Chapter XXXVI

88 17 8
                                    

Natapos na ang finals at magsisimula na ang sembreak. Pero hindi kumpleto ang unang semester kung hindi masasaksihan ng mga estudyante sa MU ang Christmas Light Festival na ginaganap tuwing Disyembre pagkatapos ng finals examinations.

Bawat department o school ay naatasan na mag-decorate at maglagay ng mga pailaw sa iba't-ibang lugar sa loob ng campus. Pero ang main venues ng event ang pinaka maganda sa lahat, ang freedom park at rose garden. Nababalot ang mga lugar na iyon ng naggagandahang mga ilaw at talagang nagliliwanag ang mga iyon.

Kababalik lang ni Thiago mula sa recital room. Nagsimula na rin kasi siyang magsanay para sa sinalihang national competition sa pangunguna na rin ni Ms. Mendoza.

Umupo si Thiago sa gilid ng kama niya at napatingin siya sa kalendaryong nasa ibabaw ng tukador. Napangiti siya nang maalala ang simula ng semester na iyon. Ang pinakamasayang semester sa buong buhay niya. Hindi lang siya nagkaroon ng maraming kaibigan, kung hindi natuto rin siyang magmahal at magpahalaga sa iba.

Pumunta si Thiago sa kanyang study table at mula doon ay dinampot niya ang isang pahaba, maliit at kulay itim na kahong may desenyong gintong ribbon sa ibabaw. Binuksan niya iyon ay napangiti siya nang makita ang isang gintong kwintas na may pendant na music note. Sa gitna ng pendant ay nakaukit gamit ang maliliit na diamonds ang initial ni Paisley. Ang totoo ay matagal na niyang balak ibigay iyon sa dalaga, hindi nga lang siya makahanap ng magandang pagkakataon.

Isinara ni Thiago ang kahon at maghuhubad na sana siya ng pang-itaas nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Kaagad naman niya iyong sinagot nang makitang si Paisley ang tumatawag.

"Hello, Thiagobels ko. Nakabalik ka na ba sa dorm?" tanong ng dalaga.

"Yup. Magpapahinga na bakit?"

"Anong magpapahinga?" dismayadong tanong ng dalaga. "Huwag mong sabihing nakalimutan mo na 'yong usapan natin."

"Ha?"

"Tonight is the last night of the Christmas Lights Festival 'di ba?"

Napakamot ng ulo si Thiago. Hindi naman niya nakalimutan ang usapan nila ni Paisley. Hindi lang niya alam na ngayon na pala iyon.

"Ah... yeah... I remember. I'm just kidding."

"Sinungaling..." monotonong sagot ni Paisley.

"Hindi nga. Binibiro lang kita. Sige na. See you later, 7pm, Rose garden. 30 minutes na lang din naman."

"Naku... sige na nga" pang-aasar ng dalaga sabay tawa. "Sige na. See you, Thiagobels."

"See you, Paisleybels."

Nakangiting pinatay ni Thiago ang tawag at pagkatapos ay dumeretso siya banyo para makapag shower. Nagsuot siya ng komportableng damit at pagktapos ay napatingin siyang muli sa kahon sa ibabaw ng kanyang study table.

"I think, this is the time for you to shine," sabi niya sabay kuha sa kahon at lagay noon sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay lumabas na siya at nagmamadaling pumunta sa Rose Garden.

Hindi masyadong matao sa Rose garden, hindi kagaya ng inaasahan niya. Nasa freedom park kasi ang karamihan dahil may program doon. Kaya naman sigurado na si Thiago na ito na ang pagkakataon para maibigay niya kay Paisley ang regalo.

Kaagad na nakita ni Thiago si Paisley pagpasok niya ng Rose garden. Pero hindi siya nakita nito. Nakangiti ito at abalang pinagmamasdan ang isang napaganda at bagong bukadkad na rosas. Napaganda ng rosas na iyon. Pero para kay Thiago ay walang bulaklak doon sa hardin ang makakapantay sa kagandahan ni Paisley.

Umikot si Thiago sa kabilang bahagi ng hardin at pagkatapos ay inilabas niya mula sa bulsa ang kwintas na ireregalo sa dalaga. Dahan-dahan siyang pumunta sa likuran nito at pagkatapos ay akma na sana niyang isusuot ang kwintas sa dalaga nang biglang humarap ito sa kanya.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon