Lumipas ang mga araw. Pero hindi pa rin nagigising si Paisley. At wala ni isang araw na pinalagpas si Thiago na hindi niya nadadalaw ang dalaga. Palagi niya itong kinakausap, kinukwentuhan ng mga nangyayari sa university, at sa practice niya. Oo, wala na ring araw na pinaglagpas si Thiago sa pag-eensayo.
Malaki ang naging pasasalamat ni Ms. Mendoza at ni Dean Jang sa pagbabalik ni Thiago. Hindi na kasi nila pwedeng palitan ang sasali sa competition, at kung tuluyang umatras si Thiago, ay wala sanang representative ang Montecillo University sa piano competition na iyon.
"You may go back your dorm now, Thiago," sabi ni Ms. Mendoza nang makita si Thiago sa recital room at nakaharap pa rin sa piano. "Alas- 9 na. Magpahinga ka na."
"Do you think, I'll win the competition with what I have as of now?" biglang tanong ni Thiago.
"Why are asking? Are you nervous?"
"Yes. ma'am. It has been a long time since I joined a competition, and the last one was a horrible one," sagot naman ni Thiago. "But I would say that this time, mas may meaning na ang pagsali ko sa competition na 'to, and I want to win."
Lumapit si Ms. Mendoza kay Thiago. "There are a lot of prodigies out there nowadays. At totoo, this coming competition is not going to be easy like the competitions you had before. Hindi mo natatanong, but I was a fan of yours. I saw you played the pieces even professionals like me have trouble playing with. You're really a talented one. But music is not about just music. And talent is not enough. It's about your heart. The reason why you play. If you find those two, you'll definitely win."
Hindi sumagot si Thiago sa sinabing iyon ni Ms. Mendoza. Itinango lang niya ang ulo niya at muli siyang humarap sa piano.
"You can practice until 10," sabi ni Ms. Mendoza. "Okay? But don't over exert yourself."
"Yes, ma'am. Salamat po." At pagkatapos noon ay naiwan si Thiago mag-isa.
Nagsimulang tumugtog si Thiago. Isa, dalawang nota, at pagkatapos ay sunod-sunod na siyang tumipa hanggang makabuo siya ng musika. Tinugtog niya ang musikang binuo niya para sa awiting ginawa ni Paisley para sa kanya. At tinugtog niya iyon, habang binabalikan niya sa kanyang ala-ala ang araw na una silang nagkita ng makulit na dalaga.
Napangiti si Thiago, pero hindi pa rin maalis sa mga mata niya ang lungkot. Naisip niya na sana ay kasama niya si Paisley ngayon.
Nagpatuloy si Thiago sa pagtugtog. Hanggang sa marinig niya sa isipan niya ang tinig ni Paisley na sumabay sa tinutugtog niya. Muling napangiti si Thiago, para bang nararamdaman niyang nasa tabi lang niya ang dalaga.
Napakanta na rin siya habang bumabalik sa isipan niya ang masasayang alaala nila ni Paisley. At hindi niya maiwasang ma-miss ang napakagandang ngiti ng dalaga.
"Thank you, Paisley. Thank you, and I am really sorry," sabi ni Thiago habang patuloy na tumutugtog. Hanggang sa napangiti siya nang makita sa isipan niya ang dalaga na nakaharap sa kanya at umaawit habang nakangiti at nakatingin sa kanyang mga mata.
Ilang sandali pa ay may narinig si Thiago na isa pang piano at isa pang tinig na sumasaliw rin sa musikang ginagawa niya. Napalingon siya at tuluyang tumulo ang luha niya nang makita doon ang kanyang ama at ina. Sumasabay sa musika niya ang piano na nasa harapan ng ama, at umaawit naman ang kanyang ina.
Napangiti si Thiago habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha. Alam niyang hindi totoong nasa tabi niya ang mga nakikita niya. Pero nararamdaman niyang mahal na mahal siya ng mga magulang niya, at na napatawad na siya ng mga ito.
Nagpatuloy si Thiago. Ninamnam niya ang musika at mga tinig na naririnig niya sa kanyang isipan. Ngayon na lang ulit siya nakadama ng ganito. Ng hindi maipaliwanag na kapayapaan at kasiyahan habang tumutugtog.
Hanggang sa natapos ang kanta, at dahan-dahang tinipa ni Thiago ang huling mga nota.
Nakangiti siyang natapos, sabay punas ng luha. Tatayo na sana siya nang biglang may narinig siyang palakpakan. Buong akala niya ay sa isipan lang din niya iyon. Pero nagulat siya pagtayo niya. Marami na pala ang nanunuod sa kanya, at hindi na niya napansin na napuno na ng mga tao ang recital room.
"Galingan mo sa competition, Thiago!" sigaw ng isang dalaga.
"For sure you'll bring home this year's title! Good luck!" sigaw naman ng isa pang binata.
Sinundan pa iyon ng iba pa. At talagang ikinagulat iyon ni Thiago. Hindi niya kilala ang mga naroon, pero sinusuportahan siya ng mga ito. Ngumiti si Thiago sa harap ng maraming tao sa unang pagkakataon.
Lumakad siya papunta sa harapan ng stage at yumuko siya sa lahat ng naroon, bilang pasasalamat.
"Mom, dad, Paisley. I hope you see this," sabi ni Thiago sa kanyang isipan habang nakangiti.
Muling napuno ng palakpakan ang recital room. Pero hindi rin iyon nagtagal dahil kinailangan na nilang umalis doon dahil papalalim na ang gabi. Pinuntahan na nga sila ng mga guard para palabasin na ng building.
Pabalik na si Thiago sa dorm nang biglang makatanggap siya ng tawag mula kay Mrs. Astor.
"Thiago, you have to come here," bungad ng ginang.
"Po?"
"Paisley's condition is getting worse."
Hindi na sumagot pa si Thiago. Kaagad siyang tumakbo, pumara ng taxi. Pagdating sa ospital ay dali-dali siyang umakyat sa ICU, at napatigil siya nang makitang umiiyak ang ina ni Paisley sa harapan ng kwarto ng dalaga.
"Ano pong nangyari?" hinihingal ni Thiago.
Pero hindi sumagot ang ginang, at itinuon lang nito ang mata sa pintuan ng kwarto
Mula sa salamin ng pintuang iyon ay sumilip si Thiago at nakita niyang napapaligiran ng mga doktor at nurse si Paisley. Hindi niya makita ng maigi ang mga nangyayari. Pero parang pinisil ang puso nyia nang makita ang nakalupaypay na kamay ng dalaga sa gilid ng kama nito. Kasabay noon ay ang tila natatarantang usapan ng mga doktor.
Binuksan ni Thiago ang pinto, Pero bago pa siya makapasok ay kaagad siyang naharang ng mga nurse na naroon.
"Paisley! Lumaban ka! Please!" sigaw ni Thiago habang pinagtutulakan siya ng mga nurse palabas ng kwarto. "I have to show you something! I- I have to show you I've changed! I have to make your dreams come true. Please huwag mo akong iwan!"
Tuluyan ng naitulak papalabas ng kwarto si Thiago. Napaupo siya sa sahig at dito na tuluyang bumuhos muli ang kanyang luha. Napagalaman din niya na iyon ang pangatlong beses na nagka-seizure ang dalaga noong gabing iyon.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)
Romance"He is already at the rock bottom. He has lost faith and motivation. He is already feed up with life. But when he was about to give up, she came to rescue him from all of his pain and suffering." (Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous youn...