Chapter XXIII

101 20 7
                                    

Oo.Malaki na ang pinagbago ni Thiago magmula nang magsimula ang ikatlong taon niya sa Montecillo University. Tila biglang nagkaroon ng direksyon ang wala ng gana niyang buhay. Pero kahit ganun, ay may mga oras at gabi pa rin kung saan dinadalaw pa rin siya ng masamang nakaraan. Kaya kahit gusto na niyang tumigil sa pag-inom ng mga gamot, ay hindi niya magawa.

Kapag nag-iisa siya ay madalas din niyang naiisip ang mga problema. At dumagdag pa ngayon ang hindi niya maintindihan na nararamdaman kay Paisley. Hindi na siya naiinis dito, at mas naiinis na siya tuwing hindi ito nagpaparamdam sa kanya. Masaya siya tuwing nariyan ang dalaga, ngunit natatakot din siya para sa dito. Natatakot siyang masaktan, at makasakit.

Nag-ayos na si Thiago ng mga iuuwi niyang gamit nang biglang tumunog ang cellphone ni Paisley. Sinubukan niya itong ibalik, pero talagang hindi na niya nahabol ang dalaga. Wala rin ang ilan sa mga kaklase nilang babae dahil nagsiuwian sa kani-kanilang mga bahay. Kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang itago ang cellphone.

Tinignan ni Thiago ang cellphone at nakita niyang ang ina ni Paisley ang tumatawag. Hinayaan lang niyang matapos iyon. Naisip niyang baka kung anong isipin ng ina ng dalaga kung isang lalaki ang sasagot ng cellphone nito. Ilalagay na sana ni Thiago ang cellphone sa kanyang drawer nang bigla namang nag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at sinagot nang makitang tinatawagan siya ni Paisley sa messenger.

"Hello, Thiagobels? Nasaan ka?" bungad ng dalaga.

"I'm still here at the university dorm. Naiwan mo 'yong cellphone mo kahapon sa coffee shop."

"Really?!" sabi ni Paisley na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan. "OMG! Buti na lang at doon ko naiwan."

"I'll just give it to you on Monday. I have to go."

"Wait, no. I need my phone now. I need my passwords," malungkot na tugon ni Paisley. "I actually had a hard time sleeping last night 'coz of that."

"Passwords?"

"Mahina ang memory ko pag dating sa passwords. Kaya d'yan ko sini-save mga passwords ko."

"Then come here, I'll wait for you."

"Thiagbels..."

"What? And can you please stop calling me that way?"

"Sige. Ano na lang... Thiago ko?" tugon ni Paisley sa pinakamalambing nitong boses.

Natigilan si Thiago at napahawak sa dibdib niya at pakiramdam niya ay parang natutunaw siya sa paraan ng pagsasalita ng dalaga.

"Can you please bring my phone here in our house? Please, Thiago ko?"

"Ha? I-in your house?"

"Yes. I'll send the address to you. It takes less than an hour from the university. Please... I'm just so busy organizing my songs."

"Songs?"

"Yes, I have to sing two songs at the meet. One is the song I made for you, tapos 'yong isa. A song I made for my dad. Ahm... that's another reason I want you to come here," paliwanag ng dalaga. "Please..."

Napabuntong hininga si Thiago at napaupo sa kama. Balak sana niyang dumalaw sa opisina ng uncle niya para tingnan kung ano na ang nangyayari sa kompanya nila. Pero hindi na siya makahindi kay Paisley. Hindi na rin naman kasi siya tinigilan nito. Kaya naman pumayag na lang siya sa pakiusap ng dalaga.

Kaagad na ipinadala ni Paisley ang address nila kay Thiago. At pagkarating na pagkarating ni Mang Jerry para sunduin si Thiago ay dumeretso na sila kina Paisley.

Sa isang sikat na subdivision nakatira ang pamilyang Astor. At namumukod tangi ang malaki nilang bahay sa lugar na iyon. Malawak ang kanilang bakuran at matatanaw rin mula sa labas ng gate nila ang makulay nilang hardin.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon