong mga mata ng dalaga nang sabihin nito na gagawin nito ang lahat, tumugtog lang siyang muli.

Biglang napaisip si Thiago kung totoo nga kayang naroon pa rin ang kagustuhan niyang tumugtog. Labing-isang taon na kasi siyang umiiwas sa lahat ng uri ng musika. Mapasa-social media man, radyo o telebisyon. Kahit sa mga lugar kung saan may musika ay lumalayo siya. Minsan ay hindi iyon madali, kaya kadalasan ay nagkukulong na lang siya sa kanyang kwarto.

Padabog na inilapag ni Thiago ang kanyang bag sa sahig nang makapasok ng kwarto. Tinignan niya ang cellphone niya ngunit kaagad din niya itong inihagis sa kama nang walang nakitang anumang interesante doon. At pagkatapos ay mabilis siyang nagbihis. Halos wala naman siyang ginawa maghapon ngunit parang pagod na pagod ang kanyang katawan at bahagyang sumasakit ang ulo niya. Kaya naman matapos makapagpalit ay kaagad niyang ibinagsak ang kanyang katawan sa kama.

"Wala pa akong isang linggo dito, but it feels like a year already. Dang!" sabi ni Thiago na sinundan ng dalawang magkasunod na buntong hininga.

Pagod man ang katawan ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Thiago. Sinubukan niyang ipikit ang kanyang mga mata, ngunit wala talaga. Tumayo siya para kumuha ng isa sa mga libro niya nang napansin niyang umilaw ang kanyang cellphone. Hindi niya sana iyon papansinin ngunit nang makita niyang isang email ang natanggap niya ay kaagad niyang dinampot ang cellphone. At bumungad sa kanya ang isang email mula sa kuya niya. Hindi niya madalas na pinapansin ang mga tawag at text messages na ipinadadala nito, ngunit ibang usapan na kapag email ang ipinadala nito sa kaniya. Siguradong may masamang balita o kakaibang nangyayari sa mga kumpanya nila.

Umupo si Thiago sa tapat ng kanyang study table. Mabilis niyang binuksan ang kanyang laptop at doon niya binuksan ang ipinadalang mensahe ng kapatid. At kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya at kumunot ang noo niya nang mabasa kung ano ang nilalaman ng email.

"What the f..." Kaagad na tinawagan ni Thiago ang kanyang kapatid habang nakatutok pa rin ang mga mata sa screen ng laptop. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.

"Kuya! What the hell is this report? Anong nangyari?" kaagad na tanong ni Thiago nang sagutin ng kapatid ang tawag.

"What's with that tone? Natataranta ka ngayon?" may inis na tugon ng kuya niya. "I've been calling you, but you kept on ignoring me. Ang laki na ng loss ng recording company at hindi na nagre-renew ng kontrata ang karamihan ng mga talents natin even the famous ones.. And now, the government is chasing us dahil hindi nagbabayad ng tamang tax si Uncle Vince."

"What?! I know how corrupted he is. But he promised mom and dad's grave... ganoon na ba talaga siya kawalang hiya?"

"Come on! Ano pa bang aasahan mo sa taong 'yon?" sabat ni Rafael sa kapatid. "Most of the board of directors are now worried because of this matter. Two of our investors have already backed out. Pero wala silang magawa but to abide from what mom and dad said in their last will. And Thiago, they are now asking about your current progress."

"Shit..."

"And that's not the worst yet," patuloy ni Rafael na natigilan lang saglit ng dahil sa pag-ubo. "Uncle Vince just got your records from the university and he had shown it to the board. And you know what? His supporters are now proposing to disqualify you as the heir of the music academy and the recording company."

Napapikit si Thiago at napahampas sa lamesa nang marinig ang sinabi ng kapatid. Napahilamos na lang siya ng mukha ng dahil sa pagkadismaya. Naiinis siya sa tiyuhin niya, pero mas dismayado siya sa sarili niya.

"Nakagawa ako ng paraan sa ngayon. Sinabi ko sa kanila na may pinagdaraanan ka lang and that you will do better this year. But still, they want to talk to you. I'll make an appointment this Saturday. This is all I can as of now, brother. Halos hindi na rin ako nakakapagpahinga. Don't forget I am also managing two of our family's companies," patuloy ni Rafael sa kabilang linya. At kahit ayaw man nitong ipahalata ay bakas sa boses nito ang labis na pagkainis kay Thiago.

"Damn it! I don't want to lose the company," sabi ni Thiago sabay hampas muli sa lamesa. Halos magtalunan ang mga gamit na naroon sa lakas ng pagkakahampas niya. "It 's mom and dad's... but..."

"Ayaw ko ng sermonan ka, Thiago," muling sabat ni Rafael sa kapatid. "Iyon at iyon lang din naman ang idadahilan mo. But remember, it was you who said that you'll do everything to protect mom and dad's legacy. And I am just here, reminding you. However, I guess you had a change of heart already. Bahala ka na. Malaki ka na. Ayaw ko ng pilitin ka pa. If you think you can't do it anymore, then just tell them on Saturday. And let everything go."

Sasagot pa sana si Thiago nang patayin na ng kuya niya ang tawag. Ni hindi na ito nagpaalam ngunit narinig niya ang malakas na buntong hininga nito bago putulin ang linya. Napatungo si Thiago sa lamesa. Lalong sumakit ang ulo niya at sinabayan pa iyon ng malakas at mabilis na kalabog ng kanyang dibdib. Kaagad niyang kinuha ang gamot sa kanyang drawer at ininom niya iyon. Nakatulong iyon para kumalma siya, pero hindi noon naalis ang pag-aalala niya na tuluyan ng mawawala sa kanila ang mga pag-aaring dugo at pawis ang ipinuhunan ng mga magulang nila.

Alam ni Thiago ang dapat niyang gawin. Alam niyang ang pagbalik lang niya sa musika ang maaaring sagot sa problemang pinagdaraanan niya ngayon. Ngunit hindi niya alam kung paano lalabanan ang mga takot at pagkadismaya sa sarili na nararamdaman niya. Natatakot siyang magkamaling muli. Natatakot siyang mabigo at magpaasang muli ng mga taong nasa paligid niya.

Papatayin na sana ni Thiago ang laptop nang muli siyang nakatanggap ng isang email mula sa kapatid. Binuksan niya iyon at tumambad sa kanya ang ilang mga larawan na hindi na niya inaasahang makita pa. Mga larawan ng kanilang masayang pamilya. Hindi na binuksan pa ni Thiago ang mga larawan para makita. Ayaw niyang dagdagan pa ng lungkot ang pagkabalisang nararamdaman niya ngayon. Kaya naman binasa na lamang niya ang mensaheng kasama ng mga iyon.

I know how much you love and miss them, so I sent you these. Sorry kung naiinis na ako sa'yo. You know what to do next, brother. And whatever your decision may be, I'll be just by your side. You haven't failed anyone. Always remember that.

"Mali ka kuya, I failed them once and that cost them their lives," sabi ni Thiago sabay sarado ng laptop.

Sandaling tumungo si Thiago sa lamesa. Inisip niya ang mga dapat niyang gawin at pinilit niyang alisin ang mga negatibong bagay sa kanyang isipan. Ngunit sadyang naghahalo-halo na sa isipan niya ang mga bagay-bagay at hindi na siya makapag-isip ng maayos. Kaya naman minabuti na lang niyang humiga at ipahinga ang kanyang isipan. Ngunit hindi pa rin siya makatulog. Kinailangan pa niyang uminom ng sleeping pills at hintayin ang epekto noon bago tuluyang naging mapayapa ang kanyang isipan. 

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon