Chapter XXVII

104 19 11
                                    

Isang nakakangarag na araw ang natapos para kay Thiago. Pinuyat rin kasi siyang ng pagrereview at hindi pa siya nakapag-agahan dahil late na rin siyang nagising. Kampante naman siya sa mga nasagutan niya sa unang araw ng mid-term exam, pero parang hinigop ng mga tests na iyon ang lahat ng lakas niya. At ang masaklap ay mayroon pa ulit kinabukasan.

Hindi nakausap ni Thiago si Paisley sa buong maghapon. Nagkasabay silang kumain, pero hindi rin sila masyadong nakapag-usap dahil abala rin ang dalaga sa mga iba pang subjects nito. Tatawagan na sana niya ito, nang makatanggap siya ng message mula kay Thunder.

15 minutes, Lucas' nest.

Napakunot ng noo si Thiago. Nakapag-aral naman na siya para bukas, pero mas gusto na niyang matulog sa ngayon at magpahinga.

Binalewala ni Thiago ang message na iyon ni Thunder at tinawagan na lang niya si Paisley. Pero hindi rin ito sumagot. Nagpadala lang ito ng mensahe na nasa group study pa at na kailangan pa raw nitong mag-report para sa paparating na competition sa university meet.

"Damn, I guess I'll just call this a night," sabi ni Thiago sabay bagsak sa kanyang kama na una ang mukha.

Nakakaramdam na siya ng antok at papatulog na nang makarinig siya ng malakas na katok mula sa labas. Hindi niya iyon pinansin noong una, hanggang sa mas lumakas iyon at naging nakakairita.

Nakasimangot at padabog na tumayo si Thiago, at binuksan ang pintuan. Alam na niya kung sino ang nasa labas kaya naman hindi na siya nagulat nang makita niya si Thunder doon.

"What?! I was about to sleep already," singhal ni Thiago. "I won't drink tonight. Leave."

"It's not about that," sagot ni Thunder habang palinga-linga sa paligid. "Let me come in, I'll tell you inside. Baka may makarinig,eh."

Halata sa pananalita at ikinikilos ni Thunder ang kaba at pag-aalala. Kaya naman binuksan na ng tuluyan ni Thiago ang pinto at pinapasok ang kaibigan.

"What's the matter?" agad na tanong ni Thiago.

"Galing ito sa isa sa mga informant ko dito sa loob ng university. Tungkol sa e-sabong ni Lucas. Nakarating na raw ito sa SSG, and they will find the one behind it tonight."

"What?" bulalas ni Thiago. "Have you informed the others?"

"Oo. Nasabihan ko na ang lahat at sinabihang ko rin silang umiwas muna sa kwarto ni Lucas. Ipinadala ko na rin kay Lucas 'yong laptop niya para kung sakali."

"Good. Pero saan siya mag-stay? Palalim na ang gabi. Hindi na siya pwedeng magpagalagala sa campus. Hindi naman pwede rito sa atin dahil dito rin ang room ng SSG president."

Napabuntong hininga si Thunder sabay tingin kay Thiago. Nang biglang makatanggap sila ng message sa GC ng wasalak.

Eli: Guys, we're here in Ariston's room. Come here, quick.

Nagkatinginan ang dalawa at walang nagsalitang sabay na lumabas ng kwarto. Mabilis silang tumakbo papuntang 8th floor kung saan naroon ang kwarto ni Ariston. Nasa huling mga baitang na sila nang marinig ni Thiago na parang may naglalakad sa pasilyo. Kaya naman kaagad silang tumigil para tignan muna kung sino iyon. Malapit na rin kasi ang curfew hours ng dorm at malaking problema kung mahuhuli sila.

Dahan-dahan na sumilip sila Thunder at Thiago, pero wala silang nakita na kahit na sino. Kaya nagkatakutan pa ang dalawa. Mayroon din kasing kumakalat na kwento ng kakatakutan at kababalaghan sa dorm nila.

"You heard it, right?" tanong ni Thiago.

Pero bago pa makasagot si Thunder ay isang puting pusa ang biglang lumundag sa harapan nila dahilan para mapasigaw si Thunder. Mabilis naman kumilos si Thiago at tinakpan ang bibig ng kasama, na kaagad naman din siyang itinulak papalayo.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon