Chapter XVIII

89 19 5
                                    

Hindi nakatulog si Thiago ng maayos. Lahat na ng gamot pampakalma na mayroon siya ay nainom niya, ngunit tila walang epekto ang mga iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang galit na hitsura ng ama at araw ng trahedya na biglang nagpabaliktad sa napakasaya sana niyang mundo. Ni hindi na niya alam kung anong oras tumalab ang pampatulog na ininom niya.

Napasapo ng mukha si Thiago bago bumangon mula sa pagkakahiga. Parang binibiyak sa sakit ang ulo niya, at tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Talo pa niya ang may hang-over sa sama ng kanyang nararamdaman. Dahan-dahang tumayo si Thiago mula sa kama at halos hinaliin niya ang mga paa papuntang banyo. Kaagad niyang binasa ang kanyang mukha at pagkatapos ay dumeretso siya sa ref sa loob ng kanyang kwarto para uminom ng malamig na tubig. Hindi naman talaga niya balak na umuwi sa kanila. Pero gusto niyang makapagpahinga at makapag-isip ng maayos.

Matapos ayusin ang sarili ay kumalam ang sikmura ni Thiago. Kaya naman bumaba na siya para mag-agahan. Ngunit laking gulat niya nang bumungad sa kanya sa kusina ang isang hindi inaasahang bisita.

"Thiago. Good morning."

"P-Paisley? How did you get in here?" gulat na tanong ni Thiago. Na hindi naman kaagad nasagot ng dalaga.

"I let her in." sambit ng isang babae na biglang sumulpot sa likuran ni Thiago, ang pinsan niyang si Phan. "Naabutan ko siyang pasilip-silip sa gate. Eh, saktong bumuhos ang ulan kaya pinapasok ko na siya."

"Ate Phan naman."

"What? Gusto mo pabayaan ko na lang siyang mabasa sa labas? Also, it's very rare for a woman nowadays to visit a man in his house. You should be grateful," nakangisi namang sagot ni Phan kay Thiago. "And besides, she's so damn pretty. O siya, aalis na ako at baka bumuhos uli ang ulan. Paisley, bahala ka na kay Thiago. Thiago don't be rude. Okay?"

Hindi naman na sumagot pa si Thiago at padabog na lang na umupo sa harap ng lamesa at pinanood ang pinsan na lumakad papalayo. Agad namang inihain ni Paisley ang mga pagkain na inihanda niya para sa binata.

"Look," may inis sa boses ni Thiago. "You don't have to do this. You can leave now."

"I'm so worried. Hindi ka nagrereply, hindi rin kita matawagan..."

"You should worry about yourself. Just leave me alone," agad naman na balik ni Thiago sabay tingin ng masama kay Paisley.

Hindi naman sumagot si Paisley at umupo lang sa harapan ni Thiago. Huminga ng malalim ang dalaga at pagkatapos ay tinignan niya si Thiago sa mga mata nito.

"What is bothering you so much? You can tell me. Makikinig ako," sabi ni Paisley.

"You won't understand. So, please. Just leave me alone," tugon naman ni Thiago sabay tayo at lakad papalayo. "I'll tell our driver to drive you to the university."

"No, hindi ako aalis hangga't hindi ko nalalaman kung bakit nagkakaganyan ka," matigas na pagtutol ng dalaga.

"Paisley!"

"Kahit magsisigaw ka! Kahit ipakaladkad mo ako sa mga pulis, hindi ako aalis dito."

Tumigil si Thiago. Napabuntong hininga at pagkatapos ay pilit niyang kinontrol ang kanyang paghinga. Tinignan niya si Paisley at ilang sandali pa ay linapitan niya ito.

"You want to hear the story? The story that puts me in pain every time I think about it?"

"Yes, Thiago," balik naman ni Paisley na humarap din kay Thiago. "So, you can share the pain with me."

Sandaling natigilan si Thiago. "Well then, listen carefully."

"No,"

"What?! I thought..." Halos makusot na ang mukha ni Thiago sa inis.

"I'll listen to you after you're done with your meal,"

Napapikit si Thiago at napahawak sa batok nang marinig ang sinabi ni Paisley. Hindi siya makapaniwala na nagagawa ito sa kanya ng dalaga.

"You haven't eaten since last night..."

"Paisley!" muling sigaw ni Thiago. Pero hindi noon natinag ang dalaga. Tinawag naman noon ang atensyon ng butler at ng ilang mga kasambahay sa mansyon. At ilang sandali pa ay natipon ang mga ito sa may kusina para sa kanilang amo.

"Is everything okay, Sir Thiago?" tanong ng butler.

Muling napabuntong hininga si Thiago "Yeah," sagot ni Thiago habang nakatingin ng matalim kay Paisley. "Just leave us alone. Mr. Diaz."

Hindi na sumagot pa ang butler at pagkatapos noon ay mabilis ding nagsialisan ang mga tauhan nila Thiago. At naiwan silang dalawa ni Paisley na magkaharap.

"Okay," sabi ni Thiago matapos muling magbuntong hininga. Pagkatapos ay umupo siyang muli sa harapan ng lamesa. "Listen carefully, Paisley. What you will hear right now, is something that haunts me for a very long time."

"I'm ready."

"Alright. This is the first time I'll do this. I don't know what you have that forces me to do this. And I hope that this will lighten up my burden," dugtong ni Thiago.

Matagal na siyang sinasabihan ng mga eksperto at mga doktor na baka kailangan niyang mag-open up sa ibang tao. Hindi niya iyon ginawa. At wala talaga siyang balak na gawin iyon. Pero iba ang naramdaman ni Thiago kay Paisley. Pakiramdam niya ay mapagkakatiwalaan niya ang dalaga at na makikinig ito sa kanya.

Natigilan si Paisley sa sinabi ni Thiago. Muli siyang umupo at pagkatapos noon, ay sinimulan na ni Thiago ang pagkukwento. 

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon