"Justin, I apologize for the ruckus a while ago. I didn't mean to, you know... Also, can we use the shop? I mean the piano," mahinahong sabi ni Thiago sa bantay ng coffee shop.
"No problem, Sir Thiago. Basta wala kayong sisiraing mga gamit. It's all good. Isa pa, matagal-tagal na ring walang umuupo at gumagamit sa piano na 'yan. Sa tingin ko, matutuwa si lolo na muli iyang magagamit."
"Akala ko nga, display lang 'yan," maikling komento ni Thiago sabay tingin sa piano.
"Hindi. Ang totoo niyan, noong bata ako madalas na tumutugtog d'yan si Allan Hay Villaruz noong nag-aaral pa lang ito sa MU."
Nanlaki ang mga mata ni Thiago nang marinig ang pangalang binanggit ng lalaking bantay. Iyon kasi ang pangalan ng kanyang yumaong ama. Ilang taon na siyang kumakain at tumatambay sa coffee shop na iyon ngunit ngayon lang niya narinig ang tungkol sa sinabi ni Justin. Ni hindi sumagi sa isipan niya na minsang naging tambayan rin ng kanyang ama ang lugar.
"Do you know the piano piece he used to play here?" tanong ni Thiago.
"Allan Hay?" balik na tanong ni Justin sabay nag-isip. "Marami siyang tinutugtog dito. Pero ang pinakatumatak sa akin ay 'yong Chopin no. 4 ba 'yon? Sorry, hindi kasi ako masyadong pamilyar sa mga piano piece."
"Chopin Etude Op. 10 Etude no. 4," mahinang sabi ni Thiago.
"Oo, 'yon nga. 'Yong mabilis."
"I see. Now, I know what to play."
"Teka, pero mahirap 'yon. Laging sinusubukan ni lolo na tugtugin iyon pero hindi niya magawa ng maayos."
"Didn't you hear what they said a while ago?" tanong ni Thiago.
"Ang alin? Busy kasi ako sa inventory na hindi ko natapos kahapon."
"Nevermind, just watch. And thank you," sabi ni Thiago sabay iwan sa kausap na naiwan namang nagtataka sa kung ano ang nais iparating ni Thiago sa kanya.
Lalapit na sana si Thiago sa dalawang lalaki na humamon sa kanya nang mapansin niyang nagdadagsaan na ang ilan sa mga estudyante sa cafe. Ang ilan ay mula sa ibang schools ng MU at ang iba naman ay mga pamilyar na mukha mula sa School of Arts and Music. Isa-isa silang pumasok sa loob ng cafe at nagsimulang umorder ng maiinom habang nakatingin sa kanya. Isang bagay na ikinagulat ni Thiago dahil kadalasan ay hindi lumalagpas sa limang katao ang tumatambay sa lugar na iyon.
"Nasorpresa ka ba?" nakangising tanong ni Roan habang ipinapakita ang cellphone na hawak kay Thiago. "I posted this online and I invited some who are interested in this kind of battle. Isa pa, paano magkakaalaman kung sino ang mananalo kung walang judges, hindi ba? And yes! We are also live online!"
Inilibot ni Thiago ang kanyang paningin sa paligid at talagang napuno na ang loob ng cafe. At lahat ng naroon ay nakatingin sa kanya na para bang kinikilatis siya. Pakiramdam ni Thiago ay biglang lumiit ang paligid niya at para bang unti-unting sumisikip ang lugar. Nagsisimula na ring bumilis ang kanyang paghinga.
"Thiago, are you okay?" may pag-aalalang tanong ni Paisley habang hinihila ang dulo ng manggas knitted sweater ng binata. "You don't have to do this. Tara na, umalis na tayo rito."
"Namumutla ka na, Mr. Prodigy. Huwag mong sabihing kinakabahan ka?" pang-aasar naman ng kalbong kasama ni Roan na sinundan ng malakas na tawa ng dalawa.
Sandaling pumikit si Thiago na parang ikinurap lang ang mga mata at pagkatapos huminga ng malalim ay inalis niya ang kamay ni Paisley na nakakapit sa manggas niya.
"Huwag ninyo akong patawanin," seryosong sabi ni Thiago. "Ang mabuti pa, simulan na natin 'to. At dahil ikaw ang naghamon, ikaw ang mauuna. Are we okay with that?"
BINABASA MO ANG
MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)
Romance"He is already at the rock bottom. He has lost faith and motivation. He is already feed up with life. But when he was about to give up, she came to rescue him from all of his pain and suffering." (Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous youn...