Thiago Gael Villaruz, twenty-one years old. Lumaki siya sa isang mayaman na pamilya ng mga musikero. Isang sikat na pianista ang kanyang ama at isang namang tanyag na mang-aawit ang kanyang ina. Matangkad, maputi at mayroon siyang nangungusap na mga mata na talaga namang nakakahanga. Masasabing biniyayaan siya ng husto. Dahil bukod sa taglay na kagwapuhan ay hindi rin matatawaran ang kanyang talento sa musika. Nadiskubre ang kanyang talento sa edad na lima, at magmula noon ay nakilala na sa buong bansa at sa ibang dako ng mundo ang pangalan niya. At noon ay binansagan siyang, Mr. Prodigy.
Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng dahil sa isang malagim na aksidente. Isang aksidente na umagaw sa lahat ng mayroon siya. Isang malagim na pangyayaring paulit-ulit bumabalik sa isipan niya.
"Is there anything else I can do for you, Sir Thiago," sabi ng driver niyang si Mang Jerry matapos maibaba ang mga gamit niya mula sa sasakyan. Sumilip lang ito sa bintana dahil hindi pa rin bumababa si Thiago kahit na nasa loob na sila ng university.
Ngunit nakatulala lang ang binata at tila napakalalim ng iniisip.
"Sir?" muling tawag ng may-edad ng lalaki sa kanyang amo. Tila nagulat naman no'n si Thiago at nabaling ang pansin niya sa driver
"Ah, we're here?"
"Yes, sir. Uhm, okay lang po ba kayo?" may pag-aalalang tanong ni Mang Jerry.
"Ha? Yeah, I'm good," tila nag-aalangan pang sagot ni Thiago bago bumaba ng sasakyan.
"May kailangan pa po ba kayo?"
"Nothing. You may go now."
"Okay, sir. Nasa mansyon lang po ako. Tawagan na lang po ninyo ako kung may kailangan kayo. Ihahatid ko na lang po pala ang gamot ninyo mamaya."
Tumango lang si Thiago bilang tugon sa driver at pagkatapos ay hinila na niya ang dalawang maleta papunta sa dormitory. Tatlong buwan na naman siyang titira dito at makikisalamuha sa ibang mga estudyante. Isang bagay na ayaw na ayaw niya. Mas gusto niya ang mag-isa. Pakiramdam niya kasi ay malas lang ang dala niya sa iba at sa tingin niya ay hindi naman siya naiintindihan ng ibang mga tao. Hindi rin niya gusto ang mga tingin sa kanya ng iba.
Napakalaki ng Montecillo University. Makabago lahat ng gusali at kagamitan rito at bawat lugar sa loob ng campus ay naguumapaw sa class. Pero kahit ganoon kaganda ang unibersidad, ay hindi ito gusto ni Thiago at mabigat ang loob niya rito.
Nasa seventh floor ng campus dormitory ang kwarto ni Thiago at matapos maipasok doon ang mga gamit at makapagpahinga sandali ay bumaba siyang muli para kunin ang schedule niya ngayong semester.
Ngunit kagaya ng inaasahan niya, lahat ng mga mata ay natuon sa kanya pagdating na pagdating niya sa School of Music and Arts. Nagbulungan pa ang iba habang nakatingin sa kanya. Hindi iyon pinansin ni Thiago, kahit na inis na inis na siya. Magmula pa noong freshman year niya ay ganoon na ang eksena sa tuwing dumarating siya. Madalas na pinag-uusapan ng mga tao ang buhay niya at kung paano ito nagsimulang maging miserable. Pagkatapos, mga magulang naman niya ang pagdidiskitahan ng mga ito. Pero kahit ganoon, ay nanatili lang tahimik si Thiago at mapagpasensiya. Ayaw niyang gumawa ng gulo at ayaw niyang ibaba ang level niya sa ganoong klase ng mga tao. Iyon din ang dahilan kung kaya naman wala siyang naging ni isang kaibigan sa nakaraang dalawang taon niya unibersidad.
Matapos makuha ni Thiago ang schedule ay nagmadali siyang bumalik sa dorm. May halos dalawang oras pa naman kasi bago ang una niyang klase. Ngunit bago pa siya makalabas ng building ay isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.
"Mr. Villaruz." Tumigil si Thiago at dismayadong lumingon sa pinanggalingan ng boses. "Good morning. Mabuti at nakita kita rito," patuloy ng Dean ng School of Music and Arts, si Mrs. Jang.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)
Romance"He is already at the rock bottom. He has lost faith and motivation. He is already feed up with life. But when he was about to give up, she came to rescue him from all of his pain and suffering." (Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous youn...