Chapter XXXIX

88 18 14
                                    

Nagising si Thiago sa isang maliwanag at kulay puting kwarto. Kaagad siyang napaupo, at inilbot niya ang kanyang mga mata sa paligid bago nakumpirma na nasa ospital siya. Hindi niya alam kung paano siya napunta doon, at ang tanging naaalala lang niya ay ang mga huling salita ni Vince tungkol sa kanya at ang galit na mukha ng kanyang mga magulang.

Nakaramdam si Thiago ng uhaw. Kukuha sana siya ng tubig nang mapansin niya si Paisley na natutulog sa isang mahabang sofa sa tabi ng higaan niya. Tinignan niya ang dalaga at napakunot noo siya nang mapansin ang malalim nitong mga mata. Halata ang pagod pati sa paghinga ng dalaga.

Dahan-dahang naglakad si Thiago papunta sa maliit na lamesa sa kabilang gilid ng kama niya kung saan nakapatong ang ilang mga baso, at pitsel ng tubig. Halos dalawang hakbang na lang ang layo niya doon nang bilang manginig ang mga tuhod niya dahilan para matumba siya. Napakapit siya sa lamesa, pero nabuwal din iyon. Nalalag ang mga baso at ang pitsel, at nabasag ang mga iyon.

"Thiago!" kaagad na tumayo si Paisley nang magising mula sa ingay. At mabilis siyang tumakbo para tulungan ang nakaupong binata sa sahig. "Anong nangyari? Are you alright? Bakit hindi mo ako ginising?"

Pero natigilan si Paisley nang marinig niyang humihikbi si Thiago.

"Why are you here?" tanong ni Thiago habang pilit na kinokontrol ang boses at paghinga.

"What do you mean?" tanong ni Paisley. Nagsimula na ring manginig ang boses ng dalaga. "Siyempre I am worried. I want to take care of you."

"Get lost."

"Ha? Bakit? Ibinilin ka nga sa akin ng kuya mo. Dapat daw makakain ka kapag gising mo, at dapat bumawi ka sa tubig. You were so dehydrated and..."

"Hindi mo ba ako narinig?" gigil sabat ni Thiago sa dalaga. "I said, get lost."

"Hindi pwede...Thia—"

"Umalis ka na!" malakas na sigaw ni Thiago na labis na ikanagulat ni Paisley. Napapikit ang dalaga at halos mapatalon mula sa kinatatayuan nito.

Hindi kaagad nakakibo si Paisley at nagsimula ng maipon ang luha sa kanyang mga mata. Dahan-dahan namang tumayo si Thiago. Nagawa niyang iwasan ang mga bubog at nagawa niyang makatayo.

Aalalayan sana ni Paisley si Thiago pabalik sa kama, nang hawiin papalayo ni Thiago ang kamay ng dalaga. Napalakas iyon at hindi sinasadyang nasaktan si Paisley..

Pero sa halip na mag-sorry ay tinignan pa ni Thiago si Paisley ng masama na para bang ito pa ang may kasalanan sa nangyari.

"Did I do something wrong?" tanong ni Paisley habang pilit pa ring pinipigalan ang maiyak. Hawak niya ang kanang kamay na tinamaan ni Thiago. "Bakit galit ka sa akin? Ano ba talagang nangyari? Kahit si kuya mo hindi masabi kung ano ang totoong nangyari. Kahit isa sa wasalak, walang makapag—"

"Don't you ever mention that word again," muling sabat Thiago. "And you don't have to know what happened. So, get the hell out of here!"

"Why?" tuluyan ng bumagsak ang luha ng dalaga. "Why are you doing this to me? Nag-aalala lang naman ako. And isa pa, I am your girlfriend, right? I have to..."

"No. Not anymore."

"Ha?"

"I'm breaking up with you..."

"Wait. Naguguluhan ako... B-bakit? Thiago, anong ginawa ko? Am I being too weird? Am I being too pushy? I-I can change... I mean... bakit break up kaagad? Ano bang..."

"I don't really like you, Paisley," sabi ni Thiago habang nakatingin ng maigi sa luhaang mga mata ng dalaga.

"No. You're just lying! I don't know why you're doing this. But you're lying!"

"I am not. I just used you. Akala ko kapag sinakyan ko 'yong trip mo, magiging masaya ako. Pati ang wasalak. Ginamit ko lang sila dahil akala ko, mapapabuti ang lagay ko kapag sumama ako sa kanila. But I am wrong. Nothing has changed. So bakit ko pa ipagpapatuloy 'to?"

Nagpunas ng luha si Paisley at pagkatapos ay buong lakas niyang hinaltak ang kwintas na nakusuot sa kanyang leeg. "How about this? Is this also a lie? 'Yong mga sinabi mo noong ibinigay mo sa akin 'to, hindi totoo lahat ng iyon?" sunod-sunod na tanong ni Paisley habang hawak ang kwintas na ibinigay sa kanya ni Thiago.

Tumango si Thiago at pagkatapos umupo siya sa kanyang kama. "Yes. Everything that I told you. They are all lies."

"No. That's not true. I know you're just..."

"Why do you think I will like someone like you?" biglang tanong ni Thiago.

Sandaling natigilan si Paisley ng dahil sa paghikbi. "Be-because... You... I mean..."

"See? You can't answer that," nakangising sagot ni Thiago. "There is no chance in hell that I will like an annoying brat like you. I just used you 'coz I thought that would make me a little happier, entertained. But I hate you. I hate everything about you."

Hindi nakakibo pa si Paisley sa sinabing iyon ni Thiago. Nakapatong ang mga kamay niya sa dibdib niya habang pilit na pinipigilan ang pag-iyak.

Nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto, at pumasok si Rafael dala ang isang paper bag.

"Thiago! What are you doing?!" tanong ni Rafael nang makita ang eksena.

"Now that you know everything. Please get lost and don't you ever show up in front of me again," sabi ni Thiago habang madiin na nakatingin sa dalaga.

"F-f-fine! But I want you to know..."

"Just get lost!" malakas na sigaw ni Thiago na muling gumulat kay Paisley.

Dahan-dahang umatras ang dalaga. Nalaglag sa sahig ang kwintas na iniregalo ni Thiago sa kanya at pagkatapos ay dinampot niya ang kanyang bag. Hindi na siya nagsalita pa. Ni hindi na rin niyan nagawang tumingin pa kay Thiago, at hindi na niya mapigilan ang pag-agos ng luha mula sa kanyang mga mata. At sa huli, ay mabilis siyang tumakbo palabas ng kwarto. Pipigilan pa sana siya ni Rafael, pero wala na rin itong nagawa.

"What's wrong with you, Thiago?!" sigaw ni Rafael. "She's been here for two days. Hindi siya umuwi mabantayan ka lang. Alalang-alala siya sa'yo! Hindi rin siya tumigil sa pagbisita sa'yo noon nagkulong ka. Tapos ganoon lang ang ginawa mo?"

Tinignan ni Thiago ang kapatid at natigilan si Rafael nang makitang tumulo mula sa mga mata Thiago ang luha.

"I don't deserve her, and she deserves someone way better than me," sabi ni Thiago. "I am a failure. And Paisley doesn't deserve a failure like me."

"What are you saying?"

"Wala na akong ginawang tama. I am someone who was born to disappoint the people around me," sabi ni Thiago sabay hinga ng malalim. "First, I failed mom and dad. My stupidity killed them. Then I failed you, my friends, and myself. For sure, I will disappoint Paisley too kung hindi ko ginawa ito. She was the one who put a smile on my face again. She taught me how to be free and how to love. Kaya ayaw kong masaktan ko siya huli dahil sa pagiging failure ko."

Hindi nakasagot si Rafael sa sinabi ng kapatid. Gusto niya itong yakapin at damayan sa nararamdaman nito. Pero hindi rin niya alam kung ano ang mga tamang salita na dapat sabihin dito.

"I want to be alone, kuya," sabi ni Thiago habang nagpupunas ng luha.

"Ah! O-okay. Pero kumain ka muna. I bought some food. Iyon kasi ang bilin ng doktor kapag gising mo. Ikaw ba naman hindi kumain ng halos tatlong araw," sagot ni Rafael habang inilalabas ang mga pagkain sa dalang paper bag. "According to lab tests, bukod sa mild dehydration wala ka naman daw ibang problema."

Tumango lang si Thiago sa sinabi ng kapatid at pumwesto na siya sa kama para humiga.

"Make sure to eat, Thiago. Tatawagin ko lang ang doktor," sabi ni Rafael sabay tapik sa balikat ng kapatid.

Pero hindi sumagot si Thiago. Humiga lang siya at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Ngunit kahit nakasara na ang mga iyon ay patuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang mga luha. 

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon