Naging maulan ang Sabado at Linggo. Kaya naisipan ni Thiago na palipasin na lang ang mga araw na walang pasok sa kanilang mansyon. Gusto niyang makapagmuni-muni at mag-isip ng mga susunod niyanghakbang lalo na at nakapagbitaw siya ng salita sa harap ng uncle niya at ng mga matataas na tao sa kumpanya nila. Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya malaman kung saan magsisilmula.
Habang nag-aayos ng mga dadalhin sa university ay nakaramdam si Thiago ng gutom. Naalala niyang hindi nga pala siya nakapag-agahan at sigurado rin siyang hapon na. Kaya naman bumaba siya para kumuha ng makakain. Walang ibang tao sa mansyon nila maliban sa kanya at sa mga taga-pagsilbing naroon. Malungkot ang bahay at tila walang buhay. Hindi naman ganoon dati, hanggang sa mamatay ang mga magulang niya.
Ngunit nagulat siya nang makita ang isang pamilyar na tao sa kanilang kusina na kumakain.
"You're here?" sita ni Thiago sa pinsan na si Phan.
"Kagabi pa ako nandito. Tinatawagan kasi kita pero patay na naman ang cellphone mo. Kakatok sana ako sa kwarto mo. Kaso baka bulyawan mo lang ako. Nag-aalala pati si Rafael sa'yo," sagot naman ng babae na hindi man lang tumingin kay Thiago.
"Hindi ko pinatay ang cellphone ko. Baka na-lowbat lang."
"Ano pa nga bang bago?" may inis na tugon ni Phan sa pinsan. Pagkatapos ay dinukot nito ang isang cellphone sa mula sa bulsa. "Oh, ito. You forgot this in the living room. Patay, walang buhay parang ikaw. I charged it already but don't worry wala akong binasa na kahit ano d'yan."
Kaagad na hinablot ni Thiago ang cellphone sa kamay ng pinsan at tinignan ito. Napakarami na niyang missed calls mula sa kuya niya, at may ilan ding mga mensahe mula kay Paisley. At napanatag ang loob niya nang masigurong walang binasa o ginalaw ang pinsan doon.
"Why did you help me?" biglang tanong ni Thiago sabay lapag ng cellphone sa lamesa.
"Did you forget to say thank you already?" balik naman ng pinsan niya. Pero hindi sumagot si Thiago. "I helped you because I know you. I grew up with you and Rafael. Uncle Allan was more of a father to me than my dad. And I know my dad very well. That's why, if I can, I will not allow the company to go to waste. So, man up Thiago. Grow up and do what you should do."
"Thank you, ate. I know it's hard for you to go against Uncle Vince."
"Don't worry. Kilala mo ako. I'll do what is good and what is right." Pagkatapos noon ay tumayo ang babae at dinala ang pinagkainan niya sa lababo. "Paisley. Who is she?"
Nabigla si Thiago sa tanong ng pinsan at hindi kaagad nakasagot.
"She sent a lot of messages, she even called last night. That's not so of you, Thiago. Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan?"
"She's a classmate. An annoying classmate," mabilis na sagot ni Thiago. "She is so annoying. But when I heard her cheering me up in the coffee shop, I felt so comfortable."
Napatulala naman si Phan sa pinsan. Hindi niya akalain na lalabas ang mga salitang iyon sa bibig ni Thiago lalo na at madalas itong malamig at walang pakialam sa ibang tao. Ang gusto lang naman sana niya ang alaskahin ito.
"Damn it! Forget what I said!" sabi ni Thiago sabay padabog na binuksan ang ref para humanap ng makakain.
"Well, I guess I know what it is, Thiago. And it's normal," nakangiting sabi ni Phan sabay lapit at kurot sa tagiliran ng binata. Napailag naman si Thiago na kaagad hinawi ang kamay ng pinsan. "I know you're having a hard time now. But don't forget that you have to do a lot starting from now. And it's not a bad thing to look for inspiration. Ayieee."
Tinignan ng masama ni Thiago ang pinsan ngunit hindi siya sumagot. Malamang kasi na alaskahin pa siya lalo nito kung sasabat pa siya.. Ngunit tinawanan lang siya ng isa na lalo niyang ikinainis.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)
Lãng mạn"He is already at the rock bottom. He has lost faith and motivation. He is already feed up with life. But when he was about to give up, she came to rescue him from all of his pain and suffering." (Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous youn...