Chapter XXXVIII

76 18 10
                                    

Matapos ang eksena sa disciplinary office ay kaagad na umuwi si Thiago. At magmula nang dumating siya mansyon, ay hindi na siya lumabas pa ng kwarto niya. Pinatay niya ang cellphone niya at itinataboy niya lahat ng bumibisita sa kanya. Sinisigawan niya lahat ng kumakatok sa kwarto niya. Kahit pa si Paisley.

Nang dahil sa kinasangkutang gusot ay naka-hold ang clearance ni Thiago para sa 1st semester.. At maaalis lamang iyon kung magku-community service ng 150 na oras hanggang sa sunod sa pasukan. Iyon ang parusang ipinataw sa kanya ng Disciplinary Office. Kung tutuusin ay mas mabuti na iyon kaysa mapatalsik siya ng university. Pero ang hindi maganda ay si Vince mismo ang nakaalam nito. Ang tiyuhin niya kasi ang nakalistang guardian sa kanyang profile.

At alam ni Thiago na hinding-hindi sasayangin ni Vince ang pagkakataong ito para ma-disqualify na siya bilang tagapagmana. Lalo pa ngayon na malinaw na sa kanya ng plano nito. Alam na rin niya na dahil sa ginawa ay malaki na ang tyansa na hindi niya maabot ang mga kondisyon para mamana ang recording company. Na lahat ng pinaghirapan ng mga magulang niya, ng kapatid niya, at niya mismo ay mauuwi lang sa wala.

Dahil doon ay unti-unting kinain si Thiago ng pagkadismaya sa sarili at pag-aalala. At ang liwanag sa buhay niya na unti-unti na niyang nakikita, ay unti-unti na muling nagdidilim at nawawala.

Dalawang araw pa ang lumipas. Mataas na ang araw ngunit nababalot pa rin ng kadiliman ang kwarto ni Thiago. Gising siya ngunit hindi ang diwa niya. At sa isipan niya ay paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili niya sa lahat ng nangyayaring kamalasan sa pamilya at buhay niya. At hindi siya pinatulog ng lahat ng iyon. Hindi siya kumain, ni hindi rin siya umiinom ng tubig. Pakiramdam niya ay manhid na siya at ang tanging nararamdaman niya ay ang galit sa kanyang sarili.

Papikit na sana si Thiago para pilitin ang sarili na makatulog nang biglang makarinig siya ng malakas na katok mula sa labas ng kwarto niya. At sinundan iyon ng malakas na boses ng kuya niya.

"Umalis ka rito!" sigaw ni Rafael na nasundan ng malakas na kalabog. Napaupo si Thiago sa kanyang kama at napatingin sa pintuan ng kanyang kwarto. "You don't need to talk to him!"

"I'm here for the sake of the company at siyempre concern din naman ako sa kanya," Napatayo si Thiago nang marinig ang lalaking sumagot sa kuya niya. Sigurado siyang si Vince iyon.

Bubuksan na sana niya ang pintuan nang marinig muli ang tinig ng kanyang kapatid.

"Please leave my brother alone for now!" muling bulyaw ni Rafael. "Let him rest."

"Rest?" sagot naman ni Vince na sinundan nito ng pagtawa. "Bakit siya napagod? Pagod sa kakagawa ng kalokohan at kalandian sa university? Alam mo Raf, huwag mo ng ipagtanggol 'yang kapatid mo. Dahil ang totoo ay wala naman talaga siyang ginawang mabuti para sa pamilya ninyo. Para sa kompanya. Para sa ating lahat."

"Please Uncle tumigil ka na..." madiing sabi ni Rafael sabay harang sa pintuan ni Thiago.

"Alright... alright... Aalis na ako," nakangising sabi ni Vince habang nakataas ang dalawang kamay. "But I just want to remind you, Raf. It's him. He is the reason why everything became like this. He is the reason why your mom and dad aren't here anymore. At iyong talaga ang puno't dulo ng lahat ng ito. Aminin mo na. He is a failure and na wala ng gagawing tama ang isang iyan. If I were you, I'd just bring him to the states."

Parang may kung anong bumara sa dibdib ni Thiago nang marinig ang sinabing iyon ng tiyuhin. Nanginig ang kamay niyang nakahawak pa rin door knob hanggang sa biglang nanghina ang mga tuhod niya at napaluhod siya sa sahig. Narinig niya si Rafael na nakipagtalo pa sa tiyuhin nila, pero hindi na niya maintindihan ang sinasabi nito. Tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata habang malinaw na bumalik sa isipan niya ang trahedyang kumitil sa buhay ng mga magulang niya.

Tinakpan ni Thiago ang mga tainga niya. Pero malinaw pa rin niyang naririnig sa isipan niya ang salpukan ng mga sasakyan, ang pagkiskis ng mga gulong sa kalsada, at ang sigaw ng mga tao. Hanggang sa makita niyang muli ang walang buhay na katawan ng kanyang mga magulang.

Sa paningin ni Thiago ay biglang dumilim ang kanyang paligid. At ilang sandali pa ay narinig niya ang tinig ng kanyang mga magulang. Idinilat niya ang kanyang mga mata, at nakita niya ang mga ito. Galit na galit, pero hindi niya marinig ang mga salita na sinasabi ng mga ito.

Gusto niyang sumigaw, pero wala na siyang lakas para gawin iyon. Hanggang sa unti-unting dumilim ang paningin niya at tuluyan ng nanghina ang kanyang buong katawan. Hanggang sa bumagsak siya sa sahig.

"Mom... dad... I- I'm really sorry...," mahinang sabi ni Thiago habang umiiyak. Pinipilit niyang itayo ang sarili pero hindi na niya iyon magawa. "I'm really sorry," huling sabi ni Thiago bago siya tuluyang mawalan ng malay. 

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon