Inilabas ni Mr. Alejo ang isang laptop. Isang laptop na pamilyar sa lahat ng naroon. Ang laptop na ibinigay ni Ariston kay Lucas.
Nagkatinginan ang wasalak, at si Lucas naman ay napayuko na lang nang buksan ni Mr. Alejo ang laptop.
"Whose laptop is this?" tanong ni Mr. Alejo.
"Akin po," sagot naman ni Lucas.
"Why do you think we confiscated this laptop?" muling tanong ni Mr. Alejo. Pero wala ni isa sa mga naroon ang kumibo. "Mr. Villaruz? Any comments? Why do you think we called you here?" Pero hindi sumagot si Thiago, sa halip ay tumingin lang siya ng matalim kay Ariston.
"Okay. Matitigas talaga kayo," dismayadong sabi ni Mr. Alejo. "Xian. Tell us what you found out."
"A rumor was spreading about an online sabong happening inside the campus. So, we investigated. We were able to get the website, pero hindi namin mabuksan ang host account. So we tracked it, until it brought us to Lucas' room and that laptop."
"Thank you, Xian. Now, I want you to explain this, Mr. Almeda. Are you hosting a gambling site inside the campus?"
"Uhm...," halatang nabigla si Lucas sa tanong at hindi niya alam ang isasagot. Napatingin siya sa mga kaibigan niya na naroon at pagkatapos ay napahinga siya ng malalim. "Ye-Yes po. Pero bakit pati po sila ay nandito?"
"They were seen multiple times to be in your room," sagot ni Mr. Alejo. "We even received reports na pinalalabas mo pa ang mga roommates mo kapag naroon sila. So, most likely may kinalaman sila dito. Tama?"
"Uhm... Mr. Alejo..." Hindi alam alam ni Lucas ang isasagot sa mga tanong ni Mr. Alejo. Muli na naman siyang napatingin sa mga kaibigang naroon.
"At umiinom pa kayo ng alak," dugtong ni Mr. Alejo. "Gambling, and drinking alcohol. These are grave offenses. Ang lalakas ng loob ninyo. At alam naman ninyo siguro ang punishment para dito, right?"
Walang sumagot ni isa sa wasalak at yumuko lang silang lahat.
"Expulsion!" patuloy ni Mr. Alejo sabay hampas sa mesa. "You are defiling the name of this university, and the names of your family. Mr. Lucas Almeda, you'll be held responsible for all of this."
"Wait," biglang nagsalita si Ariston. "It's my idea," dugtong niya. At napangiwi ang lalaking katabi ni Mr. Alejo. "The e-sabong is my idea. Lucas was having a hard time financially, at ito ang naisip kong paraan para tulungan siya. And please reconsider the punishment. That online sabong, it's manipulated."
"Manipulated?" tanong ni Mr. Alejo. "Please explain."
"It looks like e-sabong but not. Kami-kami lang ang nagpapasok ng pera d'yan. Wala ng iba. Walang sugal. It's like... and indirect financial assistance to Lucas," paliwanag ni Ariston sabay tingin kay Lucas.
"Ano? Lahat ng ito, peke?" biglang tanong ni Lucas. "Indirect financial assistance?" Bakas ang inis sa kanyang boses at nanlaking mga mata.
"Seriously?" reaksyon naman ni Perry. "Kaya naman pala hindi kami manalo."
Nagulat din ang halos lahat ng naroon maliban kina Thiago, Thunder at Patrick.
"I'm sorry..." sabi ni Ariston sabay tingin kay Lucas.
Napahawak si Mr. Alejo sa magkabilang sentido at napahilamos siya ng mukha sa konsumisyong ibinibigay ng mga nasa harapan niya ngayon.
"Alright," sabi niya sabay buntong hininga. "I'll look more on this case. We'll investigate more about the website. But drinking alcohol inside the campus is another violation for all of you," sandaling napatigil si Mr. Alejo at muling napabuntong hininga. "Okay. I'll discuss this with your parents or guardians. Tell them to be here tomorrow at exactly 10 a.m. We'll send them a message as well. Kung hindi sila magpapakita rito bukas, you already know what's going to happen."
Napasimangot silang lahat at kitang-kita ang dismaya at inis sa kanilang mga mukha.
"You may all go now pero sinasabi ko sa inyo. Hinding-hindi ko palalagpasin ang mga kalokohan ninyong ito," sabi ni Mr. Alejo sabay tingin kay Eli bago tumayo para lumabas ng kwarto.
Sunod na tumayo ang lalaking katabi ni Mr. Alejo. Kita rin ang pagkadismaya nito lalo na noong humarap kay Ariston. "Mag-uusap tayo sa bahay," sabi nito sabay labas ng kwarto.
Pagkatapos noon ay lumabas na rin si Xian, at tanging ang wasalak na lang ang naiwan doon. Walang umiimik, at lahat kunot ang mga noo, at salubong ang mga kilay.
Ilang sandali pa ay tumayo na si Thiago at lumabas ng DO. Hindi siya lumingon. Wala siyang sinabing kahit ano. Basta lumabas lang siya ng kwarto. Ni hindi na niya napansin na sumunod pala ang lahat sa kanya hanggang sa medyo madilim na bahagi, sa gilid ng university theater.
Tumigil si Thiago nang makarinig siya ng mga yabag mula sa likuran niya.
"Sandali, Thiago. Mag-usap tayo," sigaw ni Thunder. "Maayos pa natin 'to. Dinala ko na nga sila dito sa'yo, oh."
"Please leave me alone," malamig na sagot ni Thiago.
"I'm sorry, guys. I'm really sorry," sabat naman ni Ariston.
"Sorry? Eh, niloko ninyo ako? Siguro habang tumataya kayo kunwari sa e-sabong ko, pinagtatawanan ninyo ang pagiging mahirap ko," sabi naman ni Lucas na nagpalisik sa mga mata ni Thiago.
Humarap si Thiago kay Lucas. "Ikaw na nga itong tinulungan namin. Ikaw pa itong galit? Ang kapal naman ng mukha mo!"
"Anong sabi mo?!" Mabilis na nagpakawala ng isang kanang suntok si Lucas. Sapul sana si Thiago, mabuti na lang at mabilis na nakaharang si Ariston sa gitna nila at agad na nahila ni Thunder si Lucas.
"Do you know what helping you cost us?" tanong ni Thiago sabay hawi kay Ariston at harap kay Lucas. "I might lose everything because of this. Tapos ang inaalala mo lang ay 'yang ego mo? You should just thank us, Lucas! Dahil kung hindi kami sumugal, kung wala kaming ginawa, wala ka na sana rito."
"Thiago, tama na," awat ni Thunder.
"Isa ka pa!" singhal ni Thiago sabay hawi sa kamay ni Thunder. "You and Ariston, I told you this might happen. Pero anong ginawa ninyo?! Palibhasa, walang problema ang isang 'to," bumaling siya kay Ariston. "At ikaw, you're a lost soul since the beginning, a damned one!" balik naman niya kay Thunder.
"Thiago, please stop," muling pakiusap ni Thunder na nanlaki na rin ang mga mata.
"Why? I'm just stating the truth! Na ako lang ang apektado ng problemang ito!"
"Tumigil ka na!" malakas na sigaw ni Thunder sabay haltak sa kwelyo ni Thiago. Napa-angat si Thiago. "Tumingin ka sa paligid mo! Mukha ba kaming masaya?! Lahat kami apektado nito. Lahat tayo, nagkamali rito. So stop blaming people!"
"Let go of me," mahinang sabi ni Thiago matapos tignan ang mga kasama.
"Bakit? Pag binitawan ba kita, titigil ka na?"
"Let go of me!" itinulak ng malakas ni Thiago si Thunder.
Bumwelo na si Thiago para makasipa ng malakas. Si Thunder naman ay handa na ring umatake. Mabuti na lang at nahila ni Chase at Patrick si Thiago, at nakaharang naman si Perry kay Thunder.
"Stop! All of you!" sigaw ni Perry. "Kung ayaw ninyong bumalik tayong lahat sa DO at mapatalsik ngayong gabi!"
Inalis ni Thiago ang sarili sa pagkakahawak nila Chase at Patrick. At pagkatapos ay inayos niya ang kanyang damit at tindig. Tinignan niya ang mga naroon isa-isa at pagkatapos ay tumalikod na siya sa mga ito.
"Don't you ever try to show your faces to me... again," sabi ni Thiago bago tuluyang maglakad papunta sa dorm.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)
Romance"He is already at the rock bottom. He has lost faith and motivation. He is already feed up with life. But when he was about to give up, she came to rescue him from all of his pain and suffering." (Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous youn...