Nag tila isang bangungot ang photoshoot para kay Thiago. Pero hindi lang naman sa kanya, pati na rin sa staff ng Areum Gazette na naka-assign sa kanya. Hindi naman kasi sanay si Thiago na kinukuhaan ng larawan. Lalo na at kailangan pa niyang mag-pose sa harap ng kamera.
"Isn't that enough?" kunot noong tanong ni Thiago habang hinuhubad ang isang brown na casual jacket.
"Uhm, just a few more shots?" nahihiyang sabi ng lalaking photographer. "Iilan pa lang kasi ang maayos."
Napabuntong hininga si Thiago at napatingin ng masama sa lalaki. Hindi naman na nakapagsalita ang isa at napayuko na lang sa hawak na kamera. Pero wala namang magawa si Thiago, dahil pumayag din naman siya sa ideya ng photoshoot na ito.
"Sige na," inis na sabi ni Thiago. "Let's do it again."
Magpo-pose na sana uli si Thiago nang may narinig niya ang pangalan niya.
"Oh! Mr. Villaruz!" Napalingon si Thiago sa pinanggalingan ng boses. "Hello. I am Trace. The official photographer of the Areum Gazette. Salamat pala sa time and effort."
Hindi sumagot si Thiago at tinignan lang ang bagong dating na lalaki. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang binata at wala siyang ideya kung sino talaga ito. May katangkaran ito, at mahitsura kung titignan.
"Ah, is something wrong?" tanong ni Trace nang hindi kumibo si Thiago sabay tingin sa photographer ng binata.
"Uhm, I just need to take a few more shots. But I think Mr. Villaruz is..."
Kinuha ni Trace ang camera sa lalaki at tinignan niya ang mga larawang nakuha nito. At pagkatapos ay tumingin siya kay Thiago mula ulo hanggang paa, kaliwa at kanan.
"These pictures are great. Fierce, and the poses are good. Are you a model by any chance?" sabi ni Trace.
Tumayo ng maayos si Thiago at hinarap si Trace. Binigyan rin niya ito ng isang nakakatakot na tingin. "Are you mocking me?"
"No.. no... I mean. Look at these." Tumabi si Trace kay Thiago at ipinakita rito ang mga larawan niya. Parang hindi ito natinag sa ginawa ni Thiago. "See. Ang gaganda ng shots. It's like you're a pro model. See this? You look so great in here. Hindi na kailangan ng edit. Background change lang okay na."
Muling tinignan ni Thiago si Trace bago ituon ang pansin sa mga larawan. At kahit na wala naman siyang alam sa modeling o photography ay masasabi niyang totoo ang sinabi ni Trace. Hindi rin siya makapaniwala na siya ang nasa mga larawang iyon. At para bang na-boost ng mga larawan na iyon ang confidence niya kahit papaano.
"Alright, so that means I can go right?" biglang tanong ni Thiago. Nagkatinginan naman ang dalawang staff ng school newspaper.
"Yes, you can. Thank you again for your time. We'll make sure that you'll be one of those who'll get the first copies of the magazine," nakangiting sabi ni Trace.
Isang malamig na tingin lang ang isinagot doon ni Thiago. Pagkatapos ay isinukbit na niya ang jacket sa kanyang balikat at walang kibong umalis. Nakita niya ang ilang pamilyar na mga mukha kagaya ni Ariston at Deyanne. Naroon din si Perry. Ngunit hindi na niya nilapitan pa ang mga ito. Abala na kasi ang mga ito sa pakikipag-usap at halatang mas close na ang mga ito sa isa't-isa. Hindi kagaya niya na ngayon lang nila nakilala. Kaya naman nagpatuloy na lang siya sa paglalakad.
Tuluyan ng lumubog ang araw paglabas ni Thiago at naalala niya ang usapan nila ni Paisley. Tatawagan na sana niya ang dalaga nang mabasa niya ang ipinadala nitong mensahe. Medyo mahuhuli raw ito ng labas dahil nagkaproblema ang sound system kung saan ito nag-eensayo.
Napabuntong hininga na lang si Thiago, at nagsimulang maglakad papunta sa dorm. Balak sana muna niyang magpahinga. Nang biglang pumasok sa isipan niya ang eksena nila ni Paisley kanina sa amphitheater. Napatingin siya sa kanyang mga kamay habang inaalala ang pakiramdam na hawak niya ang mga kamay ng dalaga. At bigla na lang siyang napangiti nang maalala ang nakangiting mukha nito noong nahihirapan siyang magsimula sa stage.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)
Romantizm"He is already at the rock bottom. He has lost faith and motivation. He is already feed up with life. But when he was about to give up, she came to rescue him from all of his pain and suffering." (Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous youn...