Chapter XXIV

96 18 8
                                    

Dahil sa dami ng mga naganap, ay nawala na sa isip ni Thiago na papalapit na pala ang mid-terms. Mahaba pa ang lalakbayin niya para tuluyang makuha sa sakim na uncle ang kompanya nila at hindi siya pwedeng magpabaya. Nararamdaman naman ni Thiago na nasa tamang landas siya ngayon. Sadyang ngayon lang niya nararamdaman ang pressure ng pag-aaral.

Tapos sasabayan pa ng magugulong mga kaibigan.

At sasamahan pa ng kaunting landi at kalokohan. Tapos... dagdagan pa natin ng mas maraming landi.

Hindi inaasahang lumaki ang grupo na nabuo nila sa kwarto ni Lucas. Sa madaling salita, ay dumami pa ang naging mga kaibigan ni Thiago. Nariyan na si Eli, na una niyang nakita sa Disciplinary office noong first day, si Beau na kaklase ni Ariston noong highschool, at si Patrick na nasama sa kanila dahil kay Perry.

At hindi man masyadong ipinapahalata ni Thiago, ay masaya siyang nakakasama ang mga bagong kaibigan.

Hanggang sa nagkaroon ng problema si Lucas sa scholarship nito. Sinubukan ni Thiago na tulungan ang kaibigan, pero ayaw nitong tumanggap ng direktang tulong. Raket ang hinahanap nito, at naisip nito ang online sabong. Tutol si Thiago sa ideyang iyon at maging ang ilan sa Wasalak. Maaari kasi silang ma-expel kung matutuklasan iyon ng university. Pero nakaisip si Ariston ng paraan, at iyon ang manipulated online sabong. Walang sabong na magaganap. Staged ang lahat at sila-sila rin ang tataya kunwari para makatulong sa kaibigan.

"Come on, Thiago. Hindi naman siguro 'yon mahuhuli. For sure Ariston is aware of what's going to happen kung mahuhuli tayo," sabi ni Thunder kay Thiago. Nasa tapat na sila ng dorm room ni Thiago.

"I hope so. Anyway, I have to prepare. Ariston's girl will be waiting for me for sure."

"Can you do it? Baka maraming manuod?"

Tinignan ni Thiago si Thunder bago nito buksan ang pintuan ng kwarto. "Yeah. I can 'coz I have to."

"Alright, see you later."

Pagkatapos noon ay pumasok na si Thiago sa kwarto at isinara ang pintuan. Agad niyang ibinagsak ang bag na dala at deretsong dumapa sa kanyang kama.

Wala naman talagang balak si Thiago na tumugtog ng gitara sa harap ng mga tao. Pero hindi siya nakatanggi kay Ariston na pagbigyan ang babaeng nanliligaw dito para sa isang song number sa Veterinary Students Assembly. Ang babaeng iyon ay si Deyanne. Ang uri ni Deyanne ang isa sa mga pinakaayaw ni Thiago. Pero ang babaeng iyon din ang kauna-unahang nakapagpatawa sa kanya ng malakas sa loob ng maraming tao. Sino ba namang hindi matatawa? Makita mo ba namang makatanggap ng isang bouquet ng boxer briefs ang kaibigan mo. Oo. Boxer briefs. Colorful boxer briefs na may design na angry birds ang iniregalo ni Deyanne kay Ariston.

Pero kahit ganoon ay saya ang nakita ni Thiago kay Ariston nang matanggap ang kakatuwang regalo. Naisip niya tuloy bigla kung ganoon din ang hitsura niya tuwing kasama niya si Paisley.

"Ah! Ano ba 'tong iniisip ko!" ungal ni Thiago habang nakasubsob pa rin ang mukha sa kama. At maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya agad ang cellphone sa bulsa at sinagot ang tawag.

"Thiagobels... kumusta? Pasensya na hindi kita napuntahan kanina," bungad ni Paisley mula sa kabilang linya.

"That's okay. How is your preparation?"

"It's great. Thanks for the tips and for the arrangements of chords. Pero I need to study for the mid-terms na rin."

"Okay. galingan mo."

"Ang sweet mo naman, Thiagobels," balik ni Paisley sabay tawa ng mahinhin.

"Stop it!"

"Bakit totoo naman, ah. Salamat sa'yo,"

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon