Chapter XXI

83 18 7
                                    

Sumapit ang araw ng Lunes. Maagang bumalik si Thiago sa university at agad siyang nagtungo sa faculty room para kausapin si Ms. Mendoza at makiusap rito na pagbigyan pa siyang makapag-perform. Medyo alangan pa ang propesora noong una dahil mayroon ng ibang gawain na nakahanda para sa araw na iyon. Isa pa, naisip ng propesora na maaaring unfair ito para sa mga kaklase ni Thiago.

Pero mapagpakumbabang nakiusap si Thiago sa guro. At iyon ang unang beses na nakita ni Ms. Mendoza na ganoon kapursigido ang binata, kaya naman pinagbigyan niya ito, ngunit sa isang kondisyon. Iyon ay sa harap din ng mga kaklase niya siya magpe-perform at na hindi na siya kailanman muli tatakbo o aalis sa klase.

Hindi naman na humindi pa si Thiago. At lubos siyang nagpasalamat para sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng propesora.

Dahil iyon ang unang klase nila ay dumeretso na si Thiago sa recital room at inihanda niya ang piano na gagamitin. Mula doon ay napatingin siya pwesto ng mga manunuod at biglang bumalik sa ala-ala niya ang mga araw na nakikipag-kompetensya sa ibang bansa. Naririnig niya sa isipan niya ang palakpakan at naaaninag niya ang masasayang mukha ng mga napasaya niyang manunuod. Hanggang sa muli niyang nakita sa isipan ang imahe ng mga magulang.

Napahinga ng malalim si Thiago habang pilit na kinokontrol ang emosyon. Ang palakpakan sa isipan niya ay nawala na, at napalitan iyon ng busina ng mga sasakyan. Napaupo si Thiago sa upuang nasa harapan ng piano. Patakip na sana siya ng tainga nang marinig niya ang isang tinig na tinatawag siya.

"Thiago!"

Tinignan ni Thiago kung saan nanggaling ang pamilyar at masiglang tinig at mula sa pintuan ay nakita niya si Paisley. Nakangiti ito at kitang-kita sa mga mata nito ang pananabik. Hindi maipaliwanag ni Thiago pero nang makita niya ang dalaga ay tila gumaan ang nararamdaman niya. Nawala ang lungkot at bumalik sa normal ang nakikita at naririnig niya.

"Galingan mo! Dito lang ako manunuod, okay?" masayang sabi ni Paisley sabay upo sa pangalawang helera ng mga upuan.

Hindi naman sinagot ni Thiago ang sinabing iyon ni Paisley. Sa halip itinango lang niya ang ulo niya at pagkatapos ay nagsimula na siya sa mag-stretching ng mga daliri. At ilang sandali pa ay isa-isa nang dumating ang mga kaklase niya na humanap kaagad ng kanilang mauupuan. Pagkatapos ay dumating na si Ms. Mendoza at dumertso sa maliit na entablado.

"Class, I want this to be fair with you as well," pasimula ni Ms. Mendoza sa harapan ng klase. "I am allowing Mr. Villaruz to perform for his grade. But again, I want to know if you have any objections with this?"

Napuno ng bulungan ang bulawagan. At bago pa makapagsalita ang mga kaklase niya, ay tumayo si Thiago at tumabi sa propesora. Natawag naman noon ang atensyon ng lahat.

"I'm sorry if I am being like this. I know this is unfair. But believe me, I really need this performance. I need to have a better grade. So, please let me have this performance," sabi ni Thiago.

Natulala ang lahat nang marinig ang sinabi niya at maging si Paisley ay nabigla. Ni minsan, hindi nila inakalang hihingi ng paumanhin ang mayabang at snob na binata sa kanila.

Muling napuno ng bulungan ang bulwagan at ang ilan ay napatingin pa nga kay Paisley. At matapos ang ilang sandali ay tumayo ang class president nila.

"I don't have any problems with that, as long as you can promise that you'll impress us. We'll decide after you perform. Alam mo naman siguro ang competition sa field na ito, hindi ba?" sabi ng class president.

"They actually disagreed with the idea of me giving you a chance, Thiago," sabi ni Ms. Mendoza. "Some of them think it's really unfair. Pero nakiusap si Paisley sa kanila. She told them what you're going through, and asked them for this chance. Eventually, nagbago ang isip nila, but with those conditions. I did this para ikaw mismo ang makarinig mula sa kanila."

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon