Masakit pa ang mga mata ni Thiago subalit pinilit na niyang bumangon para makapaghanda. Nakapangako kasi siya kay Paisley noong nakaraan na manunuod siya sa performance nito sa Richmond University. Doon kasi gaganapin ang music and singing competition para sa university meet.
Maaga namang nakabalik si Thiago sa dorm niya. Ang problema lang, ay hindi siya nakatulog. Hindi kasi maalis sa isipan niya ang pagnakaw ni Paisley ng halik sa kanya. Pakiramdam niya ay mali ang matuwa ng dahil sa ginawa ng dalaga. Pero tuwing naalala niya ang eksana ay hindi niya mapigilan ang mapangiti, at mapahawak sa pisnging hinalikan ng dalaga.
Ni hindi niya alam na magiging ganoon pala ang epekto ng unang halik sa kanya. Parang nakaka-adik.
Halos isang oras ring nakangiti si Thiago at nakahawak sa kanyang kanang pisngi nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kaagad siyang napailing nang matauhan at mabilis na kinuha ang cellphone sa ibaba ng lamesa.
Thunder: Tisoy, I can't make it today. May isang case study kasi akong kailangang asikasuhin.
Napabuntong hininga at napakamot na lang ng ulo si Thiago sa nabasang mensahe ng kaibigan. Inaasahan niya kasi ito na makakasama niya sa Richmond University. Lahat din kasi ng wasalak ay may kanya-kanyang mga gagawin. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Kailangan talaga niyang pumunta.
Tatayo na sana si Thiago para maghanda ng sarili nang muling tumunog ang cellphone niya. Muli niya iyong tinignan at napangiti siya nang makita ang mensahe. Nagpadala kasi si Paisley ng isang larawan para ipakita sa binata ang gown na isusuot nito para sa competition. Isang elegante at kulay dilaw na evening gown. At sinundan pa iyon ng isa pang mensahe mula sa dalaga.
Paisley: Make sure you'll find a seat where I can find you easily. Okay? See yah, Thiagobels.
Kung dati ay naiinis siya tuwing tinatawag siya ni Paisley na Thiagobels, pero ngayon ay napapangiti na lang siya nito. Hanggang ngayon ay hindi alam ni Thiago kung anong mahika ang ginamit ni Paisley sa kanya. Ang alam lang niya, ay masaya siya sa ngayon. Lalo na kapag kasama niya ang dalaga, o kahit tuwing kausap lang niya ito sa chat.
Matapos makapag-ayos ay kaagad ng bumaba si Thiago. Balak sana niyang gamitin na lang ang sasakyan nila at magpahatid kay Mang Jerry sa Richmond University, pero dahil hindi na sasama si Thunder ay minabuti na lang niyang sumabay sa kanilang university shuttle kasama ng mga kaklase niya. Isa kasi ang section nila sa mga napili para manuod sa music competitions ng university meet. Ang mga contestants naman ay sa ibang bus nakasakay at mas maaga sa kanilang umalis. May ilang sections mula sa ibang year na rin ang nauna sa kanila para suportahan ang mga competition na maagang nagsimula.
Hindi nagtagal at narating nila ang Richmond University. Kagaya ng Montecillo University, malaki, malawak, at sosyal rin ang Richmond. At halos lahat rin ng nag-aaral dito ay ubod ng yaman, o kung hindi naman ay puno ng talento.
Sa harap ng university theater tumigil ang bus na sinasakyan ni Thiago, at isa-isa silang pinababa. Doon kasi gaganapin ang mga competitions. At pagdating nila doon ay kasalukuyan ng nagaganap ang piano competition.
"Oh my god! Isn't that Thiago Villaruz?!" sigaw ng isang babaeng estudyante na may suot na ID ng Richmond university.
"Seriously? The music prodigy na nag-trending last time?" segunda naman ng kasama nitong lalaki.
"OMG! Is he here to judge the piano competition?" sunod naman ng isa pa.
Nagulat ang mga kaklase ni Thiago sa naging reaksyon ng mga taga-roon. Pero mas nagulat si Thiago. Lalo na nang magsilapitan ang iba pang mga estudyante mula sa iba't-ibang universities para makita siya. Parang mga bubuyog ang mga ito na naipon sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)
Romance"He is already at the rock bottom. He has lost faith and motivation. He is already feed up with life. But when he was about to give up, she came to rescue him from all of his pain and suffering." (Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous youn...