Chapter XLVIII

95 18 1
                                    

"Today is the day of the competition, will you make it?" tanong ni Thunder habang umiinom ng kape. Eksaktong nakita niya kasi si Thiago na nag-iisa at nag-aalmusal sa pantry.

"Yes," maikling sagot ni Thiago habang nakatitig sa kanyang tasa ng mainit na tsokolate.

"Ano nga palang balita kay Paisley? Tinatanong din ng tropa."

Napabuntong hininga si Thiago bago humigop ng inumin. "Her vitals are stable. Hindi na siya nagka-seizure ulit. Pero wala pa ring signs na magigising siya any moment"

Hindi naman na sumagot pa si Thunder. Napansin niyang biglang nanlumo si Thiago matapos magsalita kaya minabuti na lang niyang manahimik.

"I can't lose, Thunder. I promised Paisley that I'll win this one," biglang sabi ni Thiago.

"I know," nakangiting sagot ni Thunder. "And the whole gang will be there to witness that."

"Ha? Manunuod kayo?"

"Yup. We talked about it already. We've gotta see the moment that will mark the new chapter of our friend's life," nakangiting sagot ni Thunder. "Alam kong marami ka na namang pinagdaraanan ngayon. At gusto kong malaman mo na narito langkami. Baka sakaling kailangan mo ng makakausap."

"Salamat, Thunder. Please tell the others as well. And kung pwede, please record my performance later."

"Sure. No problem."

"Thanks,"

Ngumiti si Thunder. "So, paano? See you later. Okay?"

"See you."

Ininom ni Thunder ang natitirang kape sa kanyang baso, at pagkatapos ay tumayo na siya at naglakad papalayo. Hindi na rin naman nagtagal si Thiago at bumalik siya sa dorm para makapaghanda ng kanyang isusuot.

Exempted si Thiago sa mga klase ngayong araw kahit na mamayang gabi pa ang competition. Kaya naman plano niyang gamitin ang mga bakanteng oras niya para makasama si Paisley. Iyon nga lang ay napigilan iyon nang makaramdam siya ng matinding sakit ng ulo. Ilang araw na rin kasi siyang hindi nakakatulog ng maayos. Kaya naman minabuti niyang magpahinga na lang muna.

Hapon na nang makadalaw si Thiago kay Paisley. Walang tao sa kwarto ng dalaga pag dating niya doon. Kaya matapos mag-disinfect ng katawan ay pumasok na siya kwarto at umupo siya tabi ng dalaga. Hinawakan niya ang kamay nito habang tinitignan ang maamo nitong mukha.

"Today is the day, Paisleybels," nakangiting sabi ni Thiago. "Today is the day that I will fulfill one of my promises to you. Marami pa akong tutuparin at ipapakita sa'yo. Kaya please gumising ka na."

Sandaling tumigil si Thiago para titigan ang dalaga. Umaasa siya na kikilos na ito kahit papaano. Pero wala. Wala ni maliit na paggalaw.

Napabuntong hininga si Thiago, at pagkatapos ay pinilit niyang ngumiti.

"Don't worry. I asked Thunder to record the competition. Para pag gising mo, mapapanuod mo pa rin iyon. Tapos, magsisimula tayong gumawa ng mga kanta natin. Okay?" sabi ni Thiago habang unti-unting nababasag ang kanyang boses sa pagpigil sa sarili na maiyak. "Mamaya pagbalik ko, daldalhin ko 'yong trophy rito at ipapakita ko sa'yo."

Tumayo si Thiago at dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa dalaga. At pagkatapos ay isang madiing halik sa noo ang ibinigay niya rito. Handa na sana siyang lumabas nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang ina ni Paisley.

"Mrs. Astor," bati ni Thiago sa ginang bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.

"Narito ka pala. Pero hindi ba dapat ay nagpapahinga ka para sa competition mamaya?" tanong ng ginang.

"Hindi po kasi ako mapakali na hindi ko makita si Paisley," sagot ni Thiago. "Pero paalis na rin po ako. Kailangan po kasi na mas maaga kami doon sa venue."

Ngumiti ang ina ni Paisley at hinawakan ang mga kamay ni Thiago. "Paisley will be very happy. Thank you, Thiago."

Hindi nakasagot si Thiago. Hindi niya alam ang isasagot sa sinabing iyon ng ginang.

"I will be watching the competition online. I will watch it beside Paisley. Para kahit papaano ay marinig niya ang pagtugtog mo."

Ngumiti si Thiago at hinigpitan ang hawak sa kamay ng ginang. "Salamat po. I'll do my best."

"My husband wants me to send his regards to you. Good luck daw sa competition."

"Really? I think I should talk to him first," nakangiting sabi ni Thiago.

"Hay naku, huwag na. Ayaw pa rin niyang tumanggap ng ibang bisita bukod sa akin. "

Dismayadong napahimas ng batok si Thiago, pero sinundan niya iyon ng isang ngiti.

"Ganoon po ba? Okay lang po. Sige po, I have to go," paalam ni Thiago sa ginang.

"Sige. Mag-iingat ka at galingan mo."

Isang malaking ngiti ang isinagot doon ni Thiago. At matapos muling sumilip kay Paisley ay tuluyan na siyang umalis para ihanda ang sarili para sa competition.

Sa Cultural Center ang venue ng national piano competition. At pagdating doon ni Thiago ay nagsisimula ng dumami ang mga tao. Kumpleto na rin ang mga hurado na talagang mga kilala sa mundo ng musika.

Pagdating ni Thiago sa backstage ay kaagad na napatingin sa kanya ang iba pang kalahok sa kompetisyon. Ang iba ay nagbulungan, at ang iba ay namumukhaan niya. May ilan kasi doon na nakalaban na niya noong bata pa siya.

Pero hindi na iyon pinansin ni Thiago. Dumeretso siya sa dressing room ng mga lalaki. Inayos niya ang pagkakabutones ng puting long sleeves na suot niya at siniguro niyang maayos din ang pagkaka-tuck in noon. At pagkatapos ay umupo siya saglit at nagsimula na siyang mag-stretching ng kanyang mga daliri.

Nang biglang bumukas ang pinto.

"Yow, Thiago."

"Kuya."

"Sorry kung ngayon lang ako nakapagparamdam ulit sa'yo. Hindi rin tayo nagkikita sa bahay," sabi ni Rafael na tumabi na sa kapatid.

"That's okay. Pero ikaw? Okay ka lang ba?" may pag-aalalang tanong ni Thiago.

"Naks. Nag-aalala ang kapatid ko," sabi ni Rafael sabay tawa. Iyon kasi ang unang beses matapos ang mahabang panahon na tinanong siya ng ganoon ni Thiago. "Of course I'm fine. And kung magtatanong ka about Uncle Vince, huwag muna. Concentrate on this competition first. Okay?"

"Yes. I will do that."

"Pero okay ka ba talaga, Thiago?"

Ngumiti si Thiago. "Mom, dad, and Paisley. They all want me to be okay. They all want me to brave. At iyon ang gagawin ko. Hindi na ako ang dating Thiago na magmumukmok sa nakaraan at tatakbo sa problema. Hararapin ko ang lahat ngayon ng buong tapang. And I'll show you that tonight."

Namilog ang mga mata ni Rafael sa narinig at napangiti siya ng husto. Ipinatong niya ang kamay sa balikat ng kapatid at pagkatapos ay marahan niya iyong pinisil.

"I'm so proud of you, Thiago."

Sasagot pa sana si Thiago nang biglang may pumasok sa dressing room.

"Thiago, narito ka na pala. Sorry, I'm late," bungad ni Ms. Mendoza na nakasilip lang sa may pint at tila hinahabol ang hininga.

"It's okay, ma'am. Pero bakit hinihingal ka ata, " tanong ni Thiago.

"Tumakbo kasi ako. Grabe na 'yong traffic. Anyway, you'll be contestant no. 21, and you'll be the last one to perform. You can watch the others performances in the waiting area if you want," sabi ni Ms. Mendoza at pagkatapos ay huminga ito ng malalim habang nakapikit.

"Okay. Thank you, Ms. Mendoza," sagot ni Thiago at pagkatapos ay bumaling siya sa kanyang kuya. "Go find a seat, kuya. Doon sa maririnig ko ang palakpak at sigaw mo pagkatapos kong tumugtog."

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon