Chapter XV

95 19 9
                                    

Hindi mailarawan ni Thiago sa salita ang sakit na nararamdaman sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan. Halos hindi niya maibangon ang sarili mula sa kama at bawat kilos niya ay talagang napapaaray siya. Hindi naman kasi talaga siya sanay sa away o kahit anong pisikal na gawain. Kaya kapag napapasubo siya sa mga mabibigat na gawain ay madaling sumasakit ang katawan niya.

Pinilit niyang tumayo. Pagkatapos ay hinawi niya ang kurtina ng bintana. Ngunit agad na pumungay ang mga mata niya nang salubungin siya ng mataas na sikat ng araw. Nasilaw siya noon at kaagad niyang isinara muli ang kurtina, at tila natauhan siya nang maisip na tinanghali na siya ng gising.

Kahit masakit ang katawan ay dali-dali niyang kinuha ang cellphone sa ibabaw study table. At laking dismaya niya nang makita ang oras. Limang minuto na lang kasi bago mag-alas dose ng tanghali at tatlong klase na ang hindi niya napasukan. Mayroon din siyang mga natanggap na mga mensahe mula kay Paisley. Hinahanap siya nito, at tadtad din siya ng missed calls mula sa dalaga.

"Damn it! Baka mayari na naman ako nito," sabi ni Thiago ng may inis at may halong pag-aalala. "Ah, Whatever! Gagawa na lang ako ng palusot."

Mabilis na nagtungo si Thiago sa banyo para ayusin ang sarili. Ngunit laking gulat niya at inis nang makita ang isang malaking pasa sa kanyang kaliwang pisngi. Hindi naman iyon ganoon kaitim, pero halatang-halata pa rin. At hindi siya maaaring magpakita sa mga professors ng may ganoon. Siguradong malilintikan na naman siya kung malalaman ng mga ito na napaaway siya uli.

Napakamot na lang ng ulo si Thiago at padabog na naghilamos. Pagkatapos ay uminom siya ng pampakalma at muling bumalik sa kanyang kama. Nag-isip siya ng maaaring idahilan kapag natanong siya tungkol sa pasa niya sa mukha. Marami siyang naisip, pero hindi rin siya sanay na magsinungaling at talagang nag-aalala siya na malaman ng mga professors ang kinasangkutan niyang gulo kagabi. Kaya naman napagpasyahan na lang niyang lumiban na lang din sa mga natitira pang mga klase.

Pero mayroon pang isang problema. Kumakalam na ang sikmura niya. Ngunit malapit ng magtanghalian at siguradong makikita siya ng mga kaklase at professors niya kapag pumunta siya sa cafeteria. Kaya naman naghalungkat na lang si Thiago ng maaring makain sa kanyang kwarto. Hanggang sa maalala niya ang burger na iniabot sa kanya ng misteryosong binata kagabi. Iniwan niya iyon ibabaw ng upuan bago siya matulog.

"Heaven's burger? I've never heard of this," sabi ni Thiago habang nakatingin sa plastic bag. Pagkatapos ay binuksan niya ito. "Hmmm, this looks cheap and smells cheap as well. What the heck..." komento niya nang makita na ang aktwal na burger.

Pero dahil gutom na ay kinagat na niya ang burger. At laking gulat niya nang malasahan ito. "Damn! This burger... How in the world..." patuloy ni Thiago. Pagkatapos ay muli siyang kumagat hanggang sa hindi na niya namalayan na naubos na pala niya ang burger.

Napatitig si Thiago sa balot ng burger. Napaisip siyang muli kung sino ba talaga ang binatang nag-abot noon sa kanya at bakit sila tinulungan nito.. Hindi lang kasi siya iniligtas nito kagabi, iniligtas rin siya nito mula sa gutom ngayon. Kailangan niyang mapasalamatan ang lalaking iyon kahit anong mangyari at kailangan din niyang malaman kung saan nabili ang heaven's burger na iyon.

Pero hindi muna ngayon, lalo na at ayaw pa niyang lumabas.

Dahil hindi pumasok ay pinalipas na lang in Thiago ang oras sa pag-aaral ng mga lessons na nalaktawan niya. Papalapit na rin kasi ang exams niya sa ilang subjects at kailangan niyang maghanda. Paminsan-minsan ay bumabalik sa isipan niya ang away na kinasangkutan kagabi. Naisip niyang baka kailangan din niyang mas pasalamatan pa si Thunder. At mas maging maingat sa paglabas-labas.

Habang nagbabasa ay hindi na napansin ni Thiago na halos palubog na ang araw, at maya-maya ay nakarinig siya ng pagkatok sa kanyang pintuan.

Tumayo siya at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Sumilip muna siya sa maliit na awang na ginawa para tignan kung sino ang bisita. Baka kasi isa mga professors ang kumakatok. Ngunit mali ang akala niya dahil ang bumungad sa kanya ay si Paisley.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon