Iyon ang unang beses na nakaramdam si Thiago ng ganoon. Oo, nagagalit siya at naiirita sa mga simpleng bagay, pero hindi pa niya nararanasan ang kakaibang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya maipaliwanag kung naiinis ba siya, galit o nahihiya sa dalagang nasa harapan niya. Lalo na nang mas inilapit ni Paisley ang mukha nito sa kanya.
"Hey! What are you doing?" inis na tanong ni Thiago sabay urong papalayo sa dalaga. Pinilit niyang ituwid ang kanyang dila, dahil pakiramdam niya ang mauutal pa siya.
"Nothing, I just want to see your face as close as I can," nakangiting sagot ni Paisley sa binata na halos kulay hinog na kamatis na ang mukha. "Ang gwapo mo pala talaga," dugtong nito sabay tawa ng mahina.
"What the hell? Can you please s-stop?"
"Hm? I'm sorry but I can't help myself. I told you, I'm an admirer of yours, " tugon ni Paisley na hindi pa rin nawawala ang ngiti bago tumalikod at naglakad papalayo habang nasa likuran ang mga kamay. At pag-ikot ng dalaga ay nasamyo ni Thiago ang napakabangong amoy ng buhok nito. At lalong, bumilis ang tibok ng puso niya.
Pinagmasdan ni Thiago ang dalaga habang papalayo ito sa kanya. Iniisip niya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Naiirita siya sa mga tingin at kilos nito. Pwede na lang sana niyang sigawan ang dalaga para tumigil na ito, pero ayaw na niyang dagdagan pa ang problema. Siguradong malalagot siya sa dean sa Disciplinary Office kapag gumawa na naman siya ng eksena. At isa pa, parang hindi na niya iyon kayang gawin.
"Ano? Tititigan mo na lang ba ako?" Biglang humarap si Paisley at ikinagulat iyon ni Thiago. Kaagad na ibinaling ni Thiago ang tingin sa malayo. "You think I'm beautiful and amazing, don't you?"
Natigilan si Thiago, ngunit nagawa naman niyang makasagot kaagad. "In your dreams!"
"Okay. Nevermind," tugon ni Paisley. "But you have to tour me here, right? So, are you going to do it or I'm going to tell the dean that you are not doing your punishment?"
Napailing at nagngalit ang mga ngipin ni Thiago sa narinig. Hindi niya akalaing makakarinig siya ng ganoong klase ng pananakot sa isang taong ngayon lang naman niya nakita at nakausap. Hindi rin kasi bagay sa hitsura nito ang ganoong klase ng pagbabanta.
"What the hell is this girl?" bulong ni Thiago sa sarili habang nakatuon ang mga mata kay Paisley. "She has the smile of an angel, but she is as sly as a fox. And as of now, she knows how to control me. Damn it!!"
"May sinasabi ka?"
"Nothing," agad at malamig na sagot ni Thiago matapos magbuntong hininga. "Sige, para matapos na 'to.. Let's go. Follow me."
"Yun! Yehey!"
"But please, dumistansya ka sa akin. At itigil mo 'yang bibig mo. Ayaw ko ng maingay."
"Copy! Mr. Tour Guide!"
Nasa top floor na sila Thiago kaya napagpasyahan niyang dito na simulan ang pag-tour kay Paisley. At dahil nanggaling na sila sa mismong dean's office ay dinala na ni Thiago si Paisley sa Music Studio at Auditorium. Dalawa sa mga lugar sa university na ayaw puntahan ni Thiago. Lalo na ang Auditorium. Marami kasi siyang naalala tuwing nakakakita siya ng lugar na kagaya ng mga lugar kung saan siya tumutugtog noon.
"Wow!" bulalas ni Paisley na agad binuksan ang pintuan matapos sumilip sa mula sa siwang nito. At pagkatapos ay pumasok ito sa loob. Pipigilan pa sana ni Thiago ang dalaga, ngunit wala na siyang nagawa. Kaya naman kahit ayaw niya ay napilitan na rin siyang pumasok sa loob. Hindi rin naman kasi niya pwedeng iwanan si Paisley mag-isa..
Biglang nakaramdam ng lungkot si Thiago nang makita ang kabuuan ng auditorium. Parang nakikita niya ang batang siya, habang tumutugtog ng piano sa gitna ng stage sa harapan ng napakaraming mga tao. At naroon din ang mga magulang niya na tuwang-tuwa sa kanya. Hanggang sa unti-unting dumilim ang paligid at narinig niya sa isipan niya ang pagkiskis ng mga gulong ng sasakyan sa kalsada at ang tunog ng nabasag na salamin.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)
Romantizm"He is already at the rock bottom. He has lost faith and motivation. He is already feed up with life. But when he was about to give up, she came to rescue him from all of his pain and suffering." (Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous youn...