Chapter VII

111 20 12
                                    

Halos magsisimula na ang klase nang dumating si Thiago sa classroom. At kitang-kita sa kanyang mga mata na nangingitim na ang ilalim ang labis na pagod at puyat. Kaagad siyang dumeretso sa kanyang pwesto, ngunit bago pa siya makaupo ay dumating naman si Ms. Mendoza para simulan ang kanilang klase. Kaya naman kinailangan pa niyang manatiling nakatayo sandali para baitiin ang propesora. Baka maging isyu na naman kasi kung hindi siya babati rito. At isa pa, ayaw niya ng sermon sa umaga. Pagkatapos ay kaagad siyang umupo at tumungo sa kanyang lamesa para umidlip.

Papalalim na sana ang tulog niya nang marinig niya ang dalawang kaklaseng nasa harapan niya na nag-uusap. Nairita siya sa dalawa na tila mga bubuyog na nagbubulungan. Sasawayin sana niya ang mga ito nang marinig niya ang pangalan ni Paisley. Kaagad siyang bumaling sa upuan sa tabi niya at wala nga doon ang makulit na dalaga. Wala rin ang gamit nito doon at mukhang hindi ito pumasok.

"Alam mo sayang si Paisley. Balak pala sana siyang ilagay sa choral at individual voice contest ngayong taon, ang kaso mukhang magshi-shift na daw uli," sabi ng isa sa mga kaklaseng babae ni Thiago na nakaupo sa harapan niya.

Nakuha nito ang atensyon ni Thiago. Ngunit nanatili lang siya sa pagkakayuko at hindi ipinahahalatang nakikinig.

"Ha? Talaga? Paano mo nalaman? At bakit?" sunod-sunod na tanong naman ng katabi nito na pabulong lang kung magsalita.

"Narinig ko kanina sila Mr. Calderon at Dean Jang na nag-uusap. Disappointed nga sila, eh. Biglaan daw ang desisyon ni Paisley. But I don't know the reason why."

"Aw! sobrang ganda pa naman talaga ng boses niya. Nung first day, na nagkausap-usap tayo, in-add ko agad siya sa social media and I was really mesmerized by her voice in her videos."

"True, she is really talented. In fact, sa pagkakaalam ko she's been scouted by several agencies already."

"Wow!" pabulong na sigaw ng isa. "Sana all na lang talaga."

"Pero bakit pa niya kailangang mag-shift? She even told us how hard it was for her to convince her dad. And she seems so excited to be here naman. Nakakalungkot talaga."

"Hm... Maybe it's because of her father again? Alam mo naman ang mga parents ngayon. Sana pala kinausap ko na siya kagabi nung nakasalubong ko siya sa dorm. Ang kaso kasi tumatakbo siya no'n at umiiyak. Nahiya ako na i-approach siya."

"OMG. Kawawa naman siya. Let's just talk to her after class. For sure she needs someone to talk to," sabi ng nasa harapan ni Thiago na kaagad namang sinangayunan ng isa.

Naupo ng diretso si Thiago nang marinig ang usapan ng dalawang kaklase. Biglang pumasok sa isipan niya ang malungkot na mukha ni Paisley nang huli niya itong makausap kagabi. At alam niyang siya ang dahilan ng pag-shift nito ng course. Pero para sa kanya ay wala siyang ginawang mali. Kung tutuusin ay wala siyang pakialam dito, ngunit kahit ganoon ay hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya mapakali. Lalo na ngayon at narinig niyang mukhang hindi naging madali ang pag-shift nito ng kurso at nakita na niya kung gaano kasaya ang dalaga sa pag-awit.

"Hey," biglang tawag ni Thiago sa kaklaseng nasa harapan niya. Nagulat naman ito at ang kausap nito. Napatitig muna sila kay Thiago bago sila nakasagot.

"Ah, Thiago. Why?" tugon ng nasa harapan ni Thiago.

"Where is Paisley right now?" agad na tanong ni Thiago.

"Huh?" gulat na balik ng kaharap niya. "I don't know. Maybe in her room... at the dorm?""

"Where is her room?"

"Ah, on the 6th floor, Wing B. Three doors away from the elevator." sagot naman ng isa pa niyang kaklase.

Kaagad na tumayo si Thiago at isinukbit niya ang kanyang bag sa kanyang balikat. At walang paapaalam na lumabas ito ng silid-aralan. Nagulat naman ang kanyang mga kaklase at nagsimulang magbulungan. Hinabol pa siya ni Ms. Mendoza na halos nagsisigaw na sa pagtawag sa kanya ngunit hindi na lumingon ang binata na mabilis na tumakbo papunta sa dorm.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon