Chapter XXXV

84 18 7
                                    

Kaagad na binisita ni Thiago si Rosen kinabukasan bago pumasok sa university. Isanama niya si Paisley at ginamit niya ang oras ng biyahe nila para ikwento at ipaliwanag sa dalaga ang ang mga nangyayari. Pero hindi sila nakapasok kahit sa garahe man lang ng ospital. Napakahigpit ng seguridad doonl at puno ng mga reporters at fans ang labas nito.

Gusto mang magpumilit ni Thiago na makita ang kaibigan ay minabuti na lang niyang huwag ng ituloy iyon. Ayaw niyang makadagdag pa sa problema ng pamilya ni Rosen kung sakaling magkagulo sa ospital ng dahil sa kanya. Sigurado kasing kukuyugin siya ng reporters sa oras na mamataan siya ng mga ito. Lalo na at may kumakalat ng tsismis na may kinalaman ang tiyuhin niya sa aksidente.

"Let's go to the university now, Mang Jerry," sabi ni Thiago. Nahalata ni Paisley ang pagkadismaya sa boses at ekspresyon ng binata kaya naman kinuha niya ang kamay nito at hinawakan ng mahipit.

Napangiti ng kaunti si Thiago sa dalaga, ngunit kaagad ding napalitan ang ngiti na iyon ng simangot nang makita niya ang ilang mga fans ni Rosen sa isang parte ng ospital. May hawak silang mga plake, at nakasulat doon ang isinisigaw nila na dapat managot ang Villaruz Recording company sa nangyari sa sikat na mang-aawit.

Napahigpit ang pagkakasara ng isang kamay ni Thiago at kaagad na napansin ni Paisley ang pagngalit ng mga ngipin nito.

"It's not your fault. Huwag mong sisihin ang sarili mo," sabi ni Paisley sabay kuha sa isa pang kamay ni Thiago. "Ang Uncle Vince mo at ang kasakiman niya ang puno't dulo nito. Hindi ikaw."

"If I just..."

"No!" madiing sabat ni Paisley. "None of these is your fault. You're doing your part. Just focus on your goal, okay?"

Napatingin si Thiago sa dalaga at napatango. At pagkatapos ay hindi na siya umimik pa hanggang sa makarating sila sa university.

Doon ay sinalubong sila ng wasalak at nakapagkwentuhan pa sila bago magsimula ang unang klase. Ngunit walang binanggit si Thiago na kahit ano sa kanila tungkol sa lagay ng kompanya ng pamilya nila.

Papasok na sana sila Thiago at Paisley sa classroom nila nang marinig ni Thiago ang isang pamilya na boses na tinawag ang pangalan niya. At pagkalingon niya ay nakita niya si Ms. Jang, ang dean ng School of Music and Arts. Naglalakad ito papalapit sa kanya.

"Good morning, Mr. Villaruz," bati ng dean na sinagot naman ni Thiago ng pagtungo ng ulo. Tinignan niya si Paisley at sinenyasan ito na pumasok na sa loob ng classroom. Kaagad naman iyong sinunod ng dalaga at iniwan ang dalawa sa tapat ng pintuan ng classroom nila.

"Mailap ka pa rin kagaya ng dati," patuloy ng dean. "Anyway, I'm here to convince you for the last time. There will be a bigger national piano competition next year. Maybe around April, but they need the list of the potential participants now. As a dean, and one of your mentors, I would like you to represent Montecillo University. Please."

Hindi sumagot si Thiago at tinignan lang niya ang dean.

"Your grades and performance this semester are exceptional," dugtong ni Ms. Jang. "And winning the national competition will be added to your accolades, and will help you get better grades in your music classes. Isa pa, it would be a nice experience for you."

"Winning?" biglang tanong ni Thiago. "How sure are you that I can win?"

"Because you have whatever it takes to win," nakangiting sagot ni Ms. Jang. "You have the talent, you have the face, you have your world class mentors here. Isa lang ang kulang, Mr. Villaruz, and that's confidence."

Napabuntong hininga si Thiago at napatingin sa loob ng classroom nila. At nabigla siya nang malamang nakikinig pala ang mga kaklase niya sa kanila. Hinanap niya si Paisley at nakangiti lang ito sa kanya. Isang ngiti na nagsasabi sa kanya na sundin niya kung ano ang nasa puso niya.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon