Chapter XXXIII

94 18 10
                                    

Nagsalubong ang mga kilay ni Thiago nang makita ang post ni Mona sa social media. Ipinost kasi ng maingay na dalaga ang ganap sa nakaraang victory party. Binantaan na niya ito na wag i-post iyon, pero mukhang hindi ito nakinig sa kanya. Tatawagan sana ni Thiago si Lucas para ipabura kay Mona ang video nang biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan niya.

"We're here, sir Thiago," sabi ni Mang Jerry.

"Thank you, Mang Jerry. You may go home for now. Just come back tomorrow morning," sabi ni Thiago matapos bumaba ng sasakyan.

"Thank you, sir."

Hindi naman na kumibo si Thiago. Ngumiti lang siya at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kanilang mansyon. Sinalubong siya ng butler at dalawa sa kanilang mga kasambahay pero pinaalis lang niya ang mga ito at pinagpahinga. Isang bagay na ikinatuwa naman ng mga ito.

Umupo si Thiago sa kanilang sala at nag-inat ng leeg. Bigla siyang nakaramdam ng antok. Hindi rin kasi siya masyadong nakatulog. Anong oras na rin kasi natapos ang party at hindi na niya alam kung anong oras na silang natapos mag-usap ni Paisley sa cellphone. At hindi siya makapaniwala na nangyari ang lahat ng iyon ng ganoon kabilis. Hindi niya inakala na sa ganoong paraan siya magkakaroon ng girlfriend.

Napangiti si Thiago nang maalala ang mga nangyari kagabi. Hindi lang kasi sila ang naging highlights ng party, pati ang iba ring naroon. At iyon, ang kauna-unahang party na na-enjoy ni Thiago sa loob ng maraming taon.

"That was crazy," nakangiting sabi ni Thiago sabay iling. "Amazingly crazy."

Tatayo na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. At muli siyang napangiti nang makita ang pangalan ni Paisley.

"Hello," sagot ni Thiago. "Akala ko ba magpapahinga ka na?"

"Hmmm... miss na kasi agad kita, eh. Bitin 'yong oras na magkasama tayo kagabi," tugon naman ni Paisley.

Napapikit si Thiago at napangiti ng malaki. "Take a rest already. Pagod ka na. Masama sa boses mo kung mapupuyat ka."

"Nakahiga na nga ako, pero natatakot ako. I'm scared na baka pagdilat ko, panaginip lang pala ang lahat ng ito."

"This is not a dream," sagot ni Thiago. "Magpahinga ka na. Then, if you have time, let's go on a date later."

"Talaga?"

"Oo. Kahit saan mo gusto pumunta."

"Sige, sige," masayang sagot ni Paisley. "Matutulog muna ako, Thiagobels. Tawag ako mamayang mga 6pm ha, Thiago ko..."

"Sure. Sleepwell, Pai-Paisley ko..."

Sandaling humagikhik ang dalaga sa kabilang linya, hihirit pa sana at babawiin ni Thiago ang sinabi pero bigla na lang naputol ang linya.

"Paisley ko? Paisley-bels?" natatawang bulong ni Thiago sa sarili. "Corny... but I love the sound of it," dugtong niya sabay lakad papunta sa hagdanan.

Papasok na sana si Thiago sa kwarto niya para magpahinga nang makarinig siya ng tunog ng piano. Sandali siyang tumigil at pinakinggang kung saan nanggagaling ang tunog. Wala naman kasing ibang tumutugtog sa mansyon nila maliban sa kanya.

Sinundan ni Thiago kung saan nanggagaling ang tunog at dinala siya noon sa harap ng kanilang music room. Hindi siya pamilyar sa piyesa na naririnig niya, pero sigurado siyang isang propesyonal ang tumugtugtog. Ayaw na niyang mag-isip pa kaya naman kaagad niyang binuksan ang pinto at nagulat siya nang makita kung sino ang naroon.

"Kuya Rafael?"

"Thiago," bati nito sabay tigil sa pagtugtog. Tumayo ito at nakangiting humarap kay Thiago. "What? Para ka namang nakakita ng multo."

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon