Palinga-lingang pumasok si Thunder sa mansyon nila Thiago. Hindi man siya gumagawa ng kahit anong tunog ay halata naman sa kanyang mukha ang pagkamangha sa elegante at napakalaking bahay nila Thiago.
"What kind of damned wind brought you here?" Napalingon si Thunder sa may kusina nang marinig ang boses ni Thiago. Nakaupo ito at umiinom ng tubig. "If you're going to talk about the DO incident, just leave."
"This house is grand, but feels so sad," komento ni Thunder na parang hindi narinig ang mga tanong ni Thiago. Pagkatapos ay umupo siya sa isang upuang naroon. Inilapag niya ang backpack na dala sabay tingin kay Thiago.
"Get to the point. Why are you here at sinong nagturo sa'yo ng bahay ko?"
"Usually, I have some henchmen to look for this place. Pero sa pagkakataong ito, kay Paisley ko nalaman ang lahat," seryosong sabi ni Thunder.
"What do you mean lahat?"
"You were hospitalized, and you suddenly broke up with her."
Padabog na ibinaba ni Thiago ang walang lamang baso sa lamesa. "So, what? Anong pakialam mo doon? Feeling close ka rin? If wala ka ng sasabihin na maganda, please leave bago kita ipakaladkad palabas."
Ngumisi si Thunder at tumingin ng matalim kay Thiago. At pagkatapos ay kinuha niya sa loob ng backpack niya ang isang maliit na bote. Isang mumurahing klase ng gin. Binuksan niya iyon gamit ang kanyang ngipin, kinuha niya ang baso ni Thiago, at sinalinan iyon ng alak.
"I will not leave. Kahit ipakaladkad mo ako sa lahat ng gwardiya at pulis. Hindi ako aalis sa kinauupuan ko ngayon," madiing sabi ni Thunder. "Hangga't hindi natin nuubos ang laman ng boteng ito."
Napabuntong hininga si Thiago at napahimas na lamang siya ng batok habang tinititigan ng masama si Thunder. Sa pagkakakilala niya kasi rito ay siguradong gagawin nito ang sanabi nito. At malaking gulo kung kokontrahin pa niya ito, at ayaw niya noon. Ayaw na niya ng gulo. Kaya naman padabog na lang siyang kumuha ng isa pang baso at inilagay iyon sa lamesa.
"How can you be this miserable, Tisoy?" sabi ni Thunder habang nagsasalin ng alak sa bagong lapag na baso. "You seem to have everything, pero ang lakas mong mangtaboy ng tao."
"You won't understand," sagot ni Thiago sabay kuha sa baso niya kanina. At bigla na lang niyang nilagok ang laman noon. Halos mapunit ang mukha ni Thiago nang malasahan ang napakatapang na alak. Pero bale wala iyon sa sakit na nararamdaman niya sa ngayon.
"Ikaw lang naman ang nagsasabi niyan," sagot ni Thunder sabay inom. Kagaya ni Thiago ay pumanget din ang mukha ng binata ng dahil sa ininom. "It's just you, and your ego. Ikaw lang ang nagsasabi na walang nakakaintindi sa'yo."
Hindi sumagot si Thiago. Kinuha niya lang ang bote ng alak at muli siyang nagsalin sa baso niya.
"Lahat tayo, may mga pinagdadaanan. Mababaw o malalim, pero walang tao sa mundong ito ang walang problema," sabi ni Thunder na inagaw mula kay Thiago ang bote at nagsalin sa baso niya. "Alam mo bang, I used to blame myself for my mom's death? Namatay kasi siya noong ipinanganak ako. Hindi ko siya nakilala, hindi ko siya nakausap. Hindi ko siya nayakap. Tapos, iniwan lang kami ng ama ko. I thought, it was my fault all along. I thought I made her life a living hell. Until my lola showed me pictures and videos of my mom."
Sandaling tumigil si Thunder nang makitang uminom muli si Thiago. Sinalinan niya ang baso nito bago nagpatuloy.
"I saw how happy my mom noong ipinagbubuntis pa niya ako. Kahit na iniwan siya ng foreigner na boyfriend niya noon na siya ring ama ko. She would talk to me noong nasa tiyan pa niya ako. Kinukwentuhan, at palagi niyang sinasabi na mahal na mahal niya ako," patuloy ni Thunder habang nakatingin sa kanyang baso. "That time, I felt how my mom loved me, despite all the challenges and stuff. At naisip ko na hindi siya matutuwa kung sisirain ko lang ang buhay ko. Kasisisi sa sarili ko."
"Why are you telling me these?" tanong ni Thiago.
"Thiago. The only thing that we can do for our loved ones who have passed away already, is to live our lives to the fullest. Para kung sakaling magkita kayong muli, you can smile at them and tell them that you had a good life like what they wanted." patuloy ni Thunder na parang hindi narinig ang tanong ni Thiago.
Natigilan si Thiago sa narinig mula kay Thunder. Tinungga niya ang laman ng kanyang baso at muling nagsalin doon. Mahigpit ang hawak niya sa baso. At hindi niya maintindihan kung maiiyak ba siya o maiinis sa sinabi ng kaharap.
"Paisley. She understands you more than you know," patuloy ni Thunder. "Maybe she understands you more than your brother, or even more than yourself. Pero anong ginawa mo? Sinaktan mo siya."
"You don't understand."
"Ayan ka na naman sa you don't understand mo," mabilis na sagot ni Thunder. "Ano? She deserves someone better, she doesn't deserve someone like you?"
"Yes! That's right. Wala siyang mapapala sa akin!"
"Because that's what you are thinking!" pasigaw na balik ni Thunder. "So, sa tingin mo ba ng dahil sa ginawa mo, magiging okay na ang lahat? No! Hindi mo alam kung gaano mo sinaktan 'yong tao! You don't know how pitiful she looked while she was crying to her friends na walang sinasabing kahit ano dahil ayaw niyang masira ang pangalan mo sa iba!"
Natigilan si Thiago at bagsak ang balikat na napasandal sa kinauupuan. Pagkatapos ay sinalo niya ng kanyang mga kamay ang kanyang mukha.
"What did I do? Bakit lagi ko na lang idinadamay ang iba sa katangahan ko?!" malakas na sabi ni Thiago sabay hampas sa lamesa.
"We all make mistakes and that's not a sin. Magiging kasalanan lang ang pagkakamaling iyon, kung hindi tayo gagawa ng solusyon para ayusin ang maling iyon," seryosong sabi ni Thunder sabay inom.
"Then, what should I do? I-I hurt the person who taught me how to be a person again. Do you think I could still do something about it?"
"We won't know until we try..."
Tinignan ni Thiago si Thunder.
"Thiago... I am not here because I feel guilty about what happened last time. Hindi ako narito para bumawi. I am here because I heard what you're going through right now. I am here as your friend," sabi ni Thunder.
Tumayo si Thunder at isinalin sa baso niya ang natitirang laman ng bote. At ininom niya ng mabilisan iyon. At sa pagkakataong iyon, ay ininom niya iyon na parang tubig.
"Ikaw lang ang kauna-unahang mayamang tao na naging kaibigan ko. Galit ako sa ibang kauri ninyo Ariston. Pero iba kayo. Iba ang wasalak. Isa pa, nakikita ko ang dati kong sarili sa'yo. Kagaya ko noon, kailangan mo ng tulong ngayon," sabi ni Thunder sabay sukbit sa likod ng kanyang bag. "Pero kahit anong gawin kong salita rito. Nasa iyo pa rin ang desisyon. Ikaw pa rin talaga ang unang tutulong sa sarili mo. Pumunta lang ako rito para magpaalala bilang isang kaibigan mo."
Pagkatapos noon ay tumalikod na si Thunder at naglakad papalayo.
"Mahaba-haba pa ang oras na igugugol mo sa community service, Tisoy," sabi ni Thunder habang papalayo. "And I will be thankful if you'll show up by tomorrow."
Hindi na nakasagot pa si Thiago sa huling sinabi ni Thunder. Tinignan lang niya ito hanggang sa hindi na niya ito makita. Parang echo na paulit-ulit niyang naririnig ang mga sinabi ni Thunder. Hindi pa rin niya alam kung ano ang gagawin. Lalo na kay Paisley. Pero ngayon, ay may ideya na siya kung saan at paano magsisimula.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)
Romance"He is already at the rock bottom. He has lost faith and motivation. He is already feed up with life. But when he was about to give up, she came to rescue him from all of his pain and suffering." (Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous youn...