Halos hindi nag-usap sila Paisley at Thiago sa biyahe. Nasa magkabilang dulo sila ng upuan sa likuran ng sasakyan at parang may nakaharang na kung ano sa gitna nila. Hindi alam ni Thiago kung paano magsisimula ng usapan. Si Paisley naman ay biglang nakaramdam ng hiya lalo ng dahil sa sinabi ng binata nang makita siya nito kanina. Hindi rin kasi siya makapaniwala na kasama niya ngayon si Thiago sa iisang sasakyan.
Nagkatinginan ang dalawa, nagtagpo ang mga mata nila pero kaagad din silang tumingin sa labas ng sasakyan. Si Mang Jerry naman ay panay ang ngiti habang tinitignan ang dalawa sa rearview mirror.
"Sir Thiago, nandito na tayo," sabi ni Mang Jerry.
Sumilip muna si Thiago sa bintana at pagkatapos ay lumabas siya ng sasakyan. Mabilis siyang pumunta sa kabila at binuksan ang pintuan para kay Paisley. Si Mang Jerry sana ang gagawa noon, mabilis lang naka-sensyas si Thiago na siya na.
"Thiagobels, what is this place?" tanong ni Paisley habang bumababa mula sa sasakyan. Kanina pa niya pinagmamasdan ang harap ng lugar at talagang nakamamangha ang ganda nito. Ang magkabilang pader ng gusali na nasa harapan nila ay gawa sa isang malaki at malapad na wall fountain na may kulay asul at pulang ilaw.
"This was once my favorite place," sagot ni Thiago.
"But why did you bring me here? I mean, this is a very expensive restaurant and sa mga vlogs ko lang nakikita ang lugar na ito," patuloy ni Paisley habang inililibot pa rin ang paningin sa paligid.
Ngumiti si Thiago at tinignan si Paisley. "This is my way of saying thank you but if you don't want to be here, then we go to another..."
"No. I like it here," sabat ni Paisely sabay ngiti. "If this is from the bottom of your heart, then I'll gladly enjoy this night."
Napatulala si Thiago kay Paisley at natuon ang tingin niya sa maamo nitong mga mata. Pero nang mahalata ang sarili, ay kaagad niyang ibinaling ang tingin sa pintuan ng restaurant.
"Shall we go?" tanong ni Thiago."Yes, we should go," sagot naman ni Paisley sabay sukbit ng kanyang kamay sa braso ni Thiago. Napatingin si Thiago sa kamay ng dalaga. Hindi niya magawang tignan ang mukha nito. Lumakas ang tibok ng puso niya at napalunok pa ng laway. Pero hindi niya iyon ipinahalata at naglakad na sila papasok ng mamahaling kainan.
Maliwanag ang loob ng restaurant. Bawat lamesa ay may nakatapat na crystal chandelier na nagmimistulang mga diyamanteng kumikinang. Simple ngunit elagante ang mga lamesa na napapatungan ng golden table cloth. Nakapatong rin sa mga lamesang iyon ang mamahaling mga kubyertos at pinggan. Sa isang pader ay may mga nakasabit na mga larawan ng mga sikat at mga prestihiyosong mga taong nakapunta na doon. At naroon din ang larawan ng pamilya ni Thiago.
Napansin ni Thiago na napayuko si Paisley habang dahan-dahan nitong inililibot ang mga mata. Napahigpit din bigla ang hawak ng dalaga sa kanya. Walang masyadong tao noong oras na iyon, pero napatingin sa kanila ang mga naroon. Hindi kay Thiago, kung hindi kay Paisley.
"Don't worry. We'll be out in a moment," sabi ni Thiago sabay tapik sa kamay ng dalaga na nakakapit sa kanya. Agad namang namula ang mukha ni Paisley sa ka-sweetan na ipinapakita ni Thiago.
"Mr. Villaruz?" tanong ng isang lalaking naka-itim na tuxedo kay Thiago. Sa kanang kamay nito ay nakasabit ang isang napakaputing tela.
"Yes."
"Welcome, sir. Please follow me."
Naglakad ang lalaki papunta sa pintuan sa likuran ng restaurant. Sumunod naman kaagad sila Thiago at Paisley. At mas namangha ang dalaga nang makalabas ng pintuan.
Isang malaking hardin ang naroon. At kahit na gabi na ay maaaninag ang naggagandahang mga bulaklak na may iba't-ibang mga kulay. Namilog at nagninging ang mga mata ni Paisley habang patuloy silang naglalakad ni Thiago. Hindi siya makapaniwala na may ganoong klase ng lugar.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)
Romance"He is already at the rock bottom. He has lost faith and motivation. He is already feed up with life. But when he was about to give up, she came to rescue him from all of his pain and suffering." (Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous youn...