Chapter XXII

95 18 8
                                    

Lumipas ang ilang araw at lalong naging mas maganda ang naging performance ni Thiago sa mga music subjects niya at makikita iyon hindi lang sa written exams niya, lalo na sa mga practical exams. Nagsimula na ring maging matunog muli ang pangalan niya, at may iilan ng lumapit sa kanya para magpaturo at humingi ng mga tips sa pagtugtog.

"Thiagobeeels!" Napalingon si Thiago at napasimangot nang marinig ang matinis na boses ni Paisley. Tumaktakbo ito papalapit sa lamesa kung saan siya kumakain ng tanghalian. At iwinawagayway nito ang isang papel na hawak.

"I made it! I made it to the university meet!" masayang sabi ni Paisley matapos ilatag sa lamesa ang hawak na papel.

Tinignan ni Thiago ang dalaga, ang dala nitong papel, at pagkatapos ay bumalik ito sa pagkain. "Well, congrats."

"Ang tagal ko kayang hinintay 'to. Akala ko nga hindi na ako matatanggap. Salamat pala ulit sa pag-arrange ng kanta ko, ha?"

Hindi naman sumagot si Thiago at nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi rin naman niya alam kung ano ang isasagot sa dalaga. Gusto niya itong i-cheer para sa darating na university meet, pero hindi niya alam ang mga tamang salita na gagamitin.

"One more thing," patuloy ni Paisley. "Baka hindi tayo magkita sa mga susunod na araw. I'll be polishing the song and my guitar skills kasi."

"Okay then... Good luck."

Inilapit ni Paisley ang mukha niya kay Thiago bago bumulong. "Baka ma-miss mo ako, ha? Message mo lang ako."

Nagulat si Thiago sa ginawa ng dalaga. Napalingon siya rito at halos magbunggo na ang mga ilong nila sa lapit ng kanilang mga mukha sa isa't-isa. Natigilan si Thiago. Nagkulay pula kaagad ang buong mukha nilang dalawa at tila hindi nila alam ang gagawin para makaalis sa nakakahiya ngunit nakakakilig na posisyon na iyon.

Hanggang sa makarinig si Thiago ng isang pamilyar na boses.

"Seriously, Tisoy? You're doing that in broad daylight?" Napatingin si Thiago sa likuran ni Paisley kung saan nanggaling ang boses at doon ay nakita niya si Thunder na papalapit sa kanila. Dala nito ang isang tray na puno ng pagkain.

"Thunder?" reaksyon ni Paisley nang makita ang binata.

"Para naman kayong nakakita ng multo? Palibhasa gumagawa kayo ng kababalaghan kaya gulat na gulat kayo. Dito pa kayo maghahali..."

"Stop!" malakas na bulyaw ng dalawa para pigilan ang kung anumang sasabihin ni Thunder. Dahilan naman iyon para mapatingin sa kanila ang ibang naroon.

"Okay! Easy! Para na kayong sasabog na dalawa," tatawa-tawang komento naman ni Thunder na nagsimula ng kumain. "Oo, nga pala. Your girl and I, you haven't introduced us to each other properly yet. Alam niya 'yong pangalan ko. Pero hindi ako sure sa kanya," tuon niya kay Thiago.

"She is not my girl," agad na tutol ni Thiago sabay tingin ng matalim kay Thunder.

"Ye-yeah, my name is Paisley," sabat naman ng dalaga na dumestansya ng kaunti kay Thiago. "We ate lunch together with your other friends several times, yet you still don't know me?"

"I know. I just thought na gusto mong makikain sa tabi ng mga gwapong kagaya namin. Isa pa hindi naman kasi kayo nagkikibuan nitong si Thiago," sagot ni Thunder na sinundan ng pagsubo ng pagkain.

"Whatever," nakasimangot na sagot ni Paisley. "Basta kapag wala ako, kayo na ang bahala kay Thiago, ha?"

Napatingin si Thiago kay Paisley, at pagkatapos ay natuon ang mata niya kay Thunder na nagpipigil na naman ng tawa.

"Sure, Ms. Paisley. Kami na ang bahala sa prodigy na 'to."

"Shut up, Thunder!" inis na sabi ni Thiago.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon